HER
5 years after
Hindi ko inaasahan na sa isang iglap mawawala sa akin lahat, may mga oras na sinabi ko sa isip ko na bakit hindi ko pa pinahalagahan bakit kung kelan wala na doon ko lang malalaman yung importansya ng isang bagay. Pero kahit anong gawin ko hindi ko na mababalikan ang nakaraan, sabi nga nila kung may mawawala man may papalit naman, tulad ng nangyayari ngayon napalitan ito pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang may kulang?
Sana pinaglaban ko sya... Sana nagtiwala ako...Sana ginawa ko lahat para hindi ako nagsisisi sa desisyon ko ngayon...
Kung ginawa ko kaya ang lahat ng yan, ganyan rin ba ang gagawin nya para saken? Saamin?...
Gusto ko syang hanapin at mag- sorry sa lahat sana lang ay mapatawad niya ako. Dahil hanggang ngayon ay mahal ko parin sya...
HIM
Ilang taon na rin ang nakalipas simula nung iniwan nya akong durog, at wasak pero sa mga naka-lipas na taon nag papasalamat ako sakanya - - - sa ginawa nyang pag- iwan sa akin dahil kung hindi nya ginawa yun hindi ko makikita ang babaeng para sa akin, ang babaeng binuo akong muli, ang babaeng tinaggap ako, pinaglaban, at ang babaeng pinag- mamalaki ako kahit kanino, ngayong naka-ahon na ako mula sa kanya hindi ko na hahayaang matagpo ang landas naming dalawa.
Tapos na ang kwento namin, masaya na ako kasama ang bagong babae na binigay lahat saakin...
A'N
Hello po this is my first ever story kaya sana ay magustuhan nyo. :-) love you all.
BINABASA MO ANG
Let it be(Wattys2015)
Teen FictionLet it be is a story about love, family, sacrifices, and having a faith/trust to someone who change your life. wish you will enjoy reading my first ever story. ~13~