Chapter 2

5 1 0
                                    

Leigh

Nang makauwi ako sa bahay dumiresto na agad ako sa kwarto ko.. bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng ganto alam kong simpleng bagay lang to pero para saakin malaking bagay na to. Natapos ang buong araw ng sya lang ang nasa isip ko.

Kinabukasan..

Maaga akong nagising ngayon kaya tumulong ako kay ate sa paghain ng makakain.

"O Leigh kamusta first day?" Ate

"Puro pakilala lang naman yung nangyare ate wala namang bago, tsaka kaklase ko ulit si Less" ako

"Oo nga nabanggit saken ni Less yan kagabi nung pumunta sya dito kagabi kaso tulog ka na pala, kami na lang ang nag kwentuhan para naman hindi sayang yung pag punta niya, balita ko meron daw kayong gwapong kaklase yung mga tipo mo raw sabi ni Less"

Tulad nga ng sabi ko araw-araw talagang pumupunta saamen yang si Less kaya nga naging ka-close nya na rin lahat ng pamilya namin kahit mga magulang namin eh close niyan, ako lang talaga tong hindi pumupunta sa kanila, pero nakilala ko na rin naman yung parents nya tulad ni Less mabait yung mga magulang niya at magkamukha sila ng mama nya parehas silang maganda hihihi. Kung di nyo naitatanong ay marami ng pinaiyak yang si Less eh pano ba naman lahat ng nag tatangka busted na agad, ang alam ko lang may dalawa pa siyang kapatid na lalaki hindi ko nga lang alam kung ano ang mga pangalan, minsan inaaya ako ni Less na pumunta sa bahay nila para duon kami mag aral pero lagi ko lang tinatanggihan dahil hindi rin ako komportable sa ibang bahay.

"Ang daldal talaga nung babaeng yun! Ate hindi ko naman tipo yung may magaganda at mapang-akit na mata, matangkad na halos 6 feet na ang taas tsaka ayoko ng matangos niyang ilong ayoko dun, tsaka bakit ko magugustuhan yun ehh ahhhh ahhhh." Ako

Kainis ka brain mag isip ka pa bat nawawalan ako ng maisip, wag mo akong ipahiya kay ate kainis kasi yung Less na yun ihh gawa kwento.

"Hmmm. Halata ngang hindi mo tipo yun kasi kulang na lang eh sambahin mo sya, O kain na tayo tatawagin ko lang si bunso" ate, pagkatapos ay umakyat na sya.

Urghh. Kainis ka Lesssss..

School

Paakyat na ako ng hagdanan ng makita ko si Less ng may kausap.
"Le--" hindi ko na natuloy ang pag tawag ko sa kanya ng makita ko kung sino ang kausap niya - - si Ice kasama niya at kausap, kung titignan sila para silang binuhay para sa isa't isa bagay na bagay sila, ni minsan hindi ko nakitang may ibang kausap si Less maliban saakin, hindi ko ulit sila tinignan at umakyat na ako sa room namin,

Wala naman akong dapat ika-inggit kay Less diba? Tsaka kaibigan ko yun, at wait -- bakit ko naman kakainggitan si Less? Dahil lang sa nakita ko siya kasama yung Yelong yun? Hmmp nevermind..

"Elll!! Pumunta ako sainyo kagabi kaso tulog kana kaya kami ni ate Lyein yung nag kwentuhan, bakit ang aga mong natulog kagabi? Alam mo namang pupunta ako sainyo ehh. May sasabihin pa naman ako sayo." Nagtatapo niyang sabi.

"Anong maaga ka dyan? Ang sabihin mo late kanang dumating kagabi past 9 na wala ka parin ehh samantalang dati 7 nandun ka na, at tsaka ano yung sinabi mo kay ate na tipo ko yung lalaking yun?" Tanong ko sabay turo kay Ice. At dahil malas ako nakita ako ni Ice ang pag turo ko sakanya at nakita ko kung pano nangunot ang noo nya sabay ngisi, inayos na kasi yung upuan namin na alphabetic kaya nasa harap si Ice at nasa likod lang kami at saktong napatingin sya sa likod nya kung nasaan kami, bwiset na yelong to ano kaya iniisip nito? Feeling pogi siguro to, inirapan ko na lang si Ice upang umiwas sa mga tingin niya.

"May ginawa lang akong importante kagabi, at wala naman akong sinabing pangalan kay ate Lyein kagabi sinabi ko lang gwapo at sa tingin ko ay mga tipo mo, wag kang masyadong pahalata El di ko pa natatanong kung sino ang gusto mo nasabi mo na agad hahaha" nakangising sabi nya, may gana pang mag asar tong bruhang to.

"Huh? Basta may sinabi si ateng pangalan! Kainis ka talaga Lessss! Urgggh" pagsisinungaling ko. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinawanan nya na lang ako, at sabay nuon ay dumating na si Mrs. Del Vida...

RECESSSSSSSSS..........

Kahit kanina ko pang gustong gusto na tanungin si Less tungkol sa pinag-usapan nila ni Ice ay hindi ko na nagawa, mamaya kung ano nanaman ang pumasok sa isip niyang babaeng yan ehh mahirap na, kaya imbis na tanungin ko sya hinayaan ko na lang at hindi na inisip kung ano man ang pinag usapan nila.

"El ba't parang ang tamlay mo? Masama ba pakiramdam mo? Kanina pa kita tinitignan kaso tulala ka lang dyan sa pag-kain mo, akala ko ba gutom ka na?" Less

"Wala to Less, nawalan lang ako ng gana." Sagot ko. Pag kasabi ko nuon ay nag isip-isip ako ulit, hanggan sa napadako yung mga mata sa iba kong mga kaklase na kasama si Ice, siguro ay transferee lang den sya katulad Less, kasi dati naman ay hindi ko siya nakikita, yung iba kaseng studyante dito ay kilala ko na rin sa mukha. Hmmm. Andami na agad niyang kaibigan hindi tulad ko nung unang pasok rito sa school, wala man lang nakikipag-usap saaakin...

"Class make a group of three because were having a activity and that will be your group until the end of your senior year saakin."sabi ng english teacher namin, tatayo na sana ako para mag hanap pa ng isa pa naming makakasama ni Less ng biglang...

"Ice sa group ka na lang namin ahhh" Less

"Less ano ba ya--" hindi ko na natapos ng biglang sumagot si Ice.

"Sige" yun lang ang sinabi nya at pumunta na siya sa amin at tumabi kay Less.










A'N
Sorry kung nababagalan kayo sa story ko pero ita-try kong bilisan, tsaka first time kong mag sulat kaya kung ano lang ang pumasok sa isip ko yun agad yung naa-update ko.Salamat sa pag babasa Enjoy!! Pasenya na sa errors

Next UD kay Less!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let it be(Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon