☺USL◘Two☺

28 21 1
                                    

Author's Note

Chapter 2

Continuation of chapter 1? Soon....  Tunghayan muna natin kung saan nag-umpisa ang kanilang Love story... katulad din ba sa kanta ni Yeng... Sa JEEPNEY?? ahahhahaha... iiiiwwwww... Jeepney?! Laos na iyang style na yan... hahahaha

Here! Read this part of story... at ang mga susunod

^____^ Enjoy!

****************************************************************************

CHAPTER 2:  BEGINNING (Flashback)


LIRAH POV


"Tiya sure po ba kayong okay lang kayo dito?" tanong ko kay Tiya Liza habang tinutulungan niya akong maglagay ng  mga gamit ko sa bag na dadalhin ko. " Okay lang naman po sa akin kahit dito---"

"Hindi" Putol nito sa sinasabi ko... " Aalis ka, luluwas ka ng maynila, wag mo akong alalahanin dito.. Okay na okay lang ako dito.. at saka sayang ang offer nila madam sa iyo."  Napabuntong hininga ito bago ulit ito  nagsalita. " Kahit ayaw kong mawalay ka sa akin, dahil ikaw lang ang nag-isang kamag-anak ko, pero Lirah, anak para sa iyo ito... Gusto kong may marating ka, wag kang tumulad sa akin na ganito ang buhay... at... sa... nanay mo." Hindi ko napigilang mapaluha kapag nababanggit si nanay... ang totoo kong nanay, kapatid ni tiya. " Nangarap ang si Ate para sa aming magkapatid, pero walang nangyari, nabigo sya... Iniwan pa nya tayo.. Kaya anak," mahigpit nto hinawakan ang kamay ko na ginantihan ko rin naman. " Mangako ka, Tuparin mo ang pangarap ng Nanay mo...  Gusto ni Ate na maging maginhawa ang buhay namin at ang magiging anak pero hindi nangyari... kay ikaw...  gawin mo ang lahat para makaahon ka sa hirap ng buhay natin.... gawin mo ito hindi lang para sa'yo kundi para rin kay ate... sa nanay mo."

Napatingin ako kay tiya ng hawakan at iharap nito sa kanya ang mukha ko... mas lalo akong nagulat ng punasan nito ang mga luha na lumalandas sa pisngi ko... pilit akong ngumiti dito kahit gusto kong umiyak na lang ng umiyak.

" Anak, kahit di mo sabihin sa akin,.. nakikita kong  hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin... nasasaktan ka sa mga nangyari sa inyo---"

"Please tiya wag nyo na pong banggitin ang pangalan ng taong iyon, kahit ang mga nangyari." Awat ko kay tiya.. Ayaw ko  ng aalalahanin pa iyon.

"Okay, Okay pero luluwas ka ha, hindi ka ba masaya? Makakasama  pa rin sila Nicky dahil iisang school lang kayo mag-aaral?"

"Happy po." mahinang sagot ko... yes i'm happy kasi kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko... ang mga tunay kong kaibigan..

"Yun naman pala eh, basta pagdating doon mag-aral kang mabuti, magpakabait ka." Tumango naman ako dito. " Ihahatid ka bukas nila Madam sa bahay ng kamag-anak nila, doon ka daw titira.. gawin mo ng walang angal ang bawat utos nila ah... sabi naman nila madam... mababait naman iyon kaya siguro  di ka nila pahihirapan doon.

"Opo tiya, susundin ko lahat ng bilin nyo."  Ngumiti na ako dito.... tinaas ko pa ang kanang kamay ko  "Promise" Sabi ko dito na nagpangiti kay tiya..

"Mamimiss kita baby ko.."  naluluhang sabi nito sabay yakap sa akin.

"Hindi na po ako baby tiya... Mamimiss din kita.. pangako po... tatawag po palagi sa Mansyon... para maka-usap kita."


itinuloy na namin ang pagliligpit ng mga gamit na dadalhin ko bukas ng pag-alis ko...

By the way, hindi pa ako nagpapakilala sa inyo.. ako nga pala si Lirah Jane Santos... Santos surname yan nila Nanay at tiya... hindi ko kilala kung sino ang tatay ko... hindi rin kasi alam ni Tiya ang tatay ko... si Nanay naman daw namatay nung 10 years old ako, Kung bakit may daw? kasi hindi ko matandaan ang  aksidenteng iyon.. kasama kami ni nanay  sa mga  pasaherong  nakasakay sa bus paluwas ng maynila... at salamat sa Diyos nabuhay ako pero si nanay hindi nakaligtas, hindi na namin nakilala yung bangkay ni Nanay... kasi sunog na sunog ito... ang naiwan na lang niyang alaala sa akin yung singsing niya na nakuha pa namin sa bangkay nito....

At the age of 17, third year student ako... Business Ad major in marketing.... next year gragraduate na ako... Luluwas ako bukas para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko, at higit sa lahat makalimot sa mga nangyari..

Iiwan ko si tiya dito... ang taong nag-aruga sa akin ng mawala si Nanay.. iiwan ko ang napakabait kong tiya..

" 'Nak" pukaw sa akin ni tiyan..

"Po?" lumingon ako dito, nakita kong mayhawak itong notebook, pero kakaibang notebook lumapit ako dito at tiningnan ang hawak nito at hinawakan ko.

 Alam ko.... Diary ito pero di ko alam kung kanino... tuwing nagliligpit ako nakikita ko palagi ito.. sabi ni tiya akin daw ito..  pero di ko matandaan iyon... Nagkaroon kasi ako ng temporary amnesia sabi ni tiya... wala kasi akong matandaan sa kabataan ko.. na hanggang ngayon di pa rin bumabalik ang ibang nawawalang memorya ko... pati ang bagay na ito di ko matandaan... hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang itapon ang bagay na ito... hindi ko naman makita ang loob, hindi ko mabasa... Hindi lang kasi simpleang diary ito. may 9 na button sa  gilid nito.. sabi ni Tiya... may password daw kaya di nagbubukas... kahit anong gawin kong pindot dito ko ma-unlock ang padlock nito..

"Tiya dadalhin ko na lang po ito.

"Sige, para kapag nabuksan mo iyan...  Bumalik na ang lahat ng memorya mo."

"Sana nga tiya. "      umaasang bigkas ko.. maya maya napangiti ako ng may maalala. " At nang makilala ko na ang batang lalaki na palaging nasa panaginip ko... at nangakong dadalhin ako sa palasyo niya at pakakasalan.." nakangiti kong sabi..

Sabay kaming natawa ni tiya... Alam niya ang panaginip kong iyon.. hindi ko mamukhaan ang bata sa panaginip ko basta sigurado akong ako ang batang babaeng kausap nito at pinangakuan..

Napatingin ako sa labas ng bintana... gabi na pala kaya maraming bituin sa langit..

Sino ka nga ba? Makikilala pa kaya kita? Magkikita pa ba tayo? Tutuparin mo ba kaya ang mga pangako mo...

***************************************************************************************

Wuuuuaaaahhhh.... My Amnesia girl ang peg ng ating si Lirah Jane...

Sino yung nangako sa kanya? magkikita pa kaya sila...

Tunghayan natin ang buhay ng ating bida sa kanya bagong environment... makikilala...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Maiksi ba? well ganyan talaga... yan po muna ang UD... Basahin muna natin kung saan nagsimula ang lahat at kung paano sila paglaruan ng tadhana at ni kupido..

NEXT UD:  new student.

Dedication? Comment na lang po...

Sorry for typo error and grammatically error.

================Vote==Comment===================

091015

#Minako_Suzuki02



Unexpected "SECOND" loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon