Salamat High School Crush

45 2 3
                                    

                  
[Now playing: A Thousand Years by Cristina Perri]

Naaalala ko pa dati, isa lang ako sa mga babaeng nagkakagusto sayo. Ako yung tipong pagmamasdan ka lang mula sa malayo.

Alam ko kasing crush mo yung kaibigan ko. Maganda siya, gwapo ka. Matalino siya, matalino ka. Mabait siya, mabait ka rin. Para din kayong perfect match.

Lagi akong nagpapansin sayo through sa pangungulit ko. Minsan pinapansin mo ako, palagi naming hindi. Ako lang ang laging tummatawa sa mga jokes mo kahit corny eh.

Pero tinanong ko sa sarili ko, bakit siya ang gusto mo at hindi ako?

Hindi ka naman niya pinapansin. Crush siya ng bayan kaya kadalasang marami siyang katandem. Ikaw naman si Mr. Tulay. Taga "ayie" ka na lang.

Pero, isang araw naging close kayo. Kapag kasama mo siya, lagi mong tinatanggal ang glasses mo. Kasi ang alam ko, ginagawa mo yun ng marahil lamang o kaya gusto mo ipakita ang maamo mong mukha.

Hindi naman kita masisisi. Kasi naman ako lang yung nakakaalam na may gusto ako sayo. Alam kong masisira  ang pagkakaibigan natin kapag sinabi kong may gusto ako sayo.

Sabi nila, may ibat-ibang klase ng dahilan kung bakit ayaw mong aminin ang nararamdaman mo sa kanya, at isa na dun ang pag-ayaw na mawala o masira ang pagkakaibigan.

Kaya... hanggang kaibigan na lang tayo. Pakakawalan na lang kita... ipapaubyaya sa kanya. Alam kong sira ang pagsabi ng mag let go kapag  hindi naman nagging tayo.

Noong Js prom, date mo siya. Ako naman sobrang emo. Pumunta na lang sa may field ng school para magmukmok. Pero laging gulat ko nandun ka din, umiiyak.

Kinausap kita sabi mo ni-reject ka niya. Hindi na kayo nag-usap hanggang sa maka-graduate tayo.

That was 4 years ago....

Pero ngayon na magrereunion tayong magkakaklase di ko maiwasng ma-concious. Pero mas nasaktan lang ako nang malamn kong engaged na kayo.

All those years na naghintay ako, nagtiis sa matinding selos tuwing magkasama kayo, umaasa na mapapansin mo ako...... lahat yung nabalewala mo lang.

Akala ko nung nakita kitang umiiyak dati, may pag-asa na ako sayo.
Pero mali ako....

Masakit eh. Ang sakit. Para akong tanga na umaasa lang sa wala.

Pero kahit ganun ... I'm happy for you. Kasi nahanap mo ang tunay mong kaligayahan.

Yun naman talaga ang meaning ng love.

"Love is Sacrifice" and "Love is about meeting the needs of others before yours"

Kahit ganon, Meron paring parte sa puso ko.

Pinaramdam mo sakin kung paano masaktan.... At dahil dun naging matatag ako.....naging matapang.....

Kaya,......Salamat, High School crush.....

Salamat, High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon