Prologue

28.9K 599 9
                                    

Japan  11:35 pm

Nagkakasiyahan ngayon sa isang bar ang buong grupo ng isang kilala at kinakatakutang yakuza o mafia sa Japan ang Tamaka mafia.The mafia venture primarily into human trafficking, their mafia is known as one of the biggest human traffickers.

Ngayong gabi ay nagsasaya sila dahil sa isa na namang matagumpay na transaksyon ang naganap. Kagabi naganap ang isa sa mga tinuturing nilang pinakamalaking transaksyon sa kanilang mafia kaya ngayong gabi ay nagpasya ang kanilang lider na ipagdiwang ang matagumpay nilang transaksyon. Kaugalian na nilang pumunta sa isa sa mga bar na pagmamay-ari at pinapatakbo ng kanilang mafia upang ipagdiwang ang bawat matagumpay at malakihang transaksyon ng kanilang mafia.

"Kanpai, minna! " sigaw ng isa sa kanila.

Sa isang bahagi ng bar ay may misteryosong taong nakatitig sa buong Tamaka mafia na nagkakasayahan. Minamatyagan niya ito at matamang pinagmamasdan. Nakihalo siya sa mga tao sa loob ng naturang bar.

"Tsk! Enjoy your last hours on earth, bastards!"nakangising demonyo niyang pahayag.

--------

Matapos ang tatlong oras ng kasayahan ay nagulat na lang ang buong tao sa loob ng bar ng biglang nawalan ilaw ang buong ang bar at tumigil ang malakas na musika. Namayani ang katahimikan ng ilang sandali bago napalitan ng hiyawan at pagmumura ng mga tao na nagrereklamo sa nangyayari. Lumabas galing sa isang pribadong silid si Hachiro Tamaka na siyang lider ng buong Tamaka mafia.

"Bakayarou! Chikushou! Turn the lights back!" pagmumura at naiinis na utos ni Tamaka sa kanyang mga tauhan na agad namang nagsikilos.

Babalik na sana si Tamaka sa pribadong silid niya ng makarinig ng ingay na tila may bumagsak sa direksyon ng mga lalaking inutusan niya kanina. Napalingon agad sila doon. Kasama ni Tamaka ang lima sa mga bodyguards niya. Paglingon nila ay siya namang pagliwanag ulit ng buong bar.

Kasabay ng pagliwanag ay siya namang paglitaw ng isang misteryosong tao na nakasuot ng itim at may hawak na katana. Nakuha ng misteryosong tao ang buong atensyon ng lahat ng kasapi ng Tamaka mafia.

"Gomenasai. I'm such a party crasher. Honto ni gomen ne." pahayag ng misteryosong taong lumitaw. Batid sa boses niya ang mapaglarong tuno sa pagbigkas niya sa bawat salita, tila nagagalak ito sa nakikita niyang reaksyon ng mga tao sa harap niya.

Ilang segundong natahimik ang dalawang panig, nabasag ang katahimikan nila ng bumalik na ang malakas na musika at namayani rin ang hiyawan ng ibang naroon sa bar na malayo sa kanila, nagagalak ang mga ito dahil sa pagbalik ng ilaw at ng musika. Walang kaalam-alam sa nagaganap na tensyon sa kabilang bahagi ng bar kung nasaan ang Tamaka mafia. Napaatras ng ilang hakbang ang grupo ni Hachiro Tamaka. Takot sa taong nasa harap nila. Kilala nila ito, kilalalang-kilala dahil sa suot nito. Walang hindi nakakakilala sa taong nasa harap nila, tanyag at kinakatakutan sa mundo ng mafia ang taong nasa harap nila.

"A-kuma Assasin?" takot na naibulalas ng isa sa mga bantay ni Tamaka.

"That's right. Kuso! I'm flattered that you know me. We don't need some bullshit introduction then." Malamig at mapaglarung pahayag nito.

"Naze anata wa koko ni iru nodesu ka?" takot na tanong ni Tamaka na pinipigilang itago ang takot sa boses niya ngunit nabigo ito.

"Naze? Hah!" nakangiting sagot ni Akuma sa likod ng suot niyang maskara.

"I'm here. Simple. I'm here to kill you!" turo niya kay Tamaka gamit ang hawak nitong katana na may tumutulong dugo mula rito.

"And you, and you! All of You!" dagdag niya habang isa-isang tinuturo ang mga myembro ng Tamaka mafiang nasa harap niya.

Nang makabawi ay agad na kumilos ang mga tauhan ni Tamaka at mabilis na pinalibutan si Akuma at agad din nilang inalalayan ang kanilang lider at pinalayo mula kay Akuma.

Nilabas nila ang mga dala nilang armas at isa-isang sinugod si Akuma. Unti-unti ring nagsidatingan ang ilan pang myembro ng Tamaka mafia ng mapansin ang kaguluhan.

Sabay sabay silang sumugod kay Akuma. Pero lahat ng sumugod kay Akuma ay hindi nagtatagumpay bagkus ay isa-isa silang walang awang natatamaan ng katana ni Akuma. Dahil sa ingay at komosyon ay nag-alisan ang mga taong nasa bar na hindi kasali sa Tamaka mafia at naroon lang upang magsaya.

Sadyang malakas at mabilis si Akuma Assasin kung kaya't walang ni isa ang nakatama sa kanya. Walang nakakasabay sa mga galaw niya at madali niyang naiiwasan ang mga balang pinapatama sa kanya.

"Weak!" naibulalas niya kasabay ng pagpugot niya ng ulo sa huling natirang sumugod sa kanya.

Sa isang tabi naman ay nangangatog na ang mga tuhod ni Tamaka. Dalawa na lang sa lima niyang bodyguard ang buhay at nananatili sa tabi niya dahil nagpaiwan ang tatlo para harapin si Akuma kasama ng ilang natitirang myembro para pigilang makalapit si Akuma kay Tamaka.

Dahil doon ay tumakas na mula sa loob ng bar kung nasaan si Akuma si Tamaka kasama ang dalawang bodyguards nito. Hindi magkandaugaga sila sa pagtakbo papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse nila.

Pagkapasok nila sa kotse ay sa may backseat siya pumwesto at ang dalawang bodyguards niya ay sa harap.

"Go! Yukō! Hurry!" utos nito sa dalawa.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng umandar na ang kotse nila. Natanaw niya naman ang kakalabas lang na si Akuma nakatayo ito at nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Tamaka.

"Hahahaha! Nice try, Akuma! Sayonara! You failed! Oyasuminasai, Akuma" mayabang na pahayag niya ng makalayo na sila.

Nakangiting nakatanaw lang si Akuma sa sasakyan ni Tamaka.

"Psh! Baka! Does he really think he can skip? What a joke. I don't leave my target alive." nakangising parang demonyo niyang sabi.

"Enjoy your trip to hell, chikushou! "seryoso at may diin niyang pahayag.

May inilabas siya mula sa bulsa ng kanyang suot. A bomb trigger.

Sa kabilang banda ay nakahinga na ng maluwag si Tamaka ng nakalayo na sila at hindi sinundan ni Akuma.

Napabaling naman ang tingin niya sa may side mirror at ngumiti ng matagumpay. Biglang nabura ang ngiti niya ng may mahagip ang mata niya sa gilid ng kotse nila malapit sa gulong.

"Holy Shit! It's a Bo-"

Isang malakas na pagsabog ang namayani. Hindi na natapos ni Tamaka ang sasabihin niya ng sumabog at nagliyab ang kotse nila.

Narinig ito ni Akuma at napangiti na lang habang papaalis sakay ang motor niya.

Malakas ang pagpapatakbo niya paalis. Dinig naman niya ang sirena ng fire trucks at ng sirena ng police patrol na mukhang papalapit na sa pinangyarihan.

"Mission. Accomplished." nakangiti niyang pahayag bago mabilis na pinaharurot ang motor niya.

🍁🍁🍁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold Heartless BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon