FIVE

1.8K 25 1
                                    

"Naku, basang-basa kayong tatlo ahh...teka at kukuha lang ako ng tuwalya at mga maisusuot ninyo."

"Wag na Dulce. Wag ka nang mag-abala. Yung pagpapatuloy mo pa lang sa amin eh malaking tulong na yon.." sagot ni Jared.

"Hindi ako makakapayag na tanggihan ninyo. Eh kung magkasakit kayo sa lagay nio na yan ha. Maghubad na kayo at kukuha lang ako na pamunas at pamalit ninyo..." makulit na wika ni Dulce.

Agad akong nagtungo sa aking silid at kumuha ng tuwalya at mga damit.

Excited akong makabalik at masilayan ang mga hubad na katawan ng tatlong adonis hehehehe...

Pagbalik ko at nakahubad na ang mga ito. Tanging mga boxers shorts na lang ang suot nila.

Lord, help me.

Give me strength na kayanin ko ang nakikita ko...choz!

Ay grabe talaga..kulang na lang tumulo na ang laway ko.

"Pasensya na Dulce at pati mga pantalon namin eh basa na rin." nakangiting wika ni Andrei.

Ay susmaryosep!

Kung makangiti naman itong si Andrei eh parang inaakit ako ah...

Mamaya ka sa akin, lalantakan kita!

"Oh eto at magpunas kayo. Heto na rin ang mga damit. Sana magkasya sa inyo yan. Ang lalaki kasi ng mga katawan nio eh...hehehe.."

"Salamat Dulce..." si Mikos iyon.

"Oh baka gusto niong magkape..pampainit man lang..."

Pero kung gusto nio naman eh ako na ang magpapainit sa inyo...

"Wag na...nakakahiya na talaga...magpahinga ka na..okay na kami dito sa sala." sagot ni Jared.

Ano ako sira?

Eh paano ako makakatulog kung alam kong may tatlong guapo sa loob ng aking bahay.

Titikman ko pa kayo noh!

"Nahiya ka pa Jared hehehe...okay lang yun. Hindi naman ako inaantok pa...sige punta lang ako sa kusina at ipagtitimpla ko kayo ng kape..."

Pagbalik ko ay may hawak na bote ng matador si Jared.

"Umiinom ka pala Dulce?" wika nito.

"Hindi naman masyado...pero kung kayo ang kainuman ko eh bakit hindi...malamig pa naman at masarap uminom ngayon...hehehe" sagot ni Dulce.

"Nice..." nakangiting tugon ni Jared.

"Teka kukuha lang ako ng chaser at ng pwede nating mapulutan." patuloy ni Dulce.

"Oh sige, samahan na kita." si Andrei iyon.

Habang nagtitimpla ako ng iced tea ay panay ang sulyap ko kay Andrei.
Ang lakas talaga ng dating niya sa akin...

"Ito na lang century tuna ang ipulutan natin Dulce para di ka na maabalang magluto pa..."

"Ang bait mo naman Andrei..ilang taon ka na pala?"

"Thirty na ako...kaedad ko si Jared."

"Eh si Mikos? Mukang bata pa siya ah..."

"Ah oo, twenty one pa lang yun. Ikaw ba?" ganting tanong ng binata.

"Naku....forty na ako hehehe..."

"Hindi naman halata...maganda at sexy ka kasi..."

"Talaga, you find me beautiful and sexy?" malanding tanong ni Dulce.

DULCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon