(The Final Wave)
Hindi ko kinaya ang rebelasyon! Hindi ako Mistress... Walang Husband and Wife! AT LALONG ISA AKONG EPIC FAIL MISTRESS! Ghaaaad naman kahit kailan eh hindi ako naging Mistress kung hindi sa isip ko lang! Shux kahihiyan ito!
"Oh bakit namumutla ka may sakit ka ba Kath?"tanong ni Daniel sa akin i look at him, Napalunok ako ng laway ko.
"Daniel.."tawag ko sa pangalan niya at biglang nag-blurred ang paningin ko, Bumagsak ako at ang alam ko lang nasalo niya ako bago nagblanko ang paningin ko.
Ang susunod na eksena ay hindi niyo kakayanin kaya mas mabuti pang paalalahanan ko muna kayo na huminga ng malalim at magpakalunod este uminom ng tubig. Hindi kinaya ni Kathryn Maghirang ang rebelasyon na kanyang nalaman kaya naman tumaas ang kanyang alta-presyon at siya'y hinimatay.
Nagising ako na puro puti teka nasa purgatoryo na ba ko? Oo na eh gusto ko purgatoryo eh kasi lagi na lang nasa langit hindi ba pwedeng dun muna sa gitna? Pero seryoso, Alam kong nasa Ospital ako kasi nakita ko yung sign sa dingding na: In Hospital we Trust.
"Kath! I am glad your awake."pambungad sa akin ni Daniel ng nakangiti. TAKE NOTE! Ang laki ng ngiti niya na halos mapunit na ang labi niya.
"Anong nangyari?"line ko 'yan di ba madalas sinasabi ng mga bidang babae ang ganyang line kapag nagising sa Ospital? Pero alam ko naman kung ano ang nangyari, Hinimatay ako kanina.
"Nahimatay ka because your Stress, Don't stress yourself too much nakakasama iyan sa Baby. Drink plenty of Water and take a rest okay."sabi niya nanlaki naman mata ko.. Baby?!
"Ehem! Hiya naman ako edi ikaw na Doctor! Inunahan mo pa ko eh noh?! Ako Doctor di ba? Palit tayo ako diyan sa tabi ng asawa mo ikaw dito! Sakalin kita ng stethoscope diyaan eh!"napatingin ako sa gilid, Si Doktora pala habang masama ang tingin kay Daniel.
"Sorry naman Doc."pagpapaumanhin ni Daniel at ngumuso pa.
"Sorry, Sorry naega paejo paejo! Lagi na lang Sorry try mo naman minsan Thank you."sabi ng Doctor tapos tumingin sa akin."Oh edi Thank you naman Doc."utas ni Daniel at akmang tatanggalin ni Doktora ang stethoscope sa leeg niya at ipupulupot kay Daniel.
"Iha.. Teka nga muna! Ano magsasalita ka pa? Baka ikaw ang gustong mag-inform sa asawa mo ng sasabihin ko at lalabas na ko. Kung gusto mo rin ikaw na rin magpaanak!"sabi nito kay Daniel at humaba ang nguso ni Daniel habang kunot ang noo.
"Tahimik na nga ako dito eh."sabi ni Daniel at hinalikan ang ibabaw ng palad ko.
"Iha tulad nga ng sinabi niya kanina na sinabi ko sa kanya kanina.. Drink of Plenty of Water and Rest. Don't stress yourself too much dahil nakakasama iyan sa baby niyo because you are five weeks pregnant."sabi ni Doktora.. five weeks na kong pregnant? Weh? I-ibig sabihin hindi talaga ako pwedeng maging Mistress pa ng ibang lalaki? Naman eh!
Bad: Edi ikaw magpalaki sa anak mo at iwanan mo si Daniel saka ka manlandi para maging Mistress ka di ba? Sobrang dali lang ginagawa mo pang kumplikado. Shunga mo talaga.
Good: Ano ka ba? Wag-
Bad: Ano ako? Bad nga di ba? Isa ka ring Shunga eh.
Good: Naku Kathryn! Wag mo na lang pansinin iyang si Bad, Nakakasama iyan masyado siyang Bad Influence. Saka gusto mo bang lumaki ang anak mo na walang tatay katulad mo?
Bad: Shunga mo talaga ano Good? Ano nadamay ka sa kashungaan ni Kathryn? Tsk!
Good: Ang sama-sama mo talaga kahit kailan!
Bad: I know right? Saka wag ka ngang tanga kaya nga Bad ang pangalan ko eh ibig sabihin Masama.
Good: Tinagalog mo lang eh! Dictionary Please?
Bad: Ahh.. Ehh.. Ayun nga! Masaya nga na like mother like daughter ang peg hindi ba? Saka remember Kathryn ang sinabi ni Mudrakels sa iyo. Kailangan mong maging MIstress at nangako ka sa kanya.
Good: Pero-
Bad: Opps! Good ang sabi mo hindi pa kapag nangako ka kailangan mong tuparin?
Good: Pwes sa oras na ito hindi mo kailangan sundin ang nanay mo Kathryn! It's your Chance para hindi na maging Mistress ang susunod na henerasyon hindi ba? Make a Change and it will start in your Choice.
Bad: Edi ikaw na ang magaling mag-english! Bwisit!
Tama si Good, Ako ang Simula! Kaya Dapat bayan ko ipatrol ko de loko lang.
"Yay! I am going to be a Tita!"biglang sigaw ni Liza na biglang pumasok sa kwarto ko. "Sabi na eh magiging Tita na ko! Ang galing talaga ni Madam Black Lily sa predictions niya na itong taon na ito ako magiging Tita and here! Buntis nga ang unang Girlfriend na sineryoso ni DanDan."
"Ang ingay mo! Manahimik ka nga kung ayaw mong palunukin kita nitong hawak kong thermometer!"sabi ng Doktorang sadista at lumabas na. Mukhang menopausal na si Doktora.
"Ano kaya magandang pangalan ng anak natin pero bago 'yan magpapakasal muna tayo."sabi ni Daniel sa akin habang ako naman napangiti na lang.
=======
=======
"Mommy paano kayo nagkakilala ni Daddy?"tanong ng panganay namin ni Daniel sa amin habang naglalaro kami. Nagkatinginan kami ni Daniel at hindi ko naman pwedeng sabihin sa mga anak namin na Epic Fail Mistress ako. Yep alam na ni Daniel dahil sinabi ko sa kanya noon at nung nalaman niya...
"Seryoso Kath? Akala mo Mistress ka?"matawa-tawang sabi niya sa akin at tumawa siya ng tumawa habang hawak na ang kanyang tiyan.
"Oo nga ang kulet naman."sabi ko at tawa siya ng tawa habang ako nakabusangot lang.
"Grabe di ako makahinga Kath! Paano mo naman nasabi sa sarili mo na Mistress ka?"tanong niya habang tumatawa.
"Eh kasi nung nagkakilala tayo sa reunion party eh akala ko asawa mo si Liz 'yun pala Twin mo saka may nalalaman ka pang No String Attach!"sabi ko sa kanya habang nakanguso at ang adik tawa ng tawa. Ni hindi mauubusan ng hininga sabagay kapag naghahalikan kami eh hindi man lang hinihingal.
"Playboy nga di ba? Malamang madalas akong makipag-deal sa mga babae ko na No String Attach kaso minahal kita eh wala tayong magagawa."sabi niya habang tumatawa pa rin.
Oh di ba ang baliw niya? Ano pagtatawanan niyo din ako? Sigurado ko kanina pa nalaglag ang panga niyo tama ba? Tsk! Nakakainis eh malay ko bang ganoon iyon na akala ko isa akong Mistress iyon pala isa akong Epic Fail Mistress
-END
BINABASA MO ANG
Epic Fail Mistress [Fin]
FanfictionShe's Kathryn Maghirang, Don't underestimate her dahil siya lang naman ang Mistress na hindi niyo inakala! Note: Kunwari SPG 'to, Kunwari may BS dito at Kunwari bawal sa bata ang istoryang ito. R-0 (Rated negative zero years old).