Ang aking bituin

4 1 0
                                    

Sa aking pag-iisa ikaw ang nais makita
Sapagkat problema'y sayo lamang nai-wiwika
Sa gabing madilim ika'y nagniningning
Nangingibabaw ang iyong angking ganda

Hindi ko man mawari,
Naiiyak at nalulungkot kapag ika'y nasisilayan
Dahil kapag may pighati ang aking puso,
Ikaw lamang ang nais maging tagapakinig

Kapag ako'y nakatitig sayo sinta,
Kaginhawaan ang humahaplos sa aking puso
At sa bawat pintig nito,
Sumasabay ang iyong walang tigil na pagkislap

Maliit at malayo ka man sa aking paningin
Malaki at malapit ang puwang mo sa akin
Misteryoso man masasabi,
Ngunit makikita sa ngiti ng aking labi

Isa lamang ang aking hiling munting bituin
Huwag mong iiwan itong aking puso
Sapagkat sa panandaliang ating pagkikita
Nasanay na sinta sayong presensya.

-
Omg! I made it! ☺
First time ko po gumawa ng ganto sa talang buhay ko, haha! I hope you like it.

Ang aking bituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon