Di pa rin maka-move on si Travis sa kahihiyang nangyari. Memorable talaga ang fisrt day of school nya dahil don.
Travis POV.
My goodness. Nakakahiya talaga yun. Ang tanga mo Travis. Masyado ka kasing excited eh. Di mo man lang tinignan ang relo mo if maaga pa ba. Pinagtawanan ka tuloy. Ang masaklap pa, pinagalitan ka ng teacher sa buong klase na parang nakagawa ka ng napakalaking kasalanan, the fact na hindi mo naman talaga klase yun. Haaaay. (Sabay buntong hininga.) Tawagan ko kaya si Jolo. May klase pa kaya yun? Tsk. Wag na nga lang muna, baka maistorbo ko sya. Tatambay muna ko sa canteen.
---------------
Tumungo si Travis sa canteen at bumili ng bottle iced tea at dalawang piraso ng Belgian Waffle.
"Ginutom ako dun ah. Sana pala kumain ako sa bahay kanina."
Tumayo na si Travis para umalis at maglibot-libot sa campus upang magpatay ng oras nang biglang makaramdam sya ng mainit na bagay na tumapon sa kanyang likuran.
"Ay puta ang init." ang nabanggit nya sa medyo galit na tono.
"Ay Bro, Sorry. Sorry talaga. Natapunan ka ba?? Hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin agad. Sorry." ang sabi ng medyo naaaligagang lalaki na nakatapon sa kanya ng kape.
"HINDI. ANG SARAP NGA EH. ULITIN MO PA. TAPUNAN MO KO ULIT. MGA SAMPU PA. ENJOYIN MO LANG." ang sarcastic at yamot na tugon ni Travis.
Naging center of attraction na naman sya. Nakatingin na naman sa eksenang iyon ang ilang estudyanteng kumakain sa canteen.
May biglang sumigaw na estudyante mula sa bandang dulo ng mga lamesa. "Suntukan na yan oh!!!!"
Medyo natakot at kinabahan naman ang lalaking nakatapon sa kanya. "Bro. Sorry talaga. Hindi ko yun sinadya. Maniwala ka."
Yamot at inis ang nararamdaman ni Travis, pero pinilit nya na lang pakalmahin ang sarili at tuluyan na lang umalis at iwan ang kausap upang mag-tungo sa comfort room.
-------------------
Pero sino nga ba ang nakatapon ng kape kay Travis?? Kilalanin natin sya:BRENT SIMON R. SAMONTE.
Birthday: August 04, 1990
Hobbies: Reading, Painting, Swimming
Special Skills: Isa syang Ambidextrous. Taong bihisang magsulat maging kaliwa o kanang kamay man ang gamitin.
Favorite Color: Green
Favorite Movie: Forrest Gump
Motto in Life: Doing your best makes you a winnner.Simple at tahimik na tao lang si Simon. May pagka-introvert sya. Nasanay sya na laging bahay at school ang routine nya araw-araw. Kaya hindi kataka-takang gumraduate itong Valedictorian sa isang kilalang at tanyag na Science High School sa Pilipinas. Walang masyadong kaibigan, madalas ma-bully at asarin ng iba. Pero sa lahat ng tagumpay na naabot nya at pambu-bully ng iba, nananatili syang humble, mabait at hindi mayabang.
----------------------
Agad namang sinundan ni Simon si Travis sa CR.
"Bro, sorry talaga. I didn't mean to do that. Aksidente lang talaga."
"Wala naman nang magagawa yang sorry mo diba. Nangyari na pre. Natapunan mo na ko. Nadumihan na ko. Puti pa naman tong uniform ko. At wala akong dalang extrang damit para makapagpalit. Haaaay. Kung minamalas ka nga naman oh."
"Hhmmmm. Wait. May dala akong extrang T-shirt dito. Lagi akong pinababaunan ng mama ko ng extra para daw if sakaling pagpawisan ako eh makapagpalit ako agad at hindi ako tuyuan ng pawis at ubuhin."
"Wag na. Hindi ko na kailangan yan." ang matabang na sagot ni Travis.
"Bro, tanggapin mo na yung tulong ko. Kasalanan ko yun. Kasya toh sayo. Mukang magka-size naman tayo. I'm really sorry talaga Bro. I really do. Hindi ko sinasadyang masira ang araw mo at mabad-trip ka. Freshman lang ako dito. Bago lang. Ayoko ng may kaaway lalo na't sa First Day ko dito sa university. Hindi naman ako ganung tao Bro. Hindi ako palaaway at gumagawa ng away."
![](https://img.wattpad.com/cover/31712213-288-k512311.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Mo. Mahal Ka Ba??
RomanceNaranasan mo na bang mag-mahal ng taong di ka mahal? Ang sakit noh?? Yung tipong ginagawa mo ang lahat para mapansin ka lang nya pero para kanya...You don't exist. Bakit nga ba hindi tayo gusto ng mga taong gusto natin?? At hindi rin naman natin gu...