This Love

8 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa gym ng school namin pinapanood siya habang naglalaro ng basketball.

 Hot,gwapo at mayaman yan siya habang ako naman si miss Nobody ng school ang tinuring na weird ng mga schoolmates at classmates ko.

Ewan ko kung bakit maayos naman ako manamit at maayos naman ang itsura ko.

Ewan ko ba sakanila kung bakit ganun wala nga akong mga kaibigan eh. Pero nabago yun nung nakilala ko siya.

Naglalakad kasi ako papunta sa room namin at habang naglalakad ako may nabangga akong babae at dahil may iniinom siya ay natapunan ang blouse at palda niya nagulat nalang ako nung bigla niya akong sampalin at sabunutan.

Ano ba weirdo hindi ka tumitingin sa daanan mo.

 "Sa susunod tignan mo nga ng wala kang napeperwisyo bwisit"

sabay hila nanaman niya sa buhok ang sakit ng pagsasabunot niya saakin at talagang naiiyak na ako nun pero nagulat ako ng merong biglang humablot sa kamay niya.

"Stay away from her" yan ang sabi niya sa babaeng nanghablot sa buhok ko.

Nakatingin lang ako sa baba dahil sa kahihiyang nangyari saakin ok lang naman kung sabihan nila ako ng weird or freak eh pero sumosobra na sila.

Bigla nalang ako hinila ng lalaking yun at dinala sa likod ng building namin at laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya

"Ok ka lang ba Sam" tanong saakin ni Johance Montenegro isa sa sikat sa school

"O-ok lng ako sa-salamat pala kanina sa pagtulong" sabay talikod ko

Maglalakad sana ako ng bigla niya akong hinila at biglang niyakap

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng oras na yun.

Ahh ehh ok lng ta-talaga ako sabi ko sakanya at pilit na hindi tumingin sa mata niya dahil feeling ko namumula na ang mukha

Doon nagsimula ang lahat pinotektahan niya ako sa bawat pangbubully saakin ng mga schoolmates ko

Pero nagulat ako ng isang araw habang sinabayan niya ako sa pagkain bigla siyang nagtapat ng nararamdaman niya saakin

Nagulat ako sa pagsasabi niya kanyang nararamdaman

Sa sobrang gulat ko bigla akong nagwalk out at pumunta sa rooftop

Gusto niya ako. May gusto siya saakin pero paano

Pagkatapos ng araw na yun lagi na siyang sumasabay saakin sa pag uwi at pagpasok dahil nanliligaw na siya pinayagan ko siyang manligaw saakin

Naging boyfriend ko siya at naging miserable ang buhay ko dahil dito mas lalo nila akong binubully kapag wala siya pero tiniis ko ito dahil sobrang naging sweet siya at masipag na boyfriend.

Ang swerter ko sakanya

Nagtagal kami ng 11 months at dapat mag 1 year na kami pero hindi ko matanggap ang mga pangyayari.

Nalaman kong niloloko lang niya ako at isa lang iyong dare ng mga kaibigan niya

Ang sakit sobrang sakit dahil sobra ko na siyang minahal at hindi ko matanggap na ganito ang gagawin niya saakin. At ang masakit sakanya ko mismo ito nalaman.

Sa sobrang sakit hindi ako nakapasok sa school ng ilang linggo lagi akong umiiyak at muntikan na akong maglaslas. Sa ilang linggong hindi ko pagpasok at pag iyak dahil sakanya.

Naging matapang ako, hindi ko na pinapabayaan na may mananakit pa saakin at natuto na akong lumaban para sa sarili naging cold hearted ako

Bigla akong natauhan sa sobrang lalim ng iniisip ko ng may pumito

Tumayo na ako sa upuan ng nag aalisan na sila at habang naglalakad ako nakatingin lang ang mga estudyanteng nadadaan ko

Bitch narinig kong sabi ng isang babae na nasa gilid ko pagtingin lo sakanya bigla siyang namutla

"Yup Im bitch so back off" sabay sampal ko sakanya

Yup Im bitch now dahil to sakanya at ipaparanas ko sa iba kung paano nila ako tratuhin.

Wag kang magpapaapi sa iba at dapat marunong kang lumaban para sa sarili mo para hindi ka nila tratuhin ng para ka lang isang nobody. Dapat mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal ng iba dahil sarili mo lang ang makakatulong sayo kapag winarak ka nila. Im Samantha Del Rio certified Bitch

----------
Nagawa ko to dahil sa sobrang kaboringan hahaha wala lang boring lang po kaya nagawa ko to hehehehe wala kasing magawa....
-Leoleo21

This Love (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon