Simula

123 3 0
                                    

Alas sais ng umaga, nagising si Roger dahil sa malakas na ingay sa labas at dahil ito sa mga tumatahol na aso.

"Ano ba naman yang ingay na yan?! Umagang umaga eh puro aso nalang ang naririnig ko! Buwisit!"  wika niya.

Bumaba siya ng hagdan at dumeretso ng CR. Naghilamos siya at pumunta sa kusina upang tignan ang ulam sa lamesa na luto ni Aling Elsa. Sumigaw si Mang Tonio, "Roger! Aalis na ako at mamamasada pa ako! Tanghali na!" Si Roger ay 20 taong gulang lamang. 10 taong gulang pa lamang siya nang maranasan niya ang hirap ng buhay. Tricycle driver lang ang trabaho ni Mang Tonio habang nagdadaing lamang ng isda si Aling Elsa. 

Mag aalas otso na ng umalis si Roger papuntang trabaho. Tumakbo siya ng mabilis dahil ang oras ng pasok niya ay 8:30. Nang siya ay tumatakbo, hindi niya na nakikita ang mga dinadaanan niya. Nakaapak na nga siya ng dumi ng aso pero wala parin siyang pakialam. Nakabunggo niya ang isang babaeng nagngangalang Jenniffer. Pareho silang tumumba, ngunit sa pagmamadali ni Roger ay tumayo siya at hindi na tinulungan ang babaeng tumumba at tumurpit dahil sa lakas ng kanilang banggaan. Parang nagbanggaan ang Bus at Fx! 

Napabulong si Jennifer, "Tatandaan ko ang mukha ng lalakeng yan! Ni hindi man lang nagsorry sa nagawa niya! Walang respeto!" 

Ilang linggo ang lumipas, sa hindi inaasahang pangyayari. Nagkita si Roger at si Jennifer sa isang mall. Nang makita ni Roger ay dahan dahan itong lumihis ng dadaanan. Ngunit, nakita agad ito ni Jennifer dahil nakita nito ang patay na kuko sa hinliliit ng kamay ni Roger.  Kaya hinabol niya ito hanggang sa CR ng mga lalake. Dahil hindi mapapatawad ni Jennifer ang lalaking ito ay hinintay niya itong lumabas ng CR. Inabot na ng closing ang dalawa. Hindi napansin ni Jennifer na nakatulog siya. Dahan dahang lumabas si Roger at kaagad napansin ang babaeng tulo laway kung matulog kaya dinala niya ito sa kanilang bahay.

TO BE CONTINUED..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon