Chapter 2

22.5K 919 162
                                    

Chapter 2

"Seryoso ka?" My friend Lance asked me again while he's scanning the photos I've provided for him.

"Mukha bang hindi?"

"Anong nakain mo?" Minsan nakakapagtaka talaga kung bakit ko naging kaibigan ang mga kaibigan ko ngayon. Hindi man lang ako sinusuportahan sa mga adhikain ko.

"Tahong." Tumawa bigla si Lance. Now, I know why we've become friends. We have the same wavelenght. We exist in the same parallel universe.

"Masarap ba?" Binitiwan na niya ang hawak na mga pictures at itinoon na ang atensiyon sa akin. Pag mga ganitong usapan talaga, nabubuhay ang lahat lahat sa lalaking ito.

"Manamis-namis." Lalong lumakas ang tawa niya. Namumula pa nga siya. Gago talaga! Kung ano ano na siguro ang naiisip ng langhiya.

"Ang manyak mong hayop ka! Kung ano ano ang pinag iisip mo. Adobong tahong ang ulam ko. Kesa kung anong kamanyakan ang pumapasok diyan sa utak mo, bakit hindi mo pag isipan ang pagsasampa ng kaso sa babaeng yan." Inituro ko ang hawak niyang pictures. Mga pictures ng amasonang maingay na naliligo sa ilog ko.

"Gago! Ikaw ang manyak. Pero di nga? Kakasuhan mo to? Ang ganda eh! Sayang." Mas lalo niyang pinagmasdam ang picture ng babae. Napatingin ako sa picture. Hinahawi ng babae ang buhok niya na nakatakip sa mukha. Maganda nga at makinis ang kili kili! Langya! Bakti ba kili kili ang pinagdidiskitahan ko?

"Kakasuhan lang pero di naman ipapakulong. Tatakutin lang para matuto. Ang angas eh." Mas maangas pa sa akin.

"Ano namang kaso ang ipa-file natin? Paparape tayo tapos kasuhan natin ng rape with consent?" Puno ng malisya na sabi ni Lance. Huh! Ewan ko lang kung magagawa pa niyang I admire ang amasona kapag nakaharap na niya at narinig ang bibig na mas maingay pa sa alarm ng Marikina River.

"Trespassing at assault resulting to physical injury. Ikaw na bahala sa iba. Ikaw naman ang abogado. Basta yung matatakot siya." At madala. Dapat talaga sa mga ganung babae, tinuturuan ng leksiyon. Aba! Hindi sa lahat ng bagay nadadala kaming mga lalaki sa bibig nila. Well, women's mouth could do a lot of wonders and I'm sure her mouth would ....ay pucha! Ba't napunta dun ang isip ko?

"Bakit ba, pinagkakaintirisan mo? Type mo?" Malisyosong tanong ni lance sabay ngisi. Ngumisi din ako tsaka siya binutukan.

"Ulol! Para nga matuto ng leksiyon." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Lance. Halatang hindi naniniwala. Iba talaga pag kilala ka ng isang tao. Isa pa, hindi naman ako teacher para magbigay ng leksiyon.

"Okay. Wala akong katulong ngayon. Kailangan ko ng tagaluto at tagalinis ng bahay ko habang nasa farm ako."

"Ayun lumabas din. Magkano naman ang ibabayad mo sa akin para mapagbigyan ang kalokohan mo?"

"Siyempre pro bono. Para saan pa at nagkaroon ako ng kaibigang abogado kung di ko mapapakinabangan di ba?"

"Ulol! Anong akala mo sa akin sa PAO nagtatrabaho? Bayaran mo ako oi! Mahiya ka! Di ka pa nakuntento sa libreng notarization pati sa paggamit mo sa akin dahil sa kalokohan mo libre pa din? Aba, gusto mo bang ipagkanulo kita sa magandang dilag na to?"

"Sige, dalawang libo." Mukha kasing di mauuto.

"Gago! Gas ko pa lang papunta dito lugi na ako." Takte naman! Hidni kaya ako mamulubi da appearance fee nito?

"O sige. Kung mapapayag mo siyang maging katulong ko for six months hati tayo sa matitipid ko kung kukuha pa ako ng katulong. Bali 2,500 times 6, fifteen thousand. 7,500 ang ibabayad ko sa'yo. Hindi ka na lugi dyan. Isang beses lang naman kung makukumbinse mo agad yung amasona."

Ang Libro Ni PaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon