Chapter 1: Sermon ni Lolo

28 5 23
                                    

Sermon ni Lolo
~ ~ ~
"Ano ba apo? Hindi ka na ba talaga magbabago. Hirap na hirap na ko sa'yo. Malapit na kong lumisan sa mundo, kailangan na ng ating kumpanya ng isang tiga pagmana. At ikaw yun." Ano na namang problema ng lolo ko. Ang aga-aga nanenermon! Baka malate pa ko neto sa tournament ko e!

"Ano ba lolo. Ipamana mo na lang sa iba 'yan! Diko kailangan n'yan. Sige na po. Pumasok na kayo sa office. May tournament pa ko. Bye lolo!" Dinalian ko na lang maglakad. Baka mamaya, ipahabol pa ko sa mga letcheng bodyguards ko.

"Alyanna! Punyeta!" Tinawag na ba niya ko sa buo kong pangalan? Waaaah! Tumalon na ko sa kotse ko! Galit na si tanda este si lolo. Baka malate ako sa event, ma-disqualified pa ko. Aba! Ano ako? Lula. 7 years na lagi akong nag chachampion, magpapatalo pa ko? Asa.

Pinakabilis ko na lang yung pagmamaneho. Wala na kong pakialam  kung may mababangga ako. Barya lang sila sa pera namin ng lolo ko.

"Aaaaaaargd!" Boom! Sabi na e! Araw talaga ng katangahan ngayon. Mga tatanga tanga! Hindi lumihis.

"Hoy!" Sabi nung isang lalaki sa'kin habang kinakatok yung bintana ko. Nakakainis 'to ah! Siya na nga may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit. E kung sagasaan ko kaya 'to. Tch.

"Hooooy! Bumaba ka d'yan!" Sigaw na naman niya! Talagang sinusubukan niya ko ah. Walanghiya.

"Oh? Ano bang problema mo hah?" Binuksan ko na yung bintana ko, nakakaawa naman e. Baka umiyak pa.

"M..Ms.. Areño?!" Kung kailan ko binuksan yung bintana ko, tapos gumaganyan siya. Lakas tama neto oh! Sarap sapakin. Parang nakakita ng multo. Sa ganda kong 'to?! Ow shit. He's gonna ruin my day. *Irap Mata*

"Ano ba?! Tutunganga ka na lang ba d'yan?! Ang baho baho mo oh! Didikit kapa sa'kin. Ampangit-pangit mo! Tignan mo nga yang damit mo, tao ka ba? *Tanggal Shades*"

"Aba! Ang kapal ng mukha mong babae ka ah! Sikat ka lang naman. Barayan mo 'yung trycycle ko! Binangga mo lang naman." Sus yan lang naman pala e. Mga tao talaga, mga mukhang pera.

"Oh ayan!" Initsya  ko sakanya yung pera ko. Sa totoo lang, sobra pa nga yun e. Sakanya na lang yun, para naman may pang shopping siya. Mukhang alien e.

"Ang bastos mo ah! Bumaba ka d'yang babae ka! Papatayin kita!" Sige lang. Sigaw pa. Akala mo matatakot mo ko hah. Asa. Tch. Pero! Oops. Yung tournament pala malapit ng mag 11:00 AM. Patay!

"Hooy! Ang arte mo ah! E kung tutuusin sobra pa nga yan e! Tsaka may tournament pa ko. Pwede lumayas-layas ka na. *Suot ng Shades*" Tsaka ko pinatakbo ulit yung kotse ko.

Pagkatingin ko sa side mirror,bakit parang may sumusunod sa'kin? C'mon, yung pulubing pangit na naman. Hindi ba talaga ako titigilan nun.

Wala na. 11:00 na. Disqualified na ko. Letche kasi 'tong lalaking to e. Argd! Sarap patayin. Pero masaya naman 'to e, ang makipaglaro. Habulan ng sasakyan. Sinusubukan mo talaga ako ah. *Smirk*

Pinasok ko sa mansion namin yung kotse ko, tsaka ako tumakbo.

Wala akong ginawa kundi, takbo takbo takbo takbo! Siya naman habol habol habol habol! Haha!

Bumaba ako sa kotse ko. Pumunta ako sa pinaka peaceful na lugar sa mansion namin. Ang mini forest. Maraming uri ng bulaklak, tsaka matataas na puno. May mga hayop din pero maaamo sila. Pinaka favorite ko 'don yung isang Unggoy namin, gift ng papa ko bago siya mawala. Tsaka...

"Hoy! Lumabas ka d'yan! Papatayin talaga kita!" Mamaya na nga lang ako mag kukwento. Letche, panira. Pero ano ako? Natatakot. Teritoryo ko kaya 'to. Katangahan talaga.

"Go." Sigaw ko sakanya

"Aba! Lumabas ka dyan! Natatakot ka lang e."

"Hoy! Ikaw! Sino ka? Bakit nandito ka? Pwede kitang kasuhan n'yan, alam mo ba yon?" Boom! Si Manager Jang ata yun! Go lang manager Jang. Lagot ka ngayon.

"At sino ka namang hampas lupa ka?" A..a..anong sinabi niya kay Manager Jang? Wala pang gumaganun sakanya, pero sino siya para ganunin ang Manager ko. Walangya 'yun ah!

"Aaaaaaaaaah!" Walangya ka kasi e. Bagay sa'yo 'yan. Ginamit ko lang naman ang aking karate skills. Nakakapikon e. Tsaka kalamok kaya sa pinagtataguan ko. Baka masira pa yung balat ko.

"Aba'y put@ng*** ka ah! Pshh. Ang sakit." Ano?! Sinisigawan niya ko? Walangya talaga tong lalaking 'to.

"Teka! Teka! Ano ba?! Magkakilala ba kayo Princess Alyanna?" Hindi Manager, siguro close kami no? Malamang. Kaya nga kausap ko e. Tatanga-tanga naman 'tong matanda na to.

"Oo. Di'ba halata. *Cross arms* Tch. Ano pang ginagawa niyo? Ang dami-dami niyo, nakatunganga lang kayo. Paalisin niyo na nga 'yang lalaking 'yan dito!" Pano naman, lahat ata ng guwardiya ko nandito na sa garden namin, nakapalibot sa'ming dalawa. Mga mulala, duwag ba sila? Tch. Walang kwenta. Para silang nanunuod ng pelikula hah.

"Anong kaguluhan 'to." Uh-oh. Lolo ko na ba 'yan? Argd! Wrong timing naman. Nakakatakot na siya, ang laki na ng boses niya. Yung mukha, pokerface lang.

"At sino na naman 'tong pangit na 'to?" Ay shit. Who's this guy? Pogi naman ata nitong pulubi na 'to. Pati lolo ko nilait na niya.

"Excuse me Mister. Are you describing your self?" Go lolo! Iloveyouuuu!

"Ano raw? Teka yung ilong ko" Aba, pilosopo talaga to ah! Namumuro na sa'kin 'to

"Sino ka ba talaga hah?! Bakit ka napapadpad sa kung saan-saang lugar. At dito pa sa pamamahay ko." Lolo kasi ano..

"Yan lang namang babaeng 'yan! Binunggo 'yung nag iisang trycycle kong naipundar ko ng apat na taon. Alam niyo bang 'yun na lang ang bumubuhay sa'kin! Nako! Makalapit lang ako sa'yong babae ka! Sisiguraduhin kong, magkakalasog-lasog yang buto mo! Yang kamalditahan mo, mapapalitan ng pagmamakaawa." Sabi niya sa'kin habang nakaturo yung point finger niya sa'kin. Napapalunok na lang ako sa sobrang takot ko e. Nagmamatapang lang naman ako no, pero babae pa rin ako. Natatakot.

"Alyanna." Tawag sakin ni lolo.

"Lo?"

"Pasok sa loob." Sabi ko nga papasok na ko sa loob. Salamat naman! Makakahiga na rin ako.

"Okay! Bye lolo." Sabay kiss ko sa pisngi niya.

"Manager Jang. At kayong lahat. Lumayas kayo sa harapan ko."

Bakit pati sila? Pero anyways, I don't care. Sisiguraduhin kong, lulubog ka sa lupang lalaki ka. *Smirk*

To be continue -

My Jeje BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon