Naging malapitin si Nica ng kanyang mga kaklase dahil sa katangiang taglay niya. Siya ay mabait, maganda at biba pa. Ngunit hindi maiiwasan na may naiinggit sa kanya.
"Bago lang yan siya dito di ba? Bakit marami na agad siyang friend?" tugon ng isa niyang kaklase na si April.
"I don't know what's with that girl." sabi naman ng isa.
Habang tumatagal mas lalong dumami ang friend ni Nica sa school kasi madali siyang pakisamahan. Dumarami din ang naiinggit sa kanya.
One time, tahimik sa kanyang upuan si Nica na nagbabasa ng kanilang aralin ng araw na iyon. Biglang dumaan si April at sinagi ang kanyang upuan. Nahulong ang lapis ni Nica at pinulot ito ni April.
"Nica, ang ganda naman ng lapis mo. Akin na lang to." sabi ni April.
"Huwag yan April. Bigyan na lang kita ibang lapis. Bigay kasi yan ni Mommy ko nung birthday ko. Mahalaga sa akin yan." sagot naman ni Nica.
(Grabe magbigay ng halaga si Nica sa mga bagay na natatanggap niya lalo na yung mga galing sa kanyang magulang.)
"Hingi ka na lang ulit kay Mommy mo." sabi ni April.
"Eto na lang yung sayo oh. Balik mo na sa akin yan April." sagot ni Nica. Sabay abot kay April ang isang bagong lapis na hindi niya pa nagagamit.
"April, tanggapin mo na yang ibibigay sayo ni Nica. Ibalik mo na yang isa niyang lapis. Importante sa kanya yan." tugon ng isang kaklase ni Nica na si Frank.
"Oo nga April isauli mo na yan. Bibigyan ka naman ng bago ni Nica." sabi pa ng isa nilang kaklase na si Patricia.
"Ayoko Frank. Kung ayaw mo 'to ibigay. E di ito ang dapat gawin dito." Sabay bali sa lapis at tinapon ito sa sahig ni April.
Walang nagawa ang kawawang bata at napaiyak na lang sa kanyang upuan. Nilapitan siya ni Frank dala-dala ang lapis na bali at inabot niya ito kay Nica.
Sinundo ni Daddy Mendoza si Nica sa kanyang eskwelahan at napansin nito na umiiyak.
"Anak, anong nangyari sayo? Ba't ka umiiyak? May nang away ba sayo?" tanong ni Daddy Mendoza.
"Yung lapis ko po kasi na Minnie Mouse na bigay ni Mommy nung birthday ko binali ng kaklase ko Daddy." sagot ni Nica.
"Daddy punta tayo ng burol. Gusto kong maglaro muna dun bago tayo uwi. Pwede po b?" dagdag p niya.
"Sige-sige. Pero daan muna tayo ng supply store para bili tayo bagong lapis mo. Ok?" sagot ni Daddy Mendoza sabay yakap sa kanyang anak. "Huwag ka ng umiyak anak ha. Tahan na."
Pagkarating sa burol, umaliwalas ang mukha ni Nica na para bang ang lugar na yun ay ang kanyang "Safe Haven". Tumakbo siya papunta sa mga puno ng Acacia at doon ay umupo sa ilalim nito. Habang si Daddy Mendoza naman ay nakasunod lang sa kanya.
Biglang lumakas ang hangin at may isang sanga ng Acacia ang pahulog kay Nica. Buti nalang hindi siya nito natamaan.
Napatakbo si Daddy Mendoza papunta kay Nica at kinamusta niya ito kung natamaan ba siya nung sanga.
"Hindi naman po ako natamaan nung sanga Daddy. Salamat po sa guardian angel ko." sabi ni Nica.
"Tsaka daddy ayos na po ako. Hindi na ako iiyak. Salamat daddy sa pagdala mo sakin dito." dagdag niya pa.
"Salamat nga anak. Tara, uwi na tayo. Pagabi na." sagot ni Daddy Mendoza.
Simula noon, tuwing malungkot at may problema si Nica ay pumupunta na siya doon sa burol kasama ang kanyang Daddy. Lalo na nung nag high school na siya, mag-isa siyang pumupunta doon at ginagawa niya ng tambayan ang burol kapag gusto niyang maging masaya at magkaroon ng peace of mind.
BINABASA MO ANG
Love Locked (Season 1)
RomanceOne true love that springs from a girl living in our world and a guy living in a world that we never thought does exists. As time passes by that love got locked in a way that only true love can find.