CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 2)

69.6K 1K 223
                                    

"Saan nanaman tayo pupunta?" iritadong tanong ni Clyde.

Oo nga, saan nga ba sila pupunta? Eh wala namang plinano si Summer kanina kung tungkol sa lugar na pwede nilang puntahan eh! Ang sinabi niya lang sa sarili niya ay dapat hindi maging malungkot si Clyde ngayon. Hmmm.

"Uhh...alam mo yung Mowie?" tanong ni Summer.

"Mowie? Ano yun?" halatang naguguluhan rin siya sa tinatanong ni Summer. "Teka, joke ba yan?"

Ha, Clyde? Anong joke? Tignan mong ang ayos-ayos ng pagtatanong sa'yo ni Probinsyana oh!

"Hindeeee! Mowie, yun yung parang may malaking picture na gumagalaw! Mowieeee! Sinabi mo na sakin yun dati eh! Niyaya mo pa ko nun eh!" nag-demonstrate pa siya ng isang malaking square para maintindihan ni Clyde yung sinasabi niya.

"Mowie? Picture na gumagalaw? Ewan ko sayo. Alien."

"Bahala ka! Kung hindi mo alam yun, edi wala tayong mapupuntahan."

Hindi na lang siya pinansin ni Clyde at naglakad na lang papalayo habang ang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Habang si Summer, ayun, sumunod nalang. Ano pa bang magagawa niya? Eh laging si Clyde yung nasususnod.

Ayun, tahimik lang tuloy silang naglalakad habang nasa likod lang si Summer. Kasi naman Clyde, mowie lang hindi mo pa alam? Wala tuloy kayong mapuntahan! At ikaw naman Summer, sa susunod magplano ka muna bago ka mag-aaya, ha? Nagmumukha kang timang eh.

Bigla namang tumigil sa paglalakad si Clyde kaya naman nauntog sa likod niya si Summer.

"Sigurado ka bang Mowie ang tawag dun?" tanong ni Clyde, para kasing nare-realize niya na yung mga dinadaldal ni Summer kanina.

"Bakit ba!"

"Picture na gumagalaw? Malaki?"

"Oo yun nga! Alam mo na ba kung ano yun?"

Humarap sa kanya si Clyde at pinitik ito sa noo, "Movie, hindi Mowie. 'Tong probinsyanang 'to talaga."

Naisip ni Clyde ang gustong sabihin ni Summer dahil sinabi niyang niyaya niya na daw ito dati. Eh sa dalawang bagay palang naman niyaya ni Clyde si Tag-araw di'ba? Sa jogging at movie palang, kaya yun.

"Tsk, dami mong hindi alam eh ang tagal-tagal mo na dito. Elevator? Mowie? Seriously, Summer? Hindi niyo ba yan pinag-aaralan sa inyo? Tska pwede mo naman kasi yung Tagalugin eh! Sinehan po, Summer. Sinehan."

"Ang yabang mo! Bakit anong subject ba sa school ang kailangan ng Elevator ha? Hindi ko rin naman yun kasi wala naman akong nakikitang ganun sa probinsya! Tsaka yung Mowie—"

"—movie." pagtatama ni Clyde.

"—mowie, movie, basta! Wala namang ganyan dun eh! Hindi ko naman alam yun!"

"Tss, oo na. Halika na nga, puntahan na natin yang Mowie mo."

****

"Clyde anong meron dito...." sobrang dilim! Walang makita si Summer! As in! Tapos...basta wala siyang makita kaya hindi niya na madescribe yung lugar na pinaroroonan nila ngayon! "Uy, Clyde! Baka may mamamatay-tao dito!" sa sobrang takot niya napahawak nalang siya sa braso ni Clyde.

Pagkatapos ng ilang hakbang ay nakakita na rin si Summer ng liwanag at sa wakas! Nakita niya nanaman yung picture na gumagalaw ng malaki!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon