Hi KhristeenShane! Thank you so much for following me!! :D
--------------------------------------------------------------------------------------
Every saturday and sunday pala ang taekwondo ko. Hihi. At kung may magtatanong kung prinactice ko ba yung pinapapractice ni Francis, HAH! Hindi noh! I'm somewhat rebellious kasi. Tsaka, marami akong ginagawa sa bahay!
Wednesday ngayon. I'm on my part-time job right now. Konti lang yung customers kaya relax-relax lang. Naglalaptop lang ko sa gilid, de Wifi kasi dito. Sosyal nga eh! :D
*ting* -----> tunog yan ng pintong bumukas XD
May magbabarkadang pumasok ng cafe. 5 sila, dalawang babae at tatlong lalaki.
"Welcome po." sabi ko. Actually, napipilitan lang ko magwelcome eh. Trabaho lang. :|
Di nila ako pinansin. Ouch. They are making noises....
"Hahahahaha. Ang tanga kasi ni Andrei eh!!" sabi nung girl 1.
"Haha pre! Tanga ka daw sabi ni Andrea!" sabi ni guy 1.
Inabot ko sakanila yung menu.
Kinuha naman ito ni guy 2 at nagsabi "Hah! Tanga pala? Sino kaya yung naka74 sa Math?" Siguro siya yung Andrei.
Naghagalpakan naman sila sa tawa maliban kay girl 1 na nakabusangot na.
"Walangya ka Andrei! Binibwiset mo na naman best friend ko!" sabi ni girl 2.
"Hahahaha buti nga sakanya.. Miss, limang iced mocha at black forest nga."
"Okay sir, limang iced mocha and black forest, yun lang po ba?"
"Ay, ulit-ulit??" sabi niya. Natigilan ako dun. Loko to ah!!! Tinawanan tuloy ako ng barkada niya. >:|
"I guess that's it. Wait for five minutes. Ah, five hundred pesos po pala in total." Umalis na ko. Kabadtrip yung lalaking yun!!!
Nasa counter ;lang ko naghihintay pero di ko mapigilan sarili ko pakinggan yung convo nung magbabarkada. Eh pano naman kasi, ang ingay-ingay nila! Buti na lang sila lang yung customers.
Girl 1(Andrea): Ang sama mo talaga Andrei! Ikaw na ang mataas ang grade sa Math
Guy 1: Ang yabang kasi eh! Kaw na magbblack belter!
Guy 3: Ikaw na ang may regional competition sa taekwondo!!
WHAT??!!! Taekwondo player pala ito?! Nasobrahan naman ata ng SELF-CONFIDENCE! Tch.
Guy 2 (Andrei): Hahahaha grabe naman kayo makashout-out ng achievements ko napapalaway na tuloy yung miss dun sa counter. Tinuro niya ako.
SERIOUSLY???!!!! Yabang ah!!! Pasalamat siya nasa trabaho ako kung hindi pepektusan ko na toh!!! GRRRRR.
Girl 2: Sobra ka naman. Di naman tayo naririnig niyan eh.
HAH! Sorry ate, pero rinig na rinig ko kayo. :|
"Oh Dara, eto na yung order."
Pumunta na ko sa table nila at inabot yung order.
"Oh eto miss ang bayad, keep the change." sabi ni Andrei.
KAPAL. "Akala ko po sir magaling kayo sa Math, eh wala na pong sukli yung 500 niyo."
Guy 1: Oh pano yan pre! Supalpal ka ng chicks na toh! Hahahahahahhaha.
Nagtawanan naman silang lahat.
I fakely smiled, "Hindi po ako manok Sir. Okay, enjoy your stay here! :)" At pumunta naa ko ng counter.
Hohohohoho. I can smell my victory. Nagglare sakin yung Andrei. Nye, pikon talo! :D
Halos dalawang oras sila sa cafe, asaran at chsmisan. Si Andrei medyo nawala ang kayabangan. Buti naman! Hallelujah!
Nang papaalis na sila, "Thank you and Come again!"
Napalingon sakin si Andrei at nagsmirk. *GULP* Medyo nakakatakot naman ang smirk nito, yung bang parang mang-aabang sa kanto. Hiiiih, maybe it's just my imagination.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Saturday - Taekwondo lesson
I arrived early today. May 15 minutes pa bago magtime. Nakajogging pants and shirt ulit ako. Next week pa daw yung uniform ko. :/
Right now, nakaupo lang ko sa bench. Yung classmate ko (mga kids), nasa gitna naglalaro. Alangan naman makisali ako sa kanila diba? Kaya heto, medyo loner ako. Wala pa kasi yung mga teens like Francis (Francis talaga???). Pwe! Like Marie and Jean tuloy...
I just put my headphones on and listen to the music.
Nakatunganga lang kong nakaupo ngayon habang nakikinig ng music sa Samsung Galaxy SIII ko. Nang............ may masagip ang mata ko. EHHHHHHH?! What's the meaning of this???? Dito rin pumapasok si Andrei The Arrogant Guy???!!!
BINABASA MO ANG
It Started with a Summer Romance
Teen FictionThis is about a girl named Dara Margaux Santos, a shy girl who wants a change this summer. Instead of kain-tulog-computer-kain-tulog routine, she made her summer life more exciting. She enrolled in a sport lesson and have a part-time job in a coffee...