kRIiiiiing ! Kriiiiiiiing !
Nagising ako ng dahil sa tawag.01:00 am na pala.sino ba naman ang tatawag ng ganitong oras?
"hello!?" nakakaimbyerna ha.
("hi")
"sino to?"
("ako nga pala si Ice.")
"di kita kilala.bye!" at inend ko na ang call.
Maya maya may nagtxt.
Fr: 0935.......
Hindi naman ako masamang tao. Matino naman ako.
* * *Pero di ko nireplyan.
Maya maya tumatawag naman.
Sinagot ko at di ko na hinintay na makapagsalita pa sya.
"kung talagang matino kang tao di ka dapat tumatawag ng ganitong oras. Di mo ba alam na nabulabog mo ang pagtulog ko?! Yun ba yung matino ha!" sabay end ko ng call.
Yang mga lalaki kasing yan kadalasang iniisip ay ang pangsarili lang nilang interes.
Teka parang gutom na ko. Di pa nga pala ko kumakain ng hapunan. Kaya bumaba muna ko at nagtungo sa kusina.
Nakita ko un post it na nakadikit sa pinto ng fridge.
Love,
May spag sa fridge. Natanggalan ko na ng hotdog para di ka na mahirapan. Initin mo nalang. Maggatas ka bago ka ulit matulog ha.
-nanang
Si nanang talaga. Napakalawak ng ngiti ko habang binabasa ko yung nakasulat sa post it. Pagbukas ko ng fridge may post it ulit na nakadikit sa isang baso ng mccafe. Wala namang laman ung baso.
Love,
Wag mo itatapon itong baso. Galing ito kay destiny.
-hannahYan talagang si hannah. Kala mo di kami nagkikita dito sa bahay ah. D nalang sinabe dba? Minsan may mga tao talagang di mo maipaliwanag kung anong problema.
Gaya nga ng bilin ni nanang, pagkakain ko ay uminom muna ko ng gatas bago ulit humiga.
Pagpunta ko sa kwarto, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang tao ang nasa loob ng bahay na ito at iba rin ako sa labas ng bahay.bakit? Mamaya ko na ikukwento dahil inaantok na ko.
Kinabukasan...
Pagmulat ng mata ko agad ko naalala.
"anong oras ng klase ko!!"
Tanga 7:30 ang klase ko ngaun. Ahhhh 6:30 na !!! May isang oras pa ko pero matagal kc ako kumilos. Takbo ko papuntang cr. Yung shower diretso. Pinagsabay sabay ko na. Pagkatapos ko maligo diretso ako sa walk in closet ko. At dahil mabait akong bata ayokong isuot ung uniform namin. Hindi ba ko matuto kung iba ang damit ko kesa sa kanila? Tsss. Sneakers+skirt+hanging blouse na may nakaprint na *HATERS GONNA HATE* tapos makapal na eye liner, liquid eyeliner ,mascara at black na lipstick. Yung buhok ko na hanggang bewang yung haba ay binlow dry ko para maging maganda ung pagka ombre. Ash yung kulay nya sa dulo. Kahit ano pa ang porma ko, wala akong pakialam sa iba. Haha
Pagkatapos ko maghanda bumaba na ko para kumain.kahit late na kakain pdin ako no.
"bakit parang maaga ka ata ngayon love?"
"nang iba iba po kasi yung oras ng klase pag college na."
"ganun ba? O cia cge. Kumain kana at iniintay kna ni natasha sa labas."
"opo"
Si natasha yung personal driver ni daddy pero dhil ayaw ko ng lalaking driver sya nalang muna ang driver ko pero di sya dito sa bahay tumitira. Ayoko ng may ibang tao sa bahay bukod sa aming tatlo saka sandali lang naman sya magtatrabaho sakin kasi pag nag 18 ako pwede na akong magdala ng sasakyan.
Maya maya kumain ndin si hannah dhil sasabay nadaw sya saakin.
Pagkatapos namin kumain sumakay na kami parehas. On the way naman ung school ni hannah kaya ok lang. Si mommy ang nagpapaaral sa kanya. At bilib din namn ako kay hannah dhil talaga namang matalino wag nalang nating isali yung naniniwala sya sa pagibig na yan na matatagpuan nya daw kuno sa lalaki na itinatago nya sa pangalang destiny. Tsss. Maya maya pagkababa ni hannah ay malapit ndn nmn ako sa school. 7:30 na. Pagkarating na pagkarating ko ay takbo na ko agad.
Teka iba nga pala ulit ang room ko. Naghanap pa ko. 7:38 na. Ayun!
Pagpasok ko ng room may prof na at may isa pang tao sa unahan na sa tingin ko ay estudyante din dahil sa uniform na suot.
Tumingin sila lahat sa akin.
"you are ms.?"
"sy ma'am"
"architecture student?"
"yes ma'am"
"okay. Seat beside mr. Esmith"
Kahit labag sa kalooban ko ay dun ako umupo. Bakit ba naman kasi ito.pa ang katabi ko. Kahapon napikon sya. Alam ko yun.
Pero bakit parang ang tahimik nya. Galit ba sya? Ang babaw nya ha. Pero syempre sino ba namang di magagalit kung sampalin ka ng babae sa harap ng mga kaklse mo. Syempre outch yun sa pride.
"hoi" sinundot ko ung braso nya. Abat tiningnan lang ako.
Ah dedma ha.
Sinundot ko ulit.
"bakit miss?
Iimik din pala pinatagal pa eh.
"sorry kahapon ha." syempre mali naman talaga yung ginawa.
Parang nagtaka sya tapos ang tagal bago sumagot.
"okay lang." ano ba naman tong taong to. Kahapon lang todo ngiti tapos ngayon ni kapiraso ng ngipin wala akong nakikita.
Hala! Baka tumalsik mga ngipin nya sa pagsampal ko kahapon ah.
"sige pambawe. Dahil sinampal kita kahapon ipapakilala ko na sarili ko. Ako c rellian lovely sy. Rels for short."
Neknek naman kung payagan ko sya tawaging love no.
"sina-mpal mo ko kahapon?"
"oo kaya nga ko nagsorry. Ano pati utak mo tumalsik ganun?"
"ay oo nga pla.Im Ice Charl Esmith but you can call me ice."pero nasa muka nya padin ang pagtataka.Teka parang narinig ko na yung ice ah. Saan nga ba yun? Habang iniisip ko kung saan ko narinig yun ay bigla nalang tumayo si ice at lumabas.
Saan pupunta yun? Ang mga lalaki talaga umaalis nalang bigla.
Di ko maalala talaga. Nakinig nalang.ako sa prof nmn sa unahan.
"since major nyo to. Mga architect wanna be lahat ng nandito. Hindi katulad sa ibang subjects na may kaklase kayo na ibang course depende sa subject. Tsaka ito lang naman ang araw ng major nio kaya isang araw lang kayo mapapahiwalay sa mga friends and lovers nio sa ibang course."
Hay nakuh.kelan ba kame magguguhit. Nkakainip to ah. Wala bang klase na di ako mkakarinig ng kahit ano sa love. Nabibingi na nga ko sa pangalan ko na love kapag nasa bahay. Double meaning eh.
Daldalan lang naman eh. Hanggang mag dismissal na pala. 5 hours ako tumangla ah. Saludo na ko sa sarili ko. Bali 12:30 na. Dadaanan ko nalang pala si hannah saktong 1 labas na yun eh. Papadaanin ko na c natasha para sabay n kme ni hannah. Magiintay nlng ako. Sandali nlng naman eh.
Maya maya dumating nadin si natasha at diretso kame sa school ni hannah.
Habang naghihintay parang nakita ko si Ice. Kaso sumakay agad cia sa red nyang sports car. Cia na may car. -.- bakit andito yun? Anong ginagawa nun dito.?
BINABASA MO ANG
COMFORTIBLE
Short StoryMraming naniniwala sa pagibig. Pero pano kung isa ka sa mga HINDI. A big NO palagi sa mga manliligaw at ang tingin sa lalaki ay isang malaking KASINUNGALING. Pano pag dumating na si THE ONE pero di mo namamalayan? Magmamatigas ka padin ba? o hahayaa...