Chapter 2

4 0 0
                                    


"Hayyyy!" malakas ng buntong hininga ko pag-uwi sa apartment ko.

"Nakauwi kana pal--. Bat ang gulo ng buhok mo?" tanong ni Aira

"Napaaway lang." pagod na sagot ko.

"Palagi ka palang napapaaaway. Ahahaha. Ang cool!"

Tiningnan ko lang sya.

'weird talaga neto.'

2 months ko ng kasama si Aira. Ewan ko ba sa isang to. Tuwing uuwi ako ng magulo ang buhok o may sira ang damit mas natutuwa pa sya .

"So what happen this time?" excited na tanong nya.

"Nasampal at nasabunutan lang. "

"Anong ginawa mo? Hihihi"

"Sinapak ko. "

Pumalakpak si Baliw.

"Wow Pei, ang angas mo talaga, haha. Sa lahat ng 3rd party ikaw ang pinaka astig. "

"tss, sira-ulo ka talaga.. Sa pasukan mag-aaral na tayo." pag-iiba ko ng usapan.

"TALAGA?!!!! WOW. Thank you talaga PEI----"

binato ko ng unan.

"Ingay mo, gisingin mo ko pag dinner na." utos ko ng paakyat na sa kwarto.

"I LOVE YOU PEI. Anong gusto mong ulam? Lulutuin ko lahat. Hahahaha. Saan tayo mag-aaral? Anong course natin? Yieeeee" pahabol na tanong ni Aira.

"Sabe mo business ad ka? Sa Brentford University." sagot ko bago pumasok sa kwarto ko.

"B--brre-brentford? OMG. OMG!!!!" napangisi pa ako pagsara ko ng pinto. Panay pagtili nya pa yung narinig ko sa loob ng 5minuto.

~~*~~

" Pei. Gising na Pei, kakaen na tayo." nagising ako sa pag-aalog nya ng braso ko. "baba ka na. Kaen na tayo. "

"Hmm. Sige mauna ka na. Maghihilamos lang ako." agad syang bumaba at pumasok naman ako sa banyo sa kwarto ko para maghilamos at sumunod sa kanya para kumaen. "Ang dami naman nito?" kunot noong tanong ko. Literal na napanganga ako pag-upo ko.

"Hehe. Tinola, liempo, saka buttered shrimp. Paborito mo to diba? Yung tira ulamin natin bukas!"

"A-ano?"

"So sa BU na tayo mag-aaral? Paano? I mean mahal dun diba? Saan ka nakakuha ng pera? Magkaklase tayo? Teka ano bang course mo saka anong year? Ok lang ba na dun tayo? Uso ata ang bully dun. Kelan tayo bibili ng gamit? Excited na talaga ko. Yieeee." tuloy-tuloy na tanong nya at pagsasawalang kibo sa tanong ko sa pagpapaulam saken ng tira-tira sa almusal.

"magtanong ka pa di kana makakapag-aral" sagot ko habang naglalagay ng pagkaen sa plato ko.

"you're so mean!!!!" ngumuso sya.

"May lakad ako bukas. Ikaw nalang bumili ng gamit natin"

"sige sge basta pera mo. Hihihi"

"Alangan may pera ka ba?" sabay abot ko ng atm card.

"Ano to--- wow! San galing? Bagong jowa? Jackpot talaga ko at kaibigan kita." sabay tawa na nakakarindi sa tenga.

"leche. Kumaen ka nalang ng tahimik bago magbago isip ko."

"Ang yabang yabang yabang mo talaga!!!!"

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon