“naiihi ako”, tumingin si Jhong kay Kuya Kim kaya’t nakakunot-noo ang kaibigan.
“magpapasama ka Jhong? Haha.”, tumawa lang si Kuya Kim. Iniisip niyang bakit nagpapaalam pa si Jhong kung naiihi ito. Para lang bata. Siguro natakot na rin dahil sa kwentuhan nila. Kanina pa kase sila sa pagkwekwento ng katatakutan.
“sweety pieee”
“ayoko sweety pie. Hihi. Takot din ako e, ikaw na lang. Kaya mo yan”, tugon naman ni Vice at sinawalang-bahala lang ang sinabi ng kasintahan.
Kahit napipilitan at talagang naiihi na si Jhong, lumabas na siya ng tent. Wala pang isang minuto, tumayo na rin si Anne.
“oi girl, sa’n ka pupunta?”
“magpapahangin lang. Ang init kase dito”, sagot naman ni Anne kay Karylle. Hindi niya talaga alam kung bakit iba ang nararamdaman niya ngayon, para kase siyang di mapakali. Kanina sa loob ng tent, hindi siya masyadong makasabay sa tawanan ng magbabarkada.
Lumabas si Anne at umupo sa malaking bato malapit doon. Natanaw naman niya si Jhong na nasa di masyadong kalayuan na nakatalikod.
Binaling ni Anne ang tingin niya sa apoy na nagiging abo na. Nang bigla siyang makakita ng mga paa malapit sa apoy at itim na tela. Naalala niya ang halimaw sa kanyang panaginip. Hindi makagalaw si Anne sa kinauupuan. Parang nahinto ang kanyang oras. Hindi rin siya makaimik kahit gustong-gusto niya sumigaw. Ang mukha ng nilalang ay nakatabon parin sa maitim nitong tela habang hawak ng isa nitong kamay ang matalim na bagay.
Biglang tumalikod ang nasa panaginip niya at sinundan niya ng direksyon kung saan ito papunta.
Si Jhong.
Papunta siya kay Jhong.
“wag..”. Pagpipigil niya sa nakaitim pero hindi niya magawang bumigkas. Papalapit ito kay Jhong habang nakataas ang matalim na bagay.
Bigla-bigla, hinampas ng nakaitim ang ulo ni Jhong at tumilapon ang ulo nito, humiwalay sa katawan sabay sirit ng dugo mula sa leeg.
“h—hindi”
Hindi maari. P-patay na si Jhong?
Hinarap siya ng nakaitim mula sa kanyang panaginip—na ngayo’y totoo na—ngumisi ito sa kanya gaya ng pagngisi nito sa kanyang panaginip.
This is no longer a dream at patay na ang isa kong kaibigan.
Biglang naglaho ang halimaw. Nanginginig ang tuhod ni Anne na pumunta sa kung asan si Jhong. Nangingisay pa ang natirang katawan nito. Nakabukas pa ang zipper ni Jhong at halatang hindi pa siya tapos sa pag-ihi. Dahil sa takot at pagkagulat, napasigaw si Anne.
“aaaaaaaaaaa!! aaaaaaaa!!”
Sobrang raming dugo, may mga tumalsik-talsik pa sa damit niya mula sa leeg ni Jhong.
“anong nangyari?”
“what ha------aaaa!!”
Lumabas ang mga kaibigan ni Anne mula sa tent dahil sa sigaw na narinig. Pagkalapit nila, nagulat sila sa duguang katawan ni Jhong na nakahilata, walang ulo.
“sweety pieee!!”, umiiyak na sigaw ni Vice, takot.
“p-pinatay siya ng hali-maw”, basag ang boses ni Anne. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga kaibigan na ang halimaw sa panaginip niya ang pumatay sa isa nilang kaibigan. Bakas sa mukha ng mga natirang kaibigan ang pagkagulat at pagkatakot.
BINABASA MO ANG
Death Adventure - FIN
Mystery / ThrillerKwento ng magbabarkada na nagpasyang magkaroon ng outing adventure sa isang secluded na lugar. Maging tahimik nga kaya ang pagpunta nila doon? O magigimbal ang kanilang buhay dahil sa naghihintay na kapahamakan para sa kanila? Ang pagpunta kaya nila...