Ehem. Hello. Hahaha XD Etong tula na 'to, ginawa ko nung pagkatapos na pagkatapos kong basahin ang Class 3-c has a secret (book1) Chapter 40+ yun. Hahaha Kung saan na-reveal na si Summer pala yung killer. ^_^
Ok eto na. Teka teka, kaya nga pala ngayon ko lang ipo-post kasi nung isang linggo ko lang uli nakita yung notebook na pinagsulatan ko. Hahahaha. Ang tagal na rin nito. XD
Game na talaga.
[01/23/16: Na-realize kong spoiler pala ang dulo hahahaha so Ayun, edited na. ^_^v ]
_______________
Ako ngayon ay tutula
Di ko alam kung gaano kalala
Basta ang hiling ko'y sana wag mong ikaila
Maganda man o pangit ay iyong ipagsawalang bahala
Ako ngayon ay tutula
Para sa babaeng malala
Ang ngalay niya'y Charotera
Na walang sinomang pwedeng ikumpara
Talento niya'y kahanga-hanga
Na kahit sino'y mapapanganga
Pagguhit, pagsulat at kung anu-ano pa
Ngunit kapag gutom ay magtago ka na
Dahil baka pati ikaw ay malamon nya
Siya raw ay isang Unicorn
Di ko alam kung paano nagkaganon
Basta ako'y kumakain ng turon
Habang patalon-talon
O' giliw naming Enah
"Sino ba si Akira?"
'Yan ang tanong namin noon
Pero alam na namin ngayon
Si *toot* lang pala 'yon
Ang taong palike-like lang doon
Hay, ampanget ng aking tula
Ang mambabasa'y baka magwala
Dahil sa panget kong nilikha
Ayos lang basta may gawa
Para kay Charoterang kahanga-hanga
*BOW*
Yun lang. Hahaha. Walang sukat 'to. XD
Pagbigyan na. Namiss ko lang din ang mga Unicorns noon. Mehehehehehehe~
Bye. :)