Chapter 2

20 2 1
                                    

Zackary's POV


Ang kaslap naman! First day pa lang, sampal na agad ang inabot ko. Paano pa kaya sa mga susunod na araw, expelled na?! Ano ba 'yan?! Sino ba kasi ang naglagay ng eskwelahan sa ibaba ng burol? Hindi ba nila naisip na magiging prone ito sa landslide... Gaya na lang ngayon, mukhang malakas ang pagkaka-slide ng panga ko sa tirang iyon! Hay buhay, mabuti na lang at walang nakita!


"Ayos ah, mas malaki 'to sa dati kong paaralan!" nagagalak na sambit ko matapos akong makatungtong sa bukana ng eskwelahan. Isang lang ang gumugulo sa aking isipan, bakit ang layo pa nang lalakarin ko papuntang building proper? Huwag mong sabihing inilagay ng pamunuan ang ganitong distansiya para siguraduhin ang pagka-late ng mga istudyanteng gaya ko. Aaminin ko, matalas silang mag-isip! Isa, dalawa, tatlo, tatlong naglalakihang gusali na medyo napabayaan na dahil sa kupas nitong pintura ang nakatayo sa gitna. Sa bawat gilid naman, iba't ibang sports facilities gaya ng basketball, volleyball, track and field at tennis court ang nakahimpil. Ayos talaga! Bukod sa nangyari kanina, malamang na maganda ang magiging stay ko dito!


Bago ako mawalan ng ulirat dahil sa sobrang antok, itinulak ko na ang aking bike papunta sa backyard. Nakasisigurado ako, merong labado doon! Hindi ako pwedeng magkamali, paano maghihilamos ang mga pagod na player kung wala...


"Sabi na nga ba eh!" masayang sigaw ko matapos makakita ng kumpol ng gripo. Isinandal ko ang may pinsala kong bike sa isang puno at dali-dali akong nagtungo sa pinakamalapit na gripo. Binuksan ko 'to. Walang tumulo. Walang problema, may apat pa namang natitira eh...


Hayop talaga! Design lang pala ang mga ito! Buti na lang at may salamin sila, kaso nga lang may lamat na at mukhang hindi pa napupunasan matapos ang ikalawang pandaigdigang laban. Titingin ba ko? Sige na nga, baka makita ko pa si sadako!


Humarap ako sa salamin at ipinakita nito ang mga natamo kong sugat sa mukha at leeg. Pagpaling ko pakaliwa, nasilip ko naman ang markang nilikha ng babaeng nakasagupa ko. Pulang-pula ito na parang kamatis, sa kabutihang palad, maliit lang ang kamay na ipinang-tattoo niya. Kinapa ko ito at sinubukang kuskusin. Ayaw mabura! Okay na rin siguro 'to, ituturing ko na lang na 'kiss mark' para maiba naman ang dating ko sa madla.


"...Tumahimik ka, ibigay mo na lang ang hinihingi namin!"


Isang mahinang boses ang pumukaw sa aking atensyon. Ano 'yun? Unang tanong na umagi sa aking isipan.


"Huwag ka nang magmatigas pa!"


Ayun na naman! Pinuntahan ko ang pinangmumulan ito at dinala ko ng mga paa ko sa harapan ng isang abandonadong bodega. Habang nakakubli ako sa kanto ng pader, maingat kong sinilip ang mga kaganapan at sa mismong labas nito ay may limang katao. "Bakit may mga istudyante pa dito eh kanina pa nagsimula ang klase?"


Huwag mong sabihing late din sila? Hindi eh, bukod sa babae, wala na 'kong ibang nakasabay pagpunta dito kaya malaki ang tiyansa na mas nauna sila. "Mabuti pang magmatyag muna ako at baka magkamali na naman ako..."


Pinalibutan ng apat na estudyante ang patpating estudyante. "Boss, naiirita na ko sa pagmumukha nito eh, sipain ko na kaya 'to nang madala na!" mabayang na banggit ng isa sa apat na estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Helping Hand ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon