CHAPTER SEVENTEEN

69.6K 955 35
                                    

Naisipan ni Summer na dumalaw kila Lian, baka kasi isipin niya ay porket binigyan lang siya nito ng bahay ay nagkalimutan na silang dalawa. Tsaka gusto niya rin itong kumustahin.

"Oh? Summer! Hi! Long time no see ah!" ngumiti si Lian at binati kaagad si Summer nang makita niya ito. Eh? Ganito ba talaga kaganda si Lian na kahit makita mo lang ang ngiti niya ay mabubuo na kaagad ang araw mo?

"Hello...hehe." nahihiyang sagot ni Summer.

"Halika, pasok ka."

Dahan-dahang pumasok sa loob si Summer pero imbis na magagandang gamit ang makita niya, ay puro maleta ang nasa paligid.

"B-bakit puro maleta? Bakit may Cargo Box dun?" nagtatakang tanong niya.

"You mean...Clyde didn't tell you?" gulat na tanong din ni Lian. Naisip ni Summer si Clyde, oo nga pala! May pinagdadaanan din yung mokong na yun, noh?

"Wala naman siyang nabanggit." sagot niya. "Pero...lilipat ka ba ng bahay?"

"Umm, yeah. Lilipat na nga ako ng bahay..."

"Oh? Sige tara tulungan na kitang maglipat!"

"...pero hindi dito sa Pilipinas ang lilipatan ko."

Napatigil si Summer sa narinig niya at nanlaki ang kanyang mga mata, pero hindi yung sobrang laki, baka kasi lumabas yung eyeballs niya. "A-ano?"

"I'm leaving for France tomorrow."

"Seryoso ka?" Siraulo si Summer, si Lian na nga mismo ang nagsabi na aalis siya, pinagdududahan niya pa! "P-pero bakit?"

Tumawa ng mahina si Lian, "Umupo ka muna at uminom ng juice. And I'll explain everything to you."

Sinunod naman siya ni Summer at umupo nga sa sofa na malapit lang sa kanila.

"You see, sa France na ako mag-aaral. And, my parents are also there, and you know, gusto ko rin tuparin ang mga pangarap ko."

"Pero...paano si Clyde?" pangingialam ni Summer.

Ngumiti muna siya bago sumagot. "It's okay. We'll remain as friends." sagot niya. "Plus, nandyan ka na rin naman eh, diba? You'll make him happy."

Happy? Si Summer? At si Clyde? Happy? Ha? Alam ba ni Lian ang mga sinasabi niya?

"P-pero iiwanan mo si Clyde. Hindi siya magiging masaya nun!"

"That's what I'm saying. Na nandyan ka naman para magpasaya sa kanya kahit wala ako."

"Pero..." hindi alam ni Summer kung sasabihin niya ba ito o hindi, pero bahala na! "...mahal ka pa rin niya."

Nagulat siya at napa-isip sa mga sinabi ni Tag-Araw. Oha. Sige, subukan mo pang umalis niyan.

"Oh, then, make him forget about me. And, make him fall for you." Ano? Nasa matinong pag-iisip ba 'tong babaeng to ngayon? Di niya yata alam ang mga pinagsasabi niya!

"LIAN. MAKINIG KANG MABUTI." Hinawakan niya na siya sa magkabilang balikat. "HINDI. MAGIGING.MASAYA. SI. CLYDE. KUNG. WALA. KA."

Inalis niya ang mga kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya ito at ngumiti. "He already is." paliwanag niya. "Take care of him, Summer. I trust you."

****

Take care of him? I trust you? Anong klaseng mga Last Words yan, Lian? Kung ikaw ba iniwan ng mahal mo at nagpakalayo-layo, magiging okay ka ba? Magiging masaya ka ba? Lalo na kung isang babaeng katulad ni Summer ang makakasama mo? Hay!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon