SAD GOODBYE

15.7K 373 8
                                    

Tila naririnig ko na naman ang boses ni Gabriel. " lagot ako " kasalanan ko nagkasakit ako.
" Please mi esposa wake up, please be well... I love you... "
" I love you ??!! Si Gabriel ba yung nag i ilove you ?" Gusto kong idilat ang aking mata ngunit tila may mabigat na bato nakapatong sa ulo ko sa sobrang sakit nito, hindi ko rin magawang iunat ang aking mga kamay dahil feeling kong hinang hina. Naramdaman ko muli ang pagdampi ng labi ng asawa ko sa aking noo, maya maya naman nawalan na naman ako ng ulirat. Hindi ko alam kung gaano ako katagal or ilang araw na akong ganito. Pagka minsan ay sobrang init ng pakiramdam,minsan naman ay sobrang lamig, pero sa bawat sandali iyun ay nararamdaman ko ang yakap at pag alala ni Gabriel. " Totoo kayang mahal nya ako?? Tatanungin ko sya kapag maayus na pakiramdam ko, o baka naman guni guni ko lang ang yun. Dahil alam ko sa puso at isip ay nahuhulog na aking loob sa kaniya, tila mahal ko na rin sya.. "

Sa wakas , nawala na aking lagnat,wala na rin ang matinding sakit ng katawan at ulo ko, pakiramdam ko na lang ang tila hina ko katawan. Nagising na ako at pilit ko sana bumangon sa pagkakahiga ngunit hindi ko magawa dahil siguro sa tagal na pagkaratay ko sa kama. Nagulat ako dahil si Gabriel ay nasa tabi ko. Naramdaman nya gising na ako at may pag alala itong yumakap sa akin.
" I am so glad you are awake.. you scared me.. my wife.... How do you feel now ? Are you in pain? Are you hungry?... " sunud sunud na tanung nito.
" Gabriel, salamat sa pag alala, maayus na aking pakiramdam kaya lang.. "
" Kaya lang ano ?? Tell me, I will bring you again to the doctor!!! "
" No!!! Gabriel..Ahm, gutom lang ako... " pinamulahan ako ng hiya..
Nakita ako ang biglang ngiti nito. Sabay tumawa at iiling iling na lumabas ng kwarto at.pagbalik ay may dala tray at nagsimula akong subuan ng sopas na dinala nito.
" I should not left you. Matigas din talaga ulo mo. " pinapagalitan nya ako habang sinusubuan nya ako ng sopas. Kasalanan ko naman, dapat ay hindi ako nagpakabasa ng ulan. Pero si Tiyo Orlando kase..
" Si tiyo.... hala!! "
" Reema, please keep calm.. I need you to be brave when I tell you about Tiyo Orlando" seryosong pagsasalita nito. Tinigil nya muna ang pagsubo sa akin at kinuha ang aking dalawang kamay at dahil sa mga mata nya mas lalo akong kinabahan sa sasabihin nito.
" Tiyo Orlando is gone.. He died peacefully nung oras na nagkasakit ka. Dahil hindi na kita makausap, nagpasya na akong umuwi agad. I booked a flight home and ito nga ang tumambad sa akin, ikaw na walang malay at inaapoy ng lagnat at si Tiyo orlando wala ng buhay. You scared me mi esposa, akala ko mawawala ka sakin.. "
" W-wala na sya ?? " hindi ako makapaniwala pero naramdaman ko ang mahigpit na yakap ng aking asawa. Hindi ko napigilan ang pag iyak. Wala na akong amain, ang kaisa isa ko na lang natitirang mahal sa buhay ay nawala na rin.
" You will not be alone, Reema andito na ako, asawa mo, si junella at si joana tayong apat magkakasama pa rin, do you understand my wife? " hinawakan nya aking baba at itinaas ang aking mukha. Hindi ko pa rin mapigilan umiyak. Ganoon nga talaga, walang sinuman may hawak nga ating buhay kundi Dios lang talaga ang nakaka alam. Alam ko naman may taning na rin ang kaniyang buhay ngunit bakit ganoon? Ang hirap pa rin tanggapin.
Masuyo nitong hinalikan ang aking labi at muling niyakap ng mahigpit at hinayaan nya ako ilabas ang aking mga hinanakit sa pagiyak. Tama nga lang ang mga kasabihan na malalaman mo.lang ang halaga ng isang tao o bagay kapag nawala na. Alam kong mas nasa mabuti ng kalagayan ang aking amain. Doon ay wala na syang hirap at sakit na nararamdaman. Nakatulog ako dahil sa pagud ng pag iyak.

THE CEO AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon