Ang Simula ng Lahat

11 0 0
                                    

Panlabas na anyo. Yan naman ang unang dahilan kung bakit natin nagugustuhan ang isang tao di'ba? Iba iba nga lang tayo ng pagkagusto ayon sa panlabas na kaanyuan. May mga tao na gusto ng maputi, yung iba naman gusto ay moreno. May mga taong gusto ng payat, yung iba naman gusto ay malusog. May mga taong gusto ng matangkad, yung iba naman gusto ay cute size. Ako, ano nga ba ang gusto ko?

Nung unang beses kitang nakita sa corridor non, hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko para sa'yo. Napakalayo mo para maging ideal man ko. Una sa lahat, mas bata ka sakin. Ang gusto ko ay yung mas matanda saken kasi matured sila mag-isip at may kaseryosohan na sa buhay. Pangalawa, moreno ka. Gusto ko ay maputi dahil malinis sila tignan pero that doesn't mean naman na madungis tignan ang mga moreno. Pangatlo, payat ka. Gusto ko ay malaman dahil, wala lang gusto ko lang, masarap sila yakapin eh. Pero habang naglalakad ka sa corridor ng araw na iyon, with your red bag and that smirk on your face, ewan ko ba kung bakit pinagmasdan kita ng higit sa normal na segundo ng pagtingin ko sa mga tao sa paligid ko. Para bang alam na ng puso ko na may something. Sabi nga nila "sparks". Iba kasi ang dating mo. Para akong nagka-amnesia at lahat ng "gusto ko" ay bigla nalang naglaho. Biglang naging "ikaw" na lang ang naging basehan ng mga "gusto ko".

Nagustuhan kita hindi dahil sa panlabas na anyo, you're indeed likeable from the outside but I know you are more than just a pretty boy. There's something about you that makes me want to know you more. And I never knew that day was fast approaching.

Para Kay JeremiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon