Ipinapangako ko

12 1 0
                                    




"Ibabalik ko sa iyo itong lapis mo. Promise."

'Yan ang una mong ipinangako sa akin.

Sabi mo ibabalik mo sa akin bago matapos ang klase.

Pero umabot ng isang linggo, hindi mo naibalik dahil nasira mo yung lapis.




"Promise magiging magkaibigan tayo. Walang bawian. Pangako iyan."

Ipinangako mo iyan sa akin nung naging matalik tayong magkaibigan.

Ang sabi mo, walang bawian. Pero hindi pa natatapos ang school year ay sinira mo na ang pangako mo.

"Ipinapangako ko, babawi ako sa iyo sa pagtulong mo sa akin."

Nagmaka-awa ka sa akin na ilakad kita kay Jess. Dahil sa gusto mo siya at gusto ka rin niya ay, tinulungan kita. Wala namang mawawala eh.

Pero nung nanghingi ako sa iyo ng tulong para magpasundo galing sa school, dahil gabi na, ang sabi mo 'Sorry busy ako.'

Kung tinulungan mo sana ako ay hindi sana ako muntikan ma-rape.



"Magiging masaya ka sa piling ko, pangako iyan."

Nung nanligaw ka sa akin, akala ko pinag-tritripan mo ako.  Alam ko kasi na playboy at habulin ka ng mga babae.

Hindi ko akalain na seryoso ka pala nung oras na iyon. Kaya sinagot kita.

Pero hindi ko akalain na wala pang isang buwan, nakita na kitang may kahalikang iba. Kaya nakipag-hiwalay ako sa iyo.


"Pangako, hindi na kita pakakawalan."

Sinabi mo sa akin na 'Mahal mo pa rin ako.' Na nagsisi ka na pinakawalan mo ako.

Naniwala naman ako dahil tanga ako. Naniwala ako dahil alam kong pwede pa ang second chance. Naniwala ako dahil mahal pa rin kita.

Naging masaya tayo sa piling ng isa't-isa. Araw, buwan, at taon na binilang ko. Masaya ako dahil sa wakas, natupad mo na rin ang mga pangako mo sa akin.

"I, Jason Kyle, vow to Rose Jane, the eternity of love. I will love her until the days I can. I will cherish the days that I can still be with her. No secrets to be kept. No promise yet to be broken again. Till death do us apart."

Sa wakas naikasal na rin tayo. Hindi ka lang sa akin nangako, nangako ka rin sa mata nila. Nangako ka na harapan Niya.

Naging matagumpay ang pagsasama natin. Nabuntis pa ako. Nagkaanak. Andun ka pa nga sa tabi ko habang inilabas ko ang anak natin na babae. Umiyak ka pa nga sa sobrang tuwa dahil hindi mo akalain na may mabubuo tao.

Naging masaya tayo, nasobrahan sa saya.



"Rose.. ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, magiging masaya ka..."

Wala pang apat taon ang pagsasama natin ay iniwan mo na agad ako.

Napaka-masarili mo dahil hindi mo sinabi sa akin na may Brain Tumour ka.

Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ko napansin? Bakit nangako ka pero sisirain mo rin? Bakit? Bakit?

Masakit isipin na nasira mo ay isang sumpa na pareho nating ipinangako sa isa't-isa.

Isinumpa mong walang taguan ng sikreto..

Isinumpa mo na walang iwanan...

Na aaalagaan mo ako..

Na hindi mo na ulit ako sasaktan at paiiyakin...

Pero sinira mo.


Kaya sana mapatawad mo ako pag hindi ko ma-ipangako sa iyo na magiging masaya ako.

END









Pangako koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon