Death Adventure Part One

1.3K 22 3
                                    

May humahabol kay Anne na lalaking nakaitim—no scrach that—hindi nga niya mabatid kung isa itong lalaki o babae dahil sa nakatakip na itim na tela sa katawan. Nag-assume lang siya na lalaki base sa tindig nito. Tumataas na nga lahat ng balahibo niya at lumalakas ang pintig ng kanyang puso.

Takot na takot siya.

Para itong isang halimaw na sinisipsip ang kanyang enerhiya na naging dahilan upang di siya makagalaw sa kinatatayuan. Hindi alam ni Anne kung saan siya pupunta, kung anong gagawin niya para makatakas siya mula dito.

“w-ag po”, basag ang boses niya sa pagmamakaawa pero mukhang di siya naririnig ng nakakatakot na nilalang sa harap niya. May dala itong isang malaking patalim at itinaas, akmang isusugod kay Anne.

“akin ka lang. .” sabi nito in deep voice.

Nang itinaas ng nakaitim ang patalim nito, nasulyapan ni Anne ang pagngisi nito sa kanya. Ngisi na parang nagtagumpay ito sa balak gawin. Nakakapangilabot. Unti-unti may dumaloy na dugo sa mga pisngi ng nakaitim at nagkalat ito sa sahig.

Deep red.

Parang rosas ang pagkapula.

“akin ka lang….”

Hinawakan siya ng nakaitim,  pero hindi siya makatanggi. Kahit gustuhin man ni Anne na tumakas, she can’t. Her feet were like glued sa kinatatayuan niya ngayon.

Mamamatay siya.

Papatayin siya.

All she can do was to scream before the creature can wound her by his giant blade.

“wwaaaaaagggg!!”

Krrriiinnnnggg!!

Humahangos si Anne na napabalikwas sa kama. Panaginip lang pala.

 

Hanggan ngayon, hindi parin siya tinitigilan ng kanyang panaginip. Lagi na lang ganoon, same figure, same situation. .at sa huli, patay siya sa kanyang panaginip. Hindi niya nga naiintindihan kung bakit ganoon na lang ang mga panaginip niya—kung panaginip man nga ituring yun. It’s like a nightmare that is hunting her over and over. Ni hindi nga niya alam kung saan at paano ito nagsimula.

She covered her face with her hands habang nanginginginig parin. “aah. Bwisit na panaginip”, yun lang ang nasabi niya dahil sa inis sa pagkabalik-balik nito. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Mukhang tinanghali siya ng gising.

“My god! May outing pala kami ng mga barkada ko”, aniya. She crawled up from bed at kinakpak ang tsinelas niya. Nagmadali siyang hagilapin ang cellphone niya to text her friends.

Vice, saan tayo magme-meet?

Death Adventure - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon