Chapter 3
The war is on. 'My future' just declared an all out war against the whole untamed amazon forest lead by their amazon leader Ana Cruz. Who wouldn't declare war against her? She made me feel so small literally. Nagtago ata si 'future' dahil sa sobrang sakit at kahihiyan lalo na nung pinagtawanan ako ng mga pulis at ni Lance. I can't allow it. Ako? Si Paeng, sinisipa sipa lang niya sa balls? Makikita niya!
Akala niya siguro makakalusot siya sa atraso niya? Alam ko naman na kapag may pagkakataon, hahanap siya ng paraan para makatakas pero bago pa niya magawa yun, uunahan ko na siya.
Kaya pumunta ako sa bahay nina Ana Cruz, the amazon queen. Typical house with 2 storey ang bahay. May garden sa labas at may iba't ibang gulay at bulaklak. Walang gate ang bahay nila katulad ng ibang bahay sa lugar nila. Kumatok ako sa pinto at maya maya bumukas ang pinto. Bumulaga sa akin ang amazona na may kanin ka sa gilid ng labi at ngumunguya pa. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin.
"Hi!" Ngumisi ako sa kanya para lang asarin siya. Sumama kaagad ang mukha niya.
"Hi your face." Hmmm...feisty. Pero hanggang saan ba ang tapang nito? Sisiguraduhin ko na kapag nasa bahay ko na siya, aakto siyang katulong. Hindi na pwede ang pag irap irap niya at ang mga simangot niya. Pero sa ngayon, dahil nasa pamamahay nila ako, magpapakabait muna ako.
"Ang aga aga naman ang sungit sungit na. HIndi mo ba ako papapasukin?" Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Mukhang wala talaga siyang planong papasukin ako.
"Ano ang ginagawa mo dito?"
"Nakalimutan mo na ba na may deal tayo? Magsisimula na yun ngayon." Lalong sumama ang aura niya. In a way, nakikita ko sa kanya si Grandma kapag galit ito. Walang sinasanto, mataray at hindi ka uurungan.
"Ana sino yan?" Lumapit ako sa amasona at sumilip sa balikat niya. May papalapit na babae na sa tingin ko ay nanay ng amasona dahil may pagkakahawig sila.
"Magandang umaga po" Ang laki ng ngiti ko. Alam ko naman na irresistible ang ngiti ko. Ilang panty na ba ang nalaglag dahil sa ngiting ito?
"Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo Ana? Naku! Saan na ba ang mga tinuro naming kagandahang asal sayo?" namula si Ana Cruz dahil siguro sa pagkapahiya. Gusto kong makipaghigfive sa Mama niya pero nasa labas pa kasi ako ng bahay.
Halatang napilitan siya nung pinapasok niya ako at lalo siyang sumimangot nung niyaya ako ng Mama niya na kumain at naupo ako sa dining table nila. Tumanggi lang akong kumain kasama nila kasi busog ako at saka baka lagyan ng lason ng amasona ang pagkain ko. Mahirap na.
"Ano nga ang pangalan mo hijo?" tanong ng Ama ng amasona. Mababait ang mga magulang niya kaya hindi ko maisip kung saan niya nakuha ang ugali niyang nababagay sa amazon forest.
"Paeng po."
"Ikaw ba ang kasintahan ng anak namin? Ito kasing si Ana masyadong malihim." So, wala pa siyang boyfriend? Kunsabagay, sino ba naman ang papatol sa kanya? Sino ba ang gustong magkaroon ng girlfriend na kasing ingay niya?
"Hindi po."
"Hindi ko siya boyfriend Mama. Ewww ha!" Kita niyo na kung gaano kamaldita?
"Nanliligaw ka sa kanya?" Her mother sound hopeful. Kahit manliligaw wala siya? Hindi na nakakapagtaka. Buti nga sa kanya.
"Hindi din po." At hindi mangyayaring ligawan ko ang anak niyo. Itaga niyo man sa bato.
"Eh bakit andito ka?" Medyo hindi na sweet ang Mama ni Ana. Disappointed ata na hindi ko liligawan ang anak nila. But, they're in for a surprise.
BINABASA MO ANG
Ang Libro Ni Paeng
RomantizmAnyway this is the point of view of Paeng sa story nila ni Ana ..And They Kill Each Other