*****CHAPTER 1*****
I was surrounded my black smoke. I found myself na nakahandusay sa pader, ang sakit ng katawan ko. may naririnig akong nag aaway sa may di kalayuan. Pinipilit kong tumayo, para malaman ko kung anong nangyayari. May mga naririnig akong sumasabog at may mga umiiyak. Ang init, pinagpapawisan ako... Pinunsan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko, nakita kong may dugo din ako. Hindi ko na pinansin, pero ang alam ko may mahalaga akong gagawin. May hinahapan ako, pero hindi ko alam kung ano yun. Bago ako nahimatay sa pagkahapas sa pader may hawak ako. May tinatago ako, tinakbo ko yun at may mga humabol sa akin. Hindi ko alam kung nakuha na ba yun or what, pero alam ko hindi dapat pweding makuha yun. Pinag patuloy ko ang paghahanap, patuloy din ang pagtago ko. Nakikita ko mga namatay na tao. Grabe, ano nang nangyayari dito!?!? Naiiyak ako sa mga nakikita ko, alam ko mahahalagang tao ang mga ito sa akin pero hindi ko sila maalala. Bakit ganito???? Maya maya, may narinig akong lalaking tumatawag sa pangalan ko, nakita niya ako. Lumapit siya sa akin. "Are you okay? Did they hurt you?" Nag aalalang tanong nito sa akin. I just nooded, they let me stand up. Sa pag tayo ko, nakita kami ng mga masasamang nilalang at may kasama silang naka black coat na naka hood. Hindi ko nakita yung mukha, nakikita ko lang ang mga mata niyang nag aapoy. Papatayin yata kami nito
O, hindi ko na alam ang gagawin ko, nanghihina pa ang katawan ko. May Sinabi syang ka taga, mula sa tungkod na hawak niya na may bato sa gitna may lumabas na malaking bolang apoy... Hinila ako ng kasama kong lalaki sat sabi niya, "Follow me... Don't look back..." Yan ang naririnig ko kanina sa sinabi nung lalaki sa akin. Tumatakbo daw kami papalayo sa isang bolang apoy. Hindi ko maalala o marecognized ang mukha ng kasama ko. Pero ang alam ko, mahigpit ang pagkahawak ng kamay niya sa kamay ko at pakiramdam ko kahit gaano kadelikado ang pangyayaring ito parang safe ako sa kanya. Pero nagising ako sa sobrang ingay ng kasama kong matulog, humuhilik kasi.
Pag kagising ko, hinihingal ako at balot na balot ako ng pawis. Lumabas ako sa kwarto at bumaba para kumuha ng tubig sa frig at uminom ako. Umupo ako sa dinning table,sakto may naka harap na salamin dito. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Infairness, maganda pala ako (LOL). Hindi talaga ako makapaniwala sa panaginip ko, lagi na lang tong nangyayari sa akin.
Ilang araw na akong nanaginip na nasa isang lugar ako na may mga wirdong kapangyarihan. Ang kagandahan lang eh, maliban sa may powers din daw ako eh may kasama ako na hindi ko maalala o marecognized ang mukha niya. Ang alam ko lang throughout my dreams, I'm with him and he never leave me alone. At ang isa pa niyang sinabi sa akin ay "I can't afford to lose you, I'd rather die for you than seeing you dying in front of me". Ang ganda ko diba!?!?!
Ang kagandahan kong ito, hindi pweding i-expose... Para lang din itong password na hindi pweding i-share at ako lang ang may alam. Para hindi big deal sa lahat at hindi pinagkakaguluhan. Yan ang pananaw ko at paniniwala ko sa kagandahan na meron ako. Eh ikaw, ano ang pananaw at paniniwala mo sa kagandahan mo?!?
"Hoi! Simang! Ano na Nalang emote yang ginagawa mo sa harap ng salamin!?!?" Tanong nang kasama ko na ikinabigla ko pa.
"Walang hiya ka naman, nabigla ako sayo" sabi ko kay Sophia sabay hampas sa pwet nya. "Nakakainis ka! Maka tawag ka ng Simang parang wala akong pangalan..." Pagtatampo kong sabi sa kanya.
Eto pala si Sophia Sollen "Sophie" Green, ang matalik kong kaibigan na kasama ko sa apartment. BFF kami nito, kasama ko siya sa work. Yeah! I'm working... I'm a call center agent girl same as my BFF (kaya nga kasama sa work diba). Si Sophie ang lagi kong kasama sa mga downs and falls ko, alam na din nya ang ikot ng bituka ko. Halos magkasundo kami sa mga bagay bagay na naging dahilan bakit naging mag BFF kami nito. Pareho kami kasing no filter na tao. What you see is what you get ang peg. Anyway siya din ang dahilan kung bakit ako nagising! Buset! Ang ganda nga niya humihilik naman. Kaloka diba!?! Pero maganda siya sadyang maluwang lang ang waistline niya kumpara sa akin. Ako 28-29 siya around 34-35. Ansabe ng waistline ko diba!?!?!
"Hay naku mahfriend. Kaloka ka! Ang drama mo!" Sabi ni Sophie sa akin.
"Tara na lang nga! Kain tayo sa Jollibee. I-libre mo na lang ako para bida ang saya..." Biro ko Kay Sophie.
Pumunta kami sa Jollibee, nasa harap lang kasi ito ng apartment namin. Bonga diba? Kapag tinamad kaming mag luto nakapalibot kami ng mga fastfood, karinderya, convenient stores at market so malayo kaming magutom at malayong papayat tong mahfriend ko. Hehehehhehe.
Bautista
Papunta na kami sa Jollibee, patawid na kami nang biglang may nakita akong kumakaway sa may hindi kalayuan. Tinignan ko si phie, baka kasi siya yung kinakawayan pero tinanong pa ako kung kakilala ko sabi ko hindi. Nang makatawid na kami lumapit ito sa amin, lalaking matangkad, kayumangi ang balat, malaki ang katawan walang muscle pero hindi siya ganun kataba. Naka-smile siya sa akin. Ang cute ng dimples niya. Binigyan ko naman siya ng smile back followed by do-I-know-you look at sino-ka-ba-teh look.
"Sam!?!? Long time no see! How are you???" Masayang tanong nito sa akin at sabay yakap.
Nagulat ako at kinabahan. Wait, kakaiba ang yakap na ito. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya maalala. Napatingin ako sa mata niya, mukhang kakilala nga niya ako. Akala ko nga budul-budul pero hindi eh. Parang magkakilala kami pero hindi ko talaga maalala.
"Sorry, hindi ka pa siguro nakakarecover." Sabi nito. Mukhang nadisappoint sya nung sinabi niya yun. May kinuha sya sa wallet nya at may inabot siya sa akin..."Call me or text me pag naalala mo na ako YAM" sabi nito at sabay halik sa noo ko at daka ito umalis at sumakay na ng jeep.
Para akong nanigas na yelo sa ilalim na mainit na araw. Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang makausap, at tanungin ng marami tungkol sa akin pero sa pagkabigla ko sa yakap niya na kakaiba....wala akong nagawa.
Iba yung yakap niya, malayo sa nararamdaman ko dun sa nanaginip ko... Yung guy na may hawak sa kamay ko. Ahe grabe, nakakaloka!!!
"Mahfriend????" Tanong ni Sophie at yinakap niya ako. At ayun... Nagtinginan mga tao nasa paligid namin. Grabe. Baka isipin nila mag shot a kami.
"I'm okay mahfriend..." Sabi ko at pinilit kong ngumiti para mawala ang pagaalala ni Sophie sa akin. Niyaya ko na siya sa Jollibee para kumain... Gutom na gutom na talaga ako eh. Hehehehe.
#
BINABASA MO ANG
Crystal Tears
FantasíaThis is about the adventure of a girl who lost her memories on a accident. Let's find out what will happen on her life as she look for the answers on her own quests and questions on her life.