"Travis John Borromeo!!!!!!!!!'"
Agad-agad namang napalingon si Travis sa pinanggalingan ng tinig.
Si Jolo. Josemari Lorenzo G. Dela Cruz. Ang kababata ni Travis na classmate nya rin ng high school. Matalik na magkaibigan since chilhood. Sabay na lumaki, magkaparehas ng school mula prep hanggang college. Matalik din na magkaibagan ang kanilang mga ama kaya namana nilang dalawa ang matatag na pagkakaibigan na naipundar ng mga ito.
"Oy pare. Kumusta. Ang aga-aga mukha mo agad ang nasilayan ko dito ah." sabi ni Travis sabay tapik at handshake sa kaibigan. May signature handshake ang dalawa na ginagawa na nila dati pa man.
"Okay lang pare. Tinext kita ah. Nareceived mo ba?? Dadaanan sana kita sa bahay nyo kaso di ko alam ang sched mo. Tsaka hinatid ako ni Dad para daw hindi ako ma-late. Opening daw kasi ng halos lahat ng schools and universities sa Metro Manila. Baka daw ma-traffic ako pag nag-commute ako. Hindi ko rin magamit yung sasakyan ko. Alam mo na, grounded ako kay Mommy kaya bawal."
"Baliw ka kasi eh. Ilang beses ka na bang na-aksidente?? Tama lang ang ginawa ni Tita noh. Hindi ko nga alam if sino ba talaga ang malas, ikaw o yung sasakyan mo?? Takaw disgrasya ka eh. Kaya ayaw kong sumabay sayo sa kotse mo eh. Baka makita ko na si San Pedro." sabay tawa ng malakas. "Oo, nareceived ko yung text mo. Hindi lang ako naka-reply kasi nasa byahe ako. Baka manakaw tong phone ko pag inilabas ko." pagpapatuloy ni Travis.
"Nag-commute ka? Kaya pala ang haggard mo na." tumawa din ng malakas si Jolo.
"Sige mang-asar ka pa. Ayoko kasing sumabay kina Daddy. Baka pagtawanan ako. Hello...nasa college na tayo pre. Hindi na dapat tayo hinahatid ng mga parents natin sa school. Baka bukas kay kuya ako sumabay. Wala lang kasing pasok yun ngayon kaya no choice ako kundi mag-commute."
"Whatever pare. Sa likod naman ako ng parking lot ibinaba ni Dad. Wala naman sigurong nakakita na ibinaba ako ng Daddy ko." sabay pulot ng ballpen nyang nahulog mula sa kanyang mga kamay.
"Regarding pala sa text mo pre. Sige call ako dun. San mo pala nalaman yan?"
"Nabasa ko sa bulletin pre. Next week yun pre. Sali tayo ah. Magpakitang gilas tayo, para pag napasok tayo sa team, madadagdagan sila ng mga poging players. At pagkakaguluhan na naman tayo ng mga girls."
"Adik ka. Hindi yun papogian noh. Ang kinukuha dun magaling dapat."
Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang magaganap na Basketball try-outs para sa Basketball Varsity Team ng kanilang university. Maraming manlalaro ang gumraduate na kaya naghahanap ang school ng mga bago at batang players.
"Bakit pre. Wala ka bang tiwala sa skills mo? The 3-time Basketball MVP of St. Gregory International School, pinanghihinaan ng loob?"
"Hindi naman sa ganun pre. College na toh. Hindi lang toh katulad ng school natin dati na medyo onti lang ang estudyante. Onti lang ang mapagpipiliang maging varsity. Malay mo maraming mas magagaling sakin ang mag-try out."
"Ano ka ba pre. Pag nalaman nila na ikaw si Travis John Borromeo, na anak ni Francisco Borromeo na naging super sikat dito noong 70's at nagbigay ng back to back to back championship sa school na toh eh baka di ka na nila pag-try-outin. Ipasok ka nila agad sa team. Like father like son yan. Nanama mo ata kay Tito Francis yang skills mo sa basketball."
![](https://img.wattpad.com/cover/31712213-288-k512311.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Mo. Mahal Ka Ba??
RomanceNaranasan mo na bang mag-mahal ng taong di ka mahal? Ang sakit noh?? Yung tipong ginagawa mo ang lahat para mapansin ka lang nya pero para kanya...You don't exist. Bakit nga ba hindi tayo gusto ng mga taong gusto natin?? At hindi rin naman natin gu...