Chapter 1
Her Point Of View
"Ba't ang layo ng mukha mo sa kuya mo?" Kasalanan ko bang hindi ko kamukha 'yung kuya ko? Lagi nalang nila kong tinatanong nyan, di yata nila alam yung salitang maturity.
Ang tagal naman kasi ni Av. Ako na naman tuloy napapansin ng mga unggoy na 'to.
"Omg! Omg! They're here!" Mga sigawan nila yan. Sus! Masyadong pa-sossy mga conyo naman. Andito na pala yung hinahangaan nilang grupo sa school namin. Sino sila? Hindi ko din masyadong kilala. Ang alam ko lang kasama dyan yung kuya ko tapos si Stefan, tsaka kapatid niyang si Kuya Priam. 5 silang lahat sa grupo nila pero hindi ko na kilala 'yung iba. Hindi rin naman kasi nila pinangalanan 'yung tropa nila dahil magkakaibigan daw sila at hindi banda na kailangan pang pangalanan. Ito rin 'yung dahilan bakit medyo nagustuhan ko sila. Simple. Natural. Walang arte.
Kung itatanong niyo naman bakit tatlo lang yung kilala ko sakanila. Ahm. Ganito kasi yan, wag kayong maingay ha? Pero medyo may gusto 'ko kay Stefan, Stefan Tremaine. Mabait. Sweet. Cute. Magaling suma----
"Shaineeeyy!" Isang tao lang naman 'yung bigla-biglang sumusulpot at biglang sisigaw ng 'Shainey'. Tiningnan ko siya saka nginitian, madaldal si Avery. Yan 'yung una kong masasabi tungkol sakanya. At kung maniniwala kayo siya 'yung kaisa-isang naging kaibigan ko dito. Dahil na rin siguro 'yun sa pagiging friendly niya at ang komportable niyang kasama.
"Pinagnanasaan mo na naman si kuya 'no?" Tama kayo ng basa. Kuya. Kapatid niya si Stefan. Full name? Avery Tremaine. Pero ano ulit yung tanong niya? Pinagnanasaan? Grab tiningnan ko lang naman! Diba? Diba?!
"Huh? Pinagsasabi mo? Ayusin ko lang muna 'tong bag ko." Habang inaayos ko 'yung mga gamit ko naramdaman kong umupo na si Av sa upuan niya na nasa harap ko. Pag tingin ko sakanya nakahalumbaba lang siya habang nakatingin sa'kin.
"Painosente? Pft" Mahirap talagang maloko 'tong isang 'to. Ito 'yung isa sa ugali ni Av. Sobrang kukulitin ka niya hanggang umamin ka. At sinasabi ko sa inyo, ang hirap iwasan ng mga tanong niya.
"Ayan na si Sir" Humarap naman agad si Av sa board kaya ipaalala niyo sa'king pasalamatan si Sir. Ganda ng timing. Buti nalang.
Pagkatapos ng dalawang oras na sobrang nakakaantok. Break na rin namin. Jusme! Tinalo pa ng boses ni Sir yung lullaby sa pagpapatulog. Kusang pumipikit yung mata ko kahit maaga naman akong natulog kagabi.
"Wala ng table. Ayun! Share nalang tayo kila kuya!" Wala na ngang table, tinignan ko 'yung tinuro ni Av. Sila kuya pala. Nandun yung buong tropa nila. Sila Stefan.
"Kuya! Dito kami ha? Order lang kami" Nilagay naman agad ni Av yung bag niya sa bakanteng upuan tapos yung bag ko sa katabi non. Hindi man lang hinintay yung sagot ng mga kuya niya. Pinagtitinginan na nga kami. Parang mga ewan. Hello, kapatid ho nila kami. Sabagay di ko rin naman sila masisi, bihira lang naman kaming sumabay sakanila bakit ba kasi wala ng lamesa?
"Sabay ko na 'yung order niyo Av, ano ba sa inyo?" Si Kuya Harley, ang gwapo. Wala bang panget sakanila? Nakangiti siya habang nakatingin samin, ang swerte ni Av ganito kagwapo 'yung mga kapatid niya. Kuya ko kasi mukhang unggoy. Joke. Gwapo din yan, walang panget sa tropa nila. Pero hindi ko 'yun sasabihin ng malakas, dahil mas lalong tataas tiwala sa sarili ng kapatid kong unggoy.
"Wag na po Kuya Harley, kay kuya nalang po ako papasabay. Diba kuya?" Sumingit naman ako saka pinandilatan ng mata si kuya na sa tingin ko wala ding epekto.
"Ano 'ko utusan mo?" See? Isa't kalahati talagang unggoy 'tong isang 'to.
"Pft. Kapal ng mukha"
BINABASA MO ANG
A Glimpse Of Tremaine (ON-HOLD)
RandomAno nga ba ang pamilya? Syempre ito 'yung binubuo ng tatay, nanay at anak. Simple. Pano kung makakakilala ka ng mga taong magmumulat at magpapakita sa'yo ng mas malalim pang kahulugan nito? 'Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na ang swerte ko pala...