Chapter 20

158 5 3
                                    

Sorry pips kung medyo natagalan ang update!! *Peace* medyo busy eh.......tsaka medyo inaayos ko pa yung plot nung story and yung mga mangyayari in the next chapters. Nag-update na rin ako kasi na-meet na natin ang quota. :D Kaya heto na po! Enjoy!

**************************************************************************

Naiah;s POV

Minsan talaga ang gulo mag-isip ng lalaki na to. Daig pa ang babaeng may PMS! Kaasar!

Kasalukuyan akong nasa likod ni Kenneth ngayon.Oo sa likod. akala ko nga bridal style yung pagdala niya sakin. Hindi pala.......Asa pa ko noh? Pero sabi nila, kapag nag-offer daw ang lalaki na i-piggyback ride ka, may gusto raw sila sayo. Totoo ba yun? Naniniwala kaba roon? Aish! Erase!

"Huy, hanggang kailan mo pa planong maglakad?" tanong ko sa kanya. kanina pa kasi siya naglalakad habang nasa likod niya ko. Medyo nangangawit na rin kasi ako. O di ba? Ako pa talaga yung nangawit. HAHA!

"Manahimik ka na lang diyan. Hindi naman ikaw yung may dala-dalang pasanin." parinig niya sakin.

Pinalo ko naman ng malakas yung balikat niya.

"Aray! Ano bang problema mo?!" nakita kong inis yung mukha niya kaya pinalo ko ulit siya. Mas malakas.

"Ang kapal kasi ng mukha mo na sabihing pasanin ako! Kung pasanin pala ko, ibaba mo na ko ngayon din! As in now na!" sabi ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Sigurado ka?" tanong niya sakin

"Oo, ngayon n--Arayyyy!!!" bigla na lang niya kong ibinagsak sa lupa. Bwisit talag tong lalaking to! May pagka-four seasons ang ugali!

"Bakit mo naman ako ibinagsak?!" inis na tanong ko sa kanya habang sapo-sapo ko yung balakang ko.

"Eh kasi sabi mo ibaba kita. Kaya binaba kita." sabi niya tsaka naglakad na palayo.

"Huy, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"None of your business." sabi niya

Aba! Linya ko yun ah!

Hinabol ko siya kahit paika-ika pa rin akong maglakad. Napaka-ungentleman talaga!

"UY! WAIT LANG NAMA--Ayyyy!" napatili ako dahil bigla niya kong binuhat. This time, bridal style.

"O yan. Binuhat na kita ulit. Wag ka nang maarte."

Kagaya nga ng sabi niya, hindi na ko nag-inrte. Mag-iinarte pa ba ko? Akala ko naman wala ng natitirang konsensiya sa katawan ng lalaking to. Meron pa naman pala.

Naglakad lang kami ng naglakad. Sa totoo lang, naiilang na ko kasi sobrang tahimik. Pero mas mabuti na yun kaysa sa nag-aaway kami di ba? Wish ko lang hindi na to magsalita. As in EVER!

kakalakad namin, di ko namalayan na nakatulog na pala ko. Nagising lang ako nang maramdaman kong nahiga ako sa malambot na bagay. Pagkadilat ko ng mata ko, nasa isang kotse na pala ko. Wait......kotse? di ba naglalakad kami?

Bigla naman akong nag-panic at nag-worry. Ako lang kasi yung nasa backseat tapos wala si Asungot. Driver lang yung kasama ko tapos di ko pa makita yung mukha.Don't tell me kidnapping to? Oh noes! Wala akong pang-ransom!

Kinalabit ko yung driver.

"Manong, san nyo po ko dadalhin? manong wag nyo po kong kidnappin, wala po kong pera pang-ransom. Mahirap pa po ko sa daga. Wala kong cellphone, facebook, twitter at instagram. Wala po kayong mapapala sakin! Parang awa niyo na manong!" hinila-hila ko yung damit ni Manong. nagulat na lang ako sa nakita ko nang lumingon yung driver.

"Baliw ka na ba Naiah? Uuwi na tayo. Kidnap ka dyan...." sabi ni Kenneth at saka ini-start yung makina ng sasakyan.

nakahinga naman ako nang maluwang nang malaman kong safe and sound ako sa loob ng sasakyan na to. Ewan ko na lang kung safe ako sa taong kasama ko. Pray for me guys!

After nun, di na ko nakatulog, naghintay na lang ako na makauwi kami. You know naman. Once na nagising na ang diwa mo, di kana makakabalik sa masarap na tulog.

Pagdating namin, dumiretso na ko sa kwarto ko at hinubad yung parusang heels. Naligo lang ako para matanggal yung pangangati ng katawan ko dahil sa suot kong damit sa party. Pagkatapos kong maligo, binuksan ko yung facebook ko. (Joke lang yung wala kong facebook.:D Hindi ako taong-gubat noh!)

Pagtingin ko sa oras, 12:15 na ng madaling araw. Meaning, kinareer ni Kenneth ang paglalakad.....

Nakita kong nakaonline pa si Ayna kaya nag-chat kami

Ako: Uy, di ka pa tulog?

Ayna: Tingin mo? Kung tulog na ko sino tong sumasagot sayo?

Ako: Haha. Nga naman. Musta yung party?

Ayna: Okay lang. Aga niyo umalis ni papa Kenneth ha? Anong ginawa niyo? Share naman!

Ako: Sira! Umuwi na kami. Nawala ako sa mood nung awayin ako ni Nissa eh....

Ayna: Hayaan mo yun! Inggit lang yun sayo noh!

Ako: Eto talaga! Sige na, sleep tight! Dream of your crush ha? Goodnight!

Ayna: Haha. Crush talaga? Sige ikaw rin, Sleep tight! Dream of Kenneth ha? Goodnight!

Ako: Di ko siya crush noh!

Ayna: Asus! In denial! Sige na! Tulog ka na! Lalaki yang eyebags mo. Ciao!

Tapos na kaming mag-chat. Di rin naman agad ako nakatulog. Pero after ng 123456789 years, nakatulog din.

***********************************

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa ilalim ngkama ko.

Ano yun?

Unti unti akong sumilip sa ilalim para makita kung ano yun. Pagkayuko ko, nakita ko ang dalawang namumulang mata at nakangisi sakin. Natakot ako kaya nalaglag ako sa kama. Unti unting lumapit sakin yung duguang mukha.

Unti unti ring luminaw ang mukha niyon. duguang mukha ni Kenneth!

"AAAAHHHHHHH!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon. Wheeeeew! Panaginip lang pala yun! Grabe! Nakakatakot yung itsura ni Kenneth.

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon.

Panaginip pa rin ba to?

*********************************************

Short update lang noh? Sorry kung sabaw ha? Bawi na lang next time!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwanted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon