Sino si Henry Sy? Ano ang nakikita ni Henry Sy? Saan siya nakatira? May asawa ba siya? May kabet? May anak? May anak sa labas?
Henry Sy: Siya ang tinatawag na Retail King. Siya ang nagmamay ari ng lahat ng mga SM sa Pilipinas. Noong 2011 ay itinanghal siya bilang No.1 Billionaire sa Pinas! Ipinanganak siya sa Xiameng, China. Nagsimula siya bilang tagalinis ng sapatos. At ng nagkaroon ng sapat na kapital ay nagpatayo siya ng tindahan ng sapatos sa Quiapo. Noong November 1972 naitayo ang unang SM at ito ay sa lugar na pinagtatayuan ng kanyang tindahan ng sapatos. Ito ay ang SM Quiapo.
Useless Facts:
1. Siya ay ipinanganak noong December 25, 1924.
2. Noong December 25, 1985, naitayo ang una niyang SM supermall at ito ay ang SM North EDSA.
