Bolpen, bolpen, bolpen. Binili, ginamit, di naubos, nawala. Yan ang kadalasan na nangyayari sa ballpen natin. Pero bakit ball pen ang tawag dito? Hindi ba pwedeng pen lang? Bakit may iba't ibang klase ng bolpen? Nakaranas ka na ba ng ballpen na nagtatae? Anong ginagawa mo sa ballpen na nagtatae? Wala na ba siyang silbi? Kapag itinayo mo, magtatae. Kapag nakabaliktad, magtatae pa din. Ganon nalang ba palagi? Kahit anong gawin mo, ganun ang kinalalabasan? Napapahugot na tuloy ako sa ballpen na yan. Eh alamin na natin yan.
Ballpen o ball point pen. Isang school supply na mabibili mo sa mga tindahan na kung minsan ay malaki ang tubo. Bibilhin nila ng kuwatro pesos ibebenta nila ng siyete?! Ano yun? Sobra sobra na iyan! Pero ang ballpen ay naimbento noong 1888. Ito ay gawa sa isang plastic tube na kung saan ay may laman na ink at may bola na maliit sa dulo. Kaya ito tinawag na ballpoint. Napakaself-explanatory. Ball + Point + Pen = Ballpoint Pen. Diba?
"Nagtatae ang ballpen ko at hawak mo ang basahan" - Bob Ong