Chapter 19

131 4 0
                                        

Magko-quota na po ako for this chaptie. I need at least 50 reads to continue pn this chapter Sana po suportahan nyo.    :)

Yung mga "nya" po sa previous chapters nung may POV, gagawin ko na po syang "ko" starting from this chapter so that you will not be confused. Kthx!!!!

_____________________________________________

""Huy!!Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Kenneth pagkalapit nya sakin

"none of your business......"

Pagkasabi ko nun, tumakbo ko palabas ng hall. Hindi ko na talaga kaya yung mga salita ni Nissa. Ang sakit! Tinanggap ko naman na ipamigay nila ako, ipambayad sa utang.Pero ang hindi ko kaya ay yung susumbatan pa ko na walang malasakit!

Pagkalabas ko ng school dumireto ako sa bakanteng playground sa liko ng campus tapos pumasok ako dun sa lifesize dollhouse. Dun ako umiyak ng umiyak.Hindi ko na alam kung gaano na ko katagal sa pwesto ko ang alam ko lang, kailangan kong maglabas ng sama ng loob.

"Ehem....."

Nagulat ako nung may biglang tumikhim. Pag-angat ko ng mukha ko......

*eto na nman tong asungot na to!*

"anong ginagawa mo *sobs* dito?" tanong ko

"tingin mo?"

"malay ko sayo....*sobs*"

"oh..." sabi nya sabay abot sakin nung panyo

"Nu yan?"

"Lampin? pamunas mo sa poo poo mo?"

"Siraulo! Alam kong panyo yan!"

"alam mo naman pala eh! nagtatanong ka pa!"

Pagkasabi nya nun, umupo sya sa tabi ko tapos pinatungan nya ko ng jacket sa balikat.

"Alam mo minsan ang hirap mo talagang pakisamahan tsaka intindihin." sabi ko

"bakit?"

"Kasi talo mo pa ang babaeng may monthly dalaw eh! minsan mbait minsan naman masungit. Minsan nga parang ayaw ko ng lumapit sayo kasi natatakot ako eh."

Tiningnan ako ni Kenneth. As in eyes to eyes. Para tuloy nag-init yung paligid kahit parang kanina lang halos maging Frosty the snowman ako.

"Hindi ka dapat natatakot sakin...."

"Eh?......?"

"Isipin mo na lang na ginagawa ko lahat yun para protektahan ka..." sabi nya

 "Talaga?! Woah! Kapani paniwala naman yan!" sabi ko

Tapos bigla akong nagulat kasi bigla nya kong inakbayan tsaka hinila palapit sakanya

"Tsansing ah!" sabi ko

"Anong tsansing?! Niyayakap lang kita kasi baka nilalamig ka na..."

"WOW talaga?! Grabeng yakap naman yan dre! Mapipipi na si Naiah!"

Nagulat kami kasi may biglang nagsalita. Paglingon namin, nakita namin si sila Jake at Ayna a nanunuod.

"May libreng sine pala rito noh?" sabi ni Ryan

"Oo nga eh! Tsaka mukhang pang-SPG..........Kaya mga dre! Salisi na tayo! Nagagambala ang mga bida!" Pagkasabi nila nun, magsitakbuhan na ang mga mokong. Doon lang namin na-realize na yakap na pala ako ni Kenneth habang ako nakasandal sa kanya.

'A-ah......m-mauna na ako..."sabi ko.

Akmang tatayo na ko ng pigilan nya yung kamay ko. Sakto namang pagpigil nya sakin ay nadulas ako. Hindi ko na lang namalayan na nakahiga na pala ako sa malambot na---.  Wait, sinabi ko bang malambot?

Pagdilat ko, nakita ko na nakadagan ako kay Kenneth.

"shemay! Ang bigat mo Naiah!"

Nainis naman ako sa sinabi nya. Ako mabigat? Neknek nya! Sexy to noh?! chos!

"Tss! Sinalo mo pa ko kung magrereklamo ka lang din! Dyan ka na nga!"

Akmang tatayo na naman ako nang bigla nya kong hilahin pero this time hindi lang katawan ko ang nag-landing sa kanya, pati lips ko nag- landing sa lips nya. Hindi ako makagalaw. AS IN!! Tapos parehas pa kaming nakadilat! Gulat na gulat!

Pero bago pa kung ano na naman ang mangyari, umalis na ko sa pagkakadagan sa kanya.Baka kunjg ano pa isipin nya noh? Sabihin pang minamanyak ko sya at feel na feel ko ang moment.

Hindi nga ba?

Aisssshhhh!!!!

Assssssaaaarrrrrr!!!!

Feeling ko pa namumula ako! Nu ba yan!!!!!!

Dali dali kong lumabas ng dollhouse, pero di ko akalain na susundan pa rin ako nung asungot.

"Uy!! San ka na namang shell magtatago?!"

"Sa coconut shell! Baka dun  hindi mo na ko masundan impakto!"

Nasabi ko yun dahil hindi lang ako naiinis sa kanya, naiinis din ako sa sarili ko. Wanna know why? NAPAHIYA ako eh! Grrr!!!! Anebey?!

Nasa gilid na ko ng daan pero nakasunod pa rin tong asungot na to!

"Huy! suot mo nga tong jacket! Ang lamig lamig tapos maglalakad ka ng naka-tube lang sa gitna ng daan?!" sabi nya

"Pake mo?!"

"Baka magkasakit ka....." sabi nya

Medyo nagulat naman ako sa tono ng boses nya.

*Worried ba sya?*

"Wala ka ng pake dun! Katawan ko to!" sabi ko.

Tumawid na ko papunta sa eco-park na katapat ng school

*Grabe ang dilim dito!! Huhuhuhu!!!*

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang mapagod yung asungot sa kakasunod sakin.

Pero nasa gitna pa lang ako ng park ay napaupo na ko. Sakit na talaga ng paa ko eh......... May paltos na

"Aray......"

"Sabi ko kasi sayo, wag ka nang lumayo...." sabi ni Kenneth tapos tinanggal yung high heels ko.

"Anong gagawin mo?" tanong ko

"Here. Sumakay ka sa likod ko."

"What?! Baliw ka ba?! Ikaw na nga ang nagsabi na mabigat ako noh!"

"Sakay na! Iiwan kita dito?!" talaga to! Nanakot pa!

"Sige na nga!" sabi ko tsaka dali daling sumakay sa likod nya

"Takot ka rin pala eh...."

_____________________________

This chapter has to end

Hope you like it!

Unwanted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon