split personality?

12 2 0
                                    

Love POV

Ice? Ano kayang kailangan nya sakin?

Ipinatong ko nalang yung bulaklak sa lamesa.

"Love halika na't kumain."

* * *

Its been 3 weeks since natanggap ko yung mga pink roses na yun. Di ko alam kung bakit pero may saya ako nararamdaman na kung sino man si ice nagpadala non. Wala syang hinihinging kapalit. Pero npapangiti ako. Minsan nakatanggap ako ng isang box ng chocolate tapos may note na " dont stress your self :) - I.C.E.". At ngaun naman hawak ko ang uniform ko na galing din sa misteryoso kong sender at may note na " Wear this. :) You will be more beautiful in it. -I.C.E."

Iniisip ko kung bakit nya kaya ginagawa to?

* * *

Lahat sila nakatingin sakin. Bakit? Suot ko lang naman ang uniform na binigay sakin ni mysterious sender. I find myself weird pero sinuot ko to because of him. I know his right.

"aba ! Sino nakaisip nyang paguuniform mo?" singit nya habang.nakadungaw sa bintana ng blue na sports car nya.

Si sya na ang red ang car kapag tuesday. I dont know why pero feeling ko may problema sa utak to. Eh kasi naman kasabay ng pagbabago ng kotse tuwing tuesday ay siya ding pagbabago ng ugali.

Nabanggit ko bang gusto ko na ipasalvage si Ice Esmith. Kung makikita na lang ang katawan nya sa loob ng maletang lumulutang sa ilog.

Kung di lang to tarantado, sana inisip ko na ito ung misteryosong sender ko kasi sya lang naman kilala kong Ice eh pero hindi mangyayari yun dhl un sender ko sobrang bait at kahit di ko sya kilala, i know malayo talaga sya dito sa kaharap ko.

"Alam mo dahil nakita kita ngayon sira na ang monday ko ! >.< "

"chillax!"

At.pinaharurot nya na ang sasakyan nya.

Pagdating ko sa room aba si gago ang ganda ng ngiti. Palibhasa un nalang sa tabi nya ang bakante.

" Sabi ko na nga ba gustong gusto mo ko katabi." aba ang kumag na to.

" In your dreams!"

" You know what alam ko namang gusto mo ko, ayaw mo lang ipahalata. Hayaan mo,magpapanggap akong walang alam. " sabi nya yan habang ang luwang ng ngiti.

Pero

" Class get one whole sheet of paper. You'll have your surprise quiz."

WHATTTT!!! Mysterious sender! Ngayon kita kailangan. Anong isasagot ko ngayon dito? ;(

Nakatulala ako. Sa dame nang letra at numero.

ANG WALANG KAMATAYANG SUMPA NG X AT Y ! -_____-

Bakit itong katabi ko easy lang ata sa kanya.

Ah! Punit papel,gusot,tapon! Nang susulatan ko na ng napakaganda kong pangalan ang panibago kong papel ay agad itong kinuha ni Ice at pinalitan ng nasagutan na nyang papel. Teka! May pangalan ko sa taas? Bakit? Tiningnan ko sya at sya naman ay patuloy sa pagsusulat sa papel na akin dapat. Maya maya ay tumayo sya binigay na nya un papel nia at umalis.

Minsan di ko sya maintindian, Mabait na hindi. Gets nio? Basta.

"okay. Times up. Pass your papers forward."

Teka? Anong gagawin ko? Ipapasa ko ba o hindi? Pero di ako nagsagot nito eh.

"Ms. Sy I said your paper!"

Wala na. Ipinasa ko na. -____- pasensya na. Nadala lang talaga ng takot at pangamba. Ahaysss!

Agad dn chinekan ang mga papel namin.

"Ms. Sy di ko alam gusto mo pala ang math."

"po?"

"perfect un test mo eh"

ANO?

Hala kung perfect yun sakin? Edi

"Ma'am ? Ay yun kay Ice po?"

"Di sya tumama kahit isa. Nakakapagtaka ang batang yon."

Bakit?impossible yun?cnadya nya ba yun? Bakit nya ginawa yun?

* * *

" Oh anak kamusta school?"

School padin nang. Cguro kung nasa mood ako yun ang sagot ko pero hnd.eh. Hays

"okay naman po."

Dumiretso ako sa taas para magbihis. Nagtaka ako sa isang square na bagay na nakalagay sa tabi ng vase. Kahit kulay brown na ang mga pink roses na yun di ko parin sya itinatapon. Kasi alam ko galing yun sa taong totoong andian kahit di ko nakikita.

May note ulit ito na "Balikan mo ang totoong ikaw Love. Magtiwala kang muli. Ngumiti kang muli na katulad ng dati. -I.C.E. "Nagulat ako ng sirain ko ang brown paper na nakabalot sa bagay na ito. Ako ito ah. Ako ito nung bata pa ako. Nung mga panahong buo pa ang pamilya ko at napakaganda ng ngiti ko. Di ko maalala kung anong edad ko nito. Iginuhit ako dito gamit ang lapis at talagang parang totoong totoo.

Sino ka ba? Bakit kilala mo ako? Bakit mo ginagawa ito?

* * *

"Love!"

"po?" natutulog yun tao tapos gigisingin.

"Dba may pasok ka?bangon na?"

Teka?umaga na?

" Iyong larawan mo ay isinabit ko na dun sa dingding na yun malapit sa may vase. Naiipit mo kasi kagabe kaya inilagay ko don pero kng ayaw mo-"

"Okay lang po yun nang"

" Ay sya sige. Bumangon kana dyan at sabayan mo na si Hannah kumain."

"opo sige po."

Pagkaayos ko bumaba na ako. Walang ni kahit na anong make up sa muka ay wala. Nagpulbos lang ako at nag lip balm. Di ko alam pero.pakiramdam ko tama yun sinabe nung sender ko. Matagal nding panahon akong nagkulong.

Sa pagiisip ko di ko na napansin ang mukang nkangiti ng isang napakapamilyar na tao sa akin.

"Mukang tama si nanang ah. Unti unti kanang bumabalik sa dati bunso."

"Mommmyyyy!"

Yakap ang ginawad ko sa kanya. Miss na miss ko na si mommy. Antgal ndin simula nung huli syang umuwi.

"Mukang dalagang dalaga kana nga."

" Syempre naman mommy."

"oh sya kumain kna, Hannah ubusin mo yan huh. Kumain kayo. Pinaghirapan pa namin ni nanang yan."

Ang saya ko talaga. Bakit di ko man lang alam na uuwi si mommy.

"Dhil gusto kita isurprise" sabi ni mommy habang nakangiti.

Si talaga di nagbabago. Binabasa nya kasi palagi ang iniisip ko. Ganun ata talaga kapag pamilya. :)

"kelan pa po kayo dumating?"

"kagabi lang anak. Tulog ka eh at di na kita pinagising. Baka pagod ka. Saka mabuti na yun. Nakapagkwentuhan kme ni nanang ng mga nangyayare sayo."

Aba si nanang. Ano kaya sinabe ni nanang?

=-O

Baka?

++

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COMFORTIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon