#KnowEachOther
~ ~ ~Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Ayokong pansinin si Lolo. Naiinis ako sakanya. I hate him! Hello, sino bang sasaya kapag nalaman mong araw-araw mong makakasama yung taong kinamumuhian mo. Di'ba?
"Oy! Oy! Oy! Oy!" Ayan. Papalapit na ang demonyo. Letche.
Tuloy tuloy lang ako. Walang lingunan. Bakit ba kasi ang laki ng mansion namin? Ang layo ko pa sa pintuan. Tch.
Lakad, lakad, lakad, lakad.
"Hoy! Tulya! Saan ka na naman pupunta hah?!" Lakas ng loob, talagang inispread pa niya yung mahaba niyang mga kamay. Di naman ako nakikipag harangan taga. Stupid.
"Umalis ka nga d'yan kung ayaw mong magkapasa 'yang pagmumukha mo."
"Ahmppp. Sige." Kaaga-aga nakakakita na naman ako ng isang pulubi. Letche. Oo para sa'kin isa siyang pulubi, bakit? Kasi for sure namang naghingi lang yan ng trabaho sa lolo ko, nagpaawa. Ganun naman talaga ang mga tao, masyadong gahaman sa pera. Well, thanks to God, ginawa niya ko bilang diyosa.
"Pwede ba wag mo kong sundan?!" Mukha ba kong aso at may buntot ng buntot sa'kin? D*mn it!
"La la la la la!" Kanta niya habang nakatakip ang tenga. Nananadya talaga to e!
"Ah ganun." *Paaaak*
"Arawts! Hayup ka ya! Alam kong nagnanasa ka sa katawan ko pero please lang! Masakit." Ano?! Ako?! Nagnanasa? Sakanya? HA HA HA, tatlong tawa para sakanya.
"Don't talk to me like that. Baka nakakalimutan mo na ako ang boss mo rito. At kayang kaya kitang patalsikin mabilis pa sa pagpapatakbo ko ng mga sasakyan ko!"
"Well Ma'am Alyanna, nagkakamali kayo d'yan. Dahil lolo niyo lang ang pwedeng magpalayas sa'kin sa trabahong pinagti-tiyagahan ko." Isang matalim na tingin na lang ang ibinigay ko.
Hay nako! Na-i-stress na ako. Nakakapagod makipag talo sa mga taong makikitid ang utak.
***
Andrew's POV"Ma'am bakit nasa sementeryo tayo? Ililibing na ba kita?"
"Pwede ba manahimik ka na lang? Kahit ngayon lang."
"Sige po." Edi manahimik, mamaya bayagan na naman ako ng bruhang 'to kagaya ng ginawa niya kanina. Tch
Sumusunod lang ako kung san siya pupunta. Bakit ba kasi sa dinarami rami ng lugar sa sementeryo pa ang natipuhan. Ibang klaseng babae talaga 'to.
Siya yung babaeng napakayaman, osige aaminin ko na, maganda siya, pero wala naman siyang pinagkaiba sa mga mayayamang kilala ko e, maarti siya, sadista, mapagmataas, pero sa lahat ng pwedeng laruin niya bakit karera pa? Oo as in karera ng kotse. Paano ko nalaman? Simple lang, nakahelera lang naman yung mga parangal niya sa malaking library nila.
Nalibot ko na yung buong mansyon nila except lang sa kuwarto niya. Tsaka wala akong balak pasukin yon, malay ko kung mainit dun kagaya ng sa impyerno.
"Hoy! Bumalik ka na lang sa sasakyan! Umalis ka rito sa harapan ko." Huwaw, makapag utos hanggaleng! Boss na boss a. Pasalamat 'to kailangang kailangan ko 'tong trabaho ko. Kundi nako! Nako baka napatay ko na 'tong walang yang 'to.
"Wala naman ako sa harapan mo e. Nasa likod ako. Tanga lang?"
"PWEDE BA UMALIS KA NA LANG!" Aba sumisigaw pa ha. Kala naman niya nakakatakot siya.
BINABASA MO ANG
My Jeje Bodyguards
Teen FictionAlam mo 'yung feeling na, magba-bodyguard ka na lang, ampapangit pa. Parang hobby na ata nila yung pangungulangot sa harapan ng marami e. Alam mo 'yong nakakahiya, sila yun e! Pero alam mo yung kahit ganun sila, alam mong may butihing puso silang ta...