Chapter 2
Her Point Of View
Nagising ako dahil sa ingay ng katapat naming bahay. Teka, ano bang meron? Sinilip ko yun saka napansin na inaalis nila 'yung mga gamit. Lilipat na sila? Hay nako umagang-umaga nakikichismis ako.
Mag-aayos na nga lang ako 5:30 na rin pala. Pagkababa ko, nakita ko naman agad si Nanay.
"Oh iha, tara kumain kana" Umupo na rin naman ako saka kumain. Simpleng sandwich lang naman 'yung hinahanda ni Nanay, di rin naman kasi ko sanay na magkanin o heavy breakfast.
Pagkatapos ko kumain agad naman na 'kong nagpaalam kay Nanay saka sumakay na sa sasakyan. Matagal na namin kasambahay si Nanay, sanay na rin ako sakanya. Kung tutuusin nga, hindi ko siya naiisip bilang isang katulong. Para sa'kin, isa ko na rin siyang Nanay. Siguro dahil siya talaga 'yung nagpalaki sa'kin. Alam niyo kasi ang hirap pag puro negosyo 'yung inaatupag ng magulang niyo. Napapabayaan kayo. Bakit kaya ganon? Hindi nila maisip na hindi lang pera 'yung kailangan namin.
Tama na nga! Sa sobrang kadramahan ko hindi ko namalayan na andito na pala ko sa school.
Typical na buhay ng estudyante diba? Bahay, School, Bahay, School. Malamang 'yung pinagkaiba lang, yung iba may mga gimik pa kasama 'yung mga tropa o squad.
Dumiretso agad ako sa klase ko ng bumaba ako sa sasakyan. Buti nalang wala pang masyadong estudyante. Maaga pa ba? Tiningnan ko 'yung orasan ko saka nakita na 6:45 na pala. Ba't ang unti palang ng tao?
Oo nga naman kasi Aine, karaniwan pala sa school na'to ay mga late o kaya naman last minute na bago dumating. Kaya wag kayong magtaka kung bakit hindi ko kasabay si kuya. Malamang ngayon, naliligo pa lang yun.
Umupo na 'ko sa upuan ko saka nagbasa ng libro, nerdy ba? Ang boring lang kasi, saka wala naman pedeng ibang gawin. Kesa naman tumunganga lang ako dito, diba? Maganda rin sa feeling 'yung nagbabasa o kaya magsolve ng Math problems, stress reliever ko na 'yun. Ang weird ba nung Math problems? Masanay na kayo, feeling ko kasi pag nasolve ko 'yung mga complicated na part non. Ibig sabihin kaya ko rin solusyonan 'yung mga sobrang gulong mga problema ko.
"Shainey! Anong meron?"
"OH! Av!"
"Nakatulala ka" Hinawakan niya 'yung noo ko saka sinabing "Wala ka namang sakit. May problema ba?"
Ang OA nito. Nakatulala lang may sakit agad? Hays.
"Sira! May iniisip lang ako. Walang problema, okay?"
"Ah kala ko kung ano na. Maiba 'ko, alam mo bang lilipat kami ng bahay? Ayoko nga sana, kaso sila Ate Clo saka Ate Krey na 'yung nagsabi. Alam mo naman, sila 'yung may super power este masusunod sa'min" Ayan na naman siya sa mga rants niya. Ganyan talaga siya, sasabihin niya kung ano 'yung gusto niya. Nagtataka nga ko sakanya minsan, madalas niyang mabanggit sa'kin si Ate Clo saka Ate Krey, minsan nga si Kuya Aero pa daw. Puro reklamo siya pero yung nakakatuwa is kung gano siya magreklamo ganon din niya purihin yan tatlong yan. Minsan nga nagtataka na 'ko anong meron sa tatlong yan? Pero 'yung mas magandang tanong is ano kayang klaseng pamilya meron siya?
**
Lunch break na namin ngayon, wag na kayong magtaka kung bakit ang bilis ng oras at wag na rin kayo magtaka kung ba't di ko man lang nakwento sainyo happenings ng klase ko. Like duh! Gusto niyo bang magbasa ng boring na scenario sa school? Eh alam niyo namang di ako mahilig makipag socialize sa iba maliban kay Av, nahihiya pa nga ako sa mga kuya niyang schoolmate lang namin lalo na sa kuya niyang crush ko. Oh well, as I was saying lunch break na nga namin at mag-isa lang ako. Kung si Av yung hanap niyo nasa labas ng school namin nandoon daw kasi yung Ate Clo, at Ate Krey niya. I wonder kung magaganda din ba sila. Ay malamang nasa pamilya naman na ata nila yung gwapo't maganda.
BINABASA MO ANG
A Glimpse Of Tremaine (ON-HOLD)
RandomAno nga ba ang pamilya? Syempre ito 'yung binubuo ng tatay, nanay at anak. Simple. Pano kung makakakilala ka ng mga taong magmumulat at magpapakita sa'yo ng mas malalim pang kahulugan nito? 'Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na ang swerte ko pala...