Chapter 01-Meet her

43 0 0
                                    

Inagahan ko ang alis dahil traffic ngayon sa Makati. Palibhasa Lunes kaya kailangan umalis ng maaga. Alas sais pa lang ng umaga umalis na ako sa bahay. Nasa Quezon City ang bahay ko kaya ang estimate ko makakarating ako sa Agency ng 1 hour and a half. Ako ang may ari ng Knight society security agency. We specialize security gadgets and well skilled agents. Lahat ng agents namin ay mga black belter at master na sa martial arts. Yes, natupad na ang pangarap ko. May sarili na akong bahay at negosyo. Ano pang mahihiling ng isang gaya kong perfect na ang buhay?

Saktong 7:30 am nasa office na ako. Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot bago ako sumakay sa exclusive elevator. Sumalubong sa akin ang ilan sa mga empleyado.

"Good morning, Sir!"

"Good morning din"

Pumasok na ako sa private office na para sa akin at umupo sa swivel chair. Oo, alam ng iba na lalaki ako pero bibihira ang may alam na babae ako. We trained our employees to become trustworthy and loyal. Kaya walang sinuman sa opisina na ito ang magtatraydor. Yon naman talaga ang gusto ko. At para maitayo ang negosyo na ito, kailangan ng kamay na bakal. Sa iba maaring lalaki ako pero hinahayaan ko sila. Yan ang gusto kong makita ng iba.

Tiningnan ko ang picture namin ni Vlad. Isang pares ng mga mata na punong puno ng pangarap. Pangarap na biglang naglaho. Tinago ko agad ang litrato nang may kumatok sa pinto.

"Come in."


"Sorry, Sir. Here's the papers you asked me to give you first thing in the morning." -Si Jenna. My loyal secretary.


"What about our agents? Are there new agents this year?"

Jenna: "Yes, Sir. You were scheduled to meet them at 1 o'clock."


"Alright. You know the drill."


"Yes, Sir. Alis na po ako"


Tumango lang ako at binasa na ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Alam na ng mga empleyado dito na kailangan tahimik lang sila. Hindi ko pinagsisihan na magkilos lalaki dahil sa trabaho.

So far maganda ang takbo ng negosyo ko. Hindi ko 'to mabubuo kung walang tulong ng ilan sa mga kaibigan ko.

"Luisa, dumating na ba sina Becca at Xander?"

Sina Becca at Xander ang mga kaibigan kong kasabay kong nagtayo ng negosyo na ito.

Luisa: "Hindi pa po. Nagtext po pala si Miss Becca na hindi siya makakapasok. Kayo na lang daw po ni Sir Xander ang bahala sa mga bagong agents"

"Ha?! Si Becca talaga. Sige. Ihanda mo na ang mga kailangan. Titingnan ko sila."


Gumimik na naman yan si Becca. Ako mismo ang nangangasiwa ng training na ginagawa ng mga agents para masigurado na tama at nasa ayos ang mga gagawin. Kung minsan ako ang nagsisilbing trainor kapag wala akong ginagawa. Name all martials arts and I have it. I do know and I master guns and gadgets. Survival minsan ang misyon na binibigay sa amin kaya kailangan na well trained sa survival ang magiging agents o agents namin.

Kompleto lahat sa training facility na 'to. State of the art ang mga gadgets at equipment. We make sure na lahat ng gagamitin kagaya ng training mat, exercise equipment, treadmills at computers. sa bandang kaliwa ang locker room ng mga agents. Bawat isa may locker at dahil nga state of the art, finger print lang ang kailangan ng may ari para mabuksan iyon. May sariling training ang mga nasa intelligence group. I separate their training dahil para sa akin importante ang papel nila. Napansin siguro nila ang presensya ko kaya nagtayuan sila at bumati sa akin ng sabay-sabay.

My bodyguard's secret identityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon