Fr: Jeremiah EscuevaHi! Good morning!
Umaga palang, kumpleto na ang araw ko. Sino ba namang hindi matutuwa kung pagmulat palang ng mga mata mo, yan na ang mababasa mo? Si Jeremiah yang nagtext noh! Si JEREMIAH ESCUEVA. Ang nag-iisang crush ko sa aking busyng busy na college life.
Medyo late na ako nagising dahil 2 am na rin kami nakauwi kagabi. Sa sobrang happy ko, I treat them sa isang bar sa Greenfield District kung saan malapit ang apartment ni Amara. We party and drink all night. I also need the alcohol last night para magkalakas ako ng loob na replyan si Jeremiah.
To: ********685
Jeremiah? As in Jeremiah Escueva?
Hindi ko alam kung bakit ayan ang una kong nireply sa kanya nung gabing yon instead of saying thank you. But the conversation went well naman afterwards.
Dahil medyo late na ko nagising at kaninang 6:52 am (yes, exact time) ko pa nareceive yang message niya ay agad nakong nagreply.
To: Jeremiah Escueva
Hello! Good morning din! Sorry just woke up, hindi agad ako nakapagreply. Have a nice day!
After ma-sent ng message ay agad ko nang ginawa ang aking morning routines. Bumaba na din agad ako ng bahay para mag-almusal. Nagulat pa nga si Manang Alice, ang aming kasambahay, dahil ang sigla sigla ko ngayong umaga.
"Aba ijah, ang ganda ata ng gesing mo? Wala kang tupak? Benangongot ka ba?"
"Si Manang talaga oh, masama na bang maging masaya? Para namang lagi akong grumpy sa umaga kung magsalita po kayo."
Sumimangot ako ng kaunti at biniro ko si Manang na kunwari ay nagtatampo ako.
"Naku ijah pasensya ka na, nanebago lang talaga ako. Kadalasan kase eh bababa ka dito na nakasemangot at parang pasan mo si Majembo. Sana ay palagi ka nalang ganyan, mas gumaganda ka oh pag nakangeti."
Natawa nalang ako kay Manang. Nginitian ko siya ng malaki at nagsimula na akong kumain. Maya't maya ay sinisilip ko ang aking cellphone upang tignan kung nagreply na ba si Jeremiah, pero hindi padin. Baka busy na siya o kaya naman ay may klase. Ano kayang ginagawa niya?
Well, tama yung mga sinabi ni Manang saken. Madalas, tuwing umaga, ay wala ako sa mood. Ayaw na ayaw ko kasi ang gumigising ng maaga, pero kailangan dahil pang umaga lahat ng classes ko. So lahat ng pagkainis at pagkairita ko ay nabubuntong kina Manang pagkagising. Kahit na maliliit lang na pagkakamali ay mabilis akong magalit kaya naman sinisimangutan ko sila o kaya naman ay magdadabog ako at hindi mamamansin. I know that is very childish and disrespectful. Buti na nga lang at understanding sila Manang at sanay na din sila saken. But still, that should not be an excuse. Tuwing umaga lang naman ako ganon, pero pagnaka-move on na ako at tuluyan nang nagising ang diwa ko, nagla-lighten up naman yung mood ko and I will say sorry to them. O diba parang ewan lang. I'm really trying my best to fix this attitude problem of mine pero di ko talaga kaya. Maybe i'm just not really a morning person. Sorry napaka-lame ko.
Nagtataka ba kayo kung bakit sila Manang lang lagi ang nababanggit ko? Hinahanap nyo yung parents ko noh? Nope, hindi pa sila patay. Nope, wala sila sa abroad and they were here in the Philippines breathing the same air as mine. Nope, hindi ako ampon. Nope, hindi ako anak sa labas. Well, maaga lang talagang umaalis ang parents ko so di nila naabutan ang tantrums ko and super late na din sila umuuwi. They are super workaholics to the point na bihirang bihira ko na silang makasama tho nasa iisang bahay lang kami. Kaya naman eversince mag-start akong mag-schooling, si Manang Alice na ang nag-aasikaso at nag-aalaga saken. I can't blame my parents din naman for having no time for me, I understand that they are also doing that for me.
"Kung hindi mo bibilisan ang pagkain mo jan Kira ay male-late ka na ng bungga."
"Manang it's Keira, not Kira", natatawang sabi ko kay Manang, "Eto na po tapos na po. Thank you for the healthy breakfast Manang and sorry for being grumpy every morning. I love you Manang!"
I don't know why I suddenly became clingy. Maybe i'm just really thankful to have her.
"Ano ka ba naman Kira, may sakit ka ba? Kahit na hinde aku maronong ng Inglis inglis na yan, naeentendehan kita. Walang anoman yon ha. Usya, omakyat ka na don at malilate ka na talaga sa klase mo."
"Okay Manang!"
At gaya nga ng sinabi ni Manang, dahil masunurin ako, ay umakyat na ulit ako ng kwarto para magprepare. But before I do my things, I checked again my phone to see if may reply na. But still, wala. Maybe busy ka lang siguro talaga.
*****
I always receive "good morning" and "good night" texts from you. I know it's just a little thing, but it's the little things that count nga sabi nila. Everyday, your texts make me feel so special kahit na minsan hindi mo na ko nirereplyan o kaya naman kinabukasan ka na magrereply kase nakatulog ka. Nontheless, you make me feel wanted and happy. Ang pinagtataka ko lang, why are you not approaching or even just say 'hi' to me whenever we see each other on the corridors. You'll just look at me then walk away. Ayaw mo bang malaman ng iba na magkakilala tayo? Or maybe nahihiya ka paren? Hmmmmm.
BINABASA MO ANG
Para Kay Jeremiah
General FictionPaano nga ba tayo nagsimula? Bakit tayo nagtapos sa ganito?