MR.TAGUMPAY

175 2 0
                                    

"Itago nalang natin ang pangalan ko sa pangalang Potpot. Medyo boring ang story na to pero gusto ko makarelate ang mga readers. My story is about kung pano ako nagtagumpay sa sarili ko. ok lets start. Aminado ako sa sarili ko na dati akong lokoloko. Naalala ko pa nung bata pa ako (10-12 yrs old) ay laman na ako ng barangay palagi at iisang kaso lang ang kinasangkutan ko, away, riot, bullying. Hinding hindi mabubuo ang araw ko ng hindi dumadampi itong kamao ko sa mukha ng mga kaaway ko o kahit na sinong trip ko lang. Pero aminado din ako sa sarili ko na may kinakatakutan ako. Malakas din ang loob ko kahit ako lang magisa at sinusugod ko lahat ng kaaway ko o kahit kaaway ng tropa ko o kahit kaaway ng tropa ng kaaway ko. Napabilang din ako sa grupo ng kilalang fraternity nung high school na ako. Pero kahit na ganun ang buhay ko dala ng impluwensya ng barkada ay hindi ko pinabayaan ang pagaaral ko. Hindi ko pinagyayabang bagkus ay naalala ko lang ang aking pagkabata. Nagtatop ako sa klase kahit na barumbado ako suot ang mahahabang polo at panggangster pa ang hairstyle.
One time dumating na sa point na halos lahat ng co-member ko s grupo namin ay unti unti ng nalalagas, umuuwe ng probinsya, nagkaanak, napatay, naexpelled sa school at napatay. Kumonti kami. Hangang sa umabot sa puntong dalawa nalang kami sa myembro na nagaaral pa sa school na yun. Lahat na kaaway namin ay araw araw kami binalikan hangang sa sobrang liit na ng mundo namin. Ang mahirap p non ay hindi kami nagkikita at halos sarili ko nalang ang tutulong sakin. Nasa higher section ako that time pero ayoko madamay ang mga kaklase ko sa gulo. Pero naramdaman ko that time na oras na pala para ayusin ko ang sarili ko. Nakasundo ko lahat ng mga naging kaklase ko na hindi ko pinapansin dahil iba ang hilig nila sa hilig ko. Dun sila bumawi sakin dahil dati ay pinagtatanggol ko sila sa mga kaaway nila pero hindi ko pa din sila pinapansin. At noon ay napabilang na ako sa mababait.
Unti unting gumaganda ang buhay ko pero yung liit ng mundo ko ay still ganun pa din. Hiling ko nalang noon ay makagraduate ako ng hindi naoospital. Dumating sa point na may nagabang sakin mga kaaway ko noon isang grupo sila may mga dalang kutsilyo. Ako lang magisa. Dinampot ko yung isang case ng softdrinks sa likod tindahan ng school at wala na ko sa sarili kundi ibalik ko ulit ugali ko dahil kailangan ko makaligtas. Pinagpupukol ko lahat ng nakaabang sa labas ng school hangang sa makagawa ako ng daan sa gitna nila habang iniiwasan nila lahat ng lipad na bote. Timing ang kailangan dahil kapag huminto ako sa pagpukol ay makakabwelo sila para iwasiwas sa akin ang kutsilyo. Hangang sa naubos na ang lamang bote ng case at nakakatakbo na ako ng maganda. Awa ng Diyos nakaligtas ako. Hindi na naulit ang nangyare.
College days. Nakagraduate ako ng highschool. Ibang mga tao na naman makakasalamuha ko sa isip ko. Nung una ayaw nila sakin dahil nga sa angas ko at yabang ko. Hangang sa natanggap nila ako kung ano ako noon at nagbago na ngayon. Naging masipag ako sa pagaaral sa program na BS Architecture. At nang mkapagtapos ako. Tumingin ako sa langit at nakangiting nagiisip. Nagawa kong makapagtapos ng pagaaral sa dinanas ko mula pagkabata at sa program pa ng BS Architecture na napakahirap.
Now, Im a Licensed Architect. Proudly, na sa lahat ng naging kamyembro ko sa frat noon, ako ang pinakamatagumpay"

MR. TAGUMPAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon