The Erstwhile

235 2 0
                                    

Past? Yan yung madalas pagawayan, pilit tinatago, Ayaw pag usapan, pilit na bumabalik, at ayaw nang balikan. Minsan epal.

"Magkasama nanaman kayo Julie?"

"Jhake trabaho lang yun wala ng iba! Ano ba?"

"Ayan tayo eh! Trabaho nga sayo eh para sakanya ano?"

"Wala yun Jhake, Ikaw ang mahal ko okay?"

"Lalake ako Julie alam ko ang nasa isip niyan. Please. Pwede naman ata na di kayo palagi magkasama diba?"

"Jhake. Sorry iiwas na ako sakanya promise." Umiiyak na si Julie kaya yinakap ko siya

"Sorry Julie nagseselos ako pagnalalaman kong magkasama kayo, nagkikita at naguusap. Iba kasi Julie Ex mo siya, halata naman na gusto ka kunin nun sakin eh. Di ko kaya. Sorry."

"I love you, sorry kung nasigawan kita kanina" sabi ko habang pinupunasan mga luha niya.

"I love you too Jhake, sorry din di ko sinasadya na masaktan ka dahil dun Sorry."

"Sssssh tahan na Tootsie"

"Ikaw kasi! Loko ka!" Hinampas niya ako ng bag sa dibdib

"Ouch! Tama na masakit. Haha" sabi ko habang hinuhuli ko ang kamay niya na hinahampas sakin.

"Sinigawan mo ko kanina eh." Reklamo niya habang nakapout.

"Sorry na" nabigla siya nung halikan ko siya.

"Para saan yun? Magnanakaw ka!" Kinukurot niya tagiliran ko

"Wait wait ibabalik ko na oh" hinalikan ko ulit siya.

Ayaw ayaw pa toh humahalik naman pabalik Haha hiniwalay niya na ang labi niya sa labi ko at naghahabol ng hininga.

"Yan pala ang ayaw ha. HAHAHA yieee nagba-blush si Tootsie Haha" pangaasar ko sakanya

"Nakakainis ka talagaaaaa! Arrrrgggh!"

Tawa lang ako ng tawa habang sinundan ko siya papunta sa kotse. Papunta na kami sa location ng taping nila hinawakan ko kamay niya kaya napatingin siya sakin. Ngumisi naman ako nung maalala ko nangyari kanina.

"Oh? Problema mo at ngumingisi ka dyan?" Tanong niya na may halong pagkaasar.

"Sana ganito nalang tayo palagi noh? Yung walang epal? Yung walang gusto bumalik sayo at kunin ka sakin, walang papansin na tumatawag sayo kahit magkasama tayo. Yung tayo lang, masaya katulad ngayon" tinignan ko siya at hinalikan ko ang kamay niya.

"Ayan nanaman tayo Jhake eh! Ikaw ang mahal ko. Ikaw ikaw ikaw! Okay? Paiiyakin mo ulit ako?" Tinignan niya ako ng masama.

"Diba madalas kasi mangyari yun? Pagbumalik yung dati mong mahal yun yung pinipili kesa sa bago? Napapaisip lang ako pano kung yun yung mangyari satin? Pano kung isang araw pag gising mo mahal mo ulit siya at gusto mo na ulit siya balikan pano na ako?" Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya

"Di ako ganun Jhake, Di yun mangyayari. Hindi lahat ng bumabalik at gusto bumalik ay binabalikan, natuto na ako nasaktan niya na ako, umasa ako, pinakawalan niya ako bakit pa ba ako babalik sa taong di pinahalagahan kung ano meron samin, nasaktan na ako Jhake ayaw ko maulit ng dahil sakanya, tama na ng nagpakatanga ako sakanya dati. Ayaw ko na maulit. Ikaw ang mahal ko Jhake ikaw lang. Bakit Jhake hahayaan mo ba na mawala ako sayo at saktan niya ulit?"

"Ako? Hindi kita hahayaan na mapunta pa ulit sakanya. Pero kung gusto mo at yun lang pagpapasaya sayo magpaparaya ako Julie para sayo ganun kita kamahal kahit masakit para sakin gagawin ko lahat para makita ka lang na masaya."

Nakarating na kami sa location ng taping nila. Bago kami lumabas ng kotse niyakap ko muna siya, nakita ko kanina na pinipigilan niya umiyak, feeling ko sinasaktan ko na siya sa pinagsasabi ko kanina.

"Sorry Tootsie wag kana umiyak please? I love you" hinalikan ko siya sa sentido at pinunasan ko luha niya.

"Haha tara na, iyak ka ng iyak baka iba sabihin ng ibang tao oh. Haha" hinampas niya nanaman ako brutal talaga toh.

Lumapit kami sa mga katrabaho niya. Kilala na din nila ako halos palagi kasi ako kasama n Julie sa taping.

"Hi guys! GoodAfternoon!" Bati ni Julie sa mga katrabaho niya.

"Oh andyan na pala si Julie eh. Kasama yung bodyguard niya." Ngisi nitong asong toh.

"Oh John Michael ikaw padin pala kaLOVETEAM ng GIRLFRIEND ko. Musta ang paghabol sakanya pre?" Sabi ko sa maangas na toh na mukhang aso.

"Ano ba kayo Tama na yan ha. Jhake upo ka na dun please? Nakakahiya sa mga kasama natin, Michael tama na din please?"

"Hindi Julie hayaan mo yan na guard mo, natatakot na makuha kita sakanya eh. Hayaan mo maangas eh." Walang hiya toh ha.

"Ikaw maangas dito eh, ikaw nagsimula oh ano! Hindi ako natatakot sayo. Umayos ka."

"Yan ba Julie pinalit mo sakin? Haha"

Di na ako nakapagpigil kaya sinuntok ko siya. Hangang matumba siya at dumugo labi niya. Kahit sigaw ng sigaw si Julie na tumigil na ako pero para wala akong naririnig dahil sa inis. Inawat na din kami ng mga ibang tao na nandun

"Jhake tama naaaaa!" Niyakap niya ako para matigil ako kakasuntok sa walang hiyang toh.

Tumayo na ako at hinawakan ko si Julie sa kamay. "Ikaw tumigil ka! At wag mo na lalapitan ang girlfriend ko kung ayaw mo mabasag yan na mukha mo tarantado ka!"

Hinila na ako ni Julie papunta sa kotse. Hindi siya kumikibo ng makapunta kami sa may kotse tinitignan niya lang ako habang hawak niya kamay ko.

"Bat' ganun Jhake kakausap palang natin about dun kanina ha? Bat' pinatulan mo pa? Alam mo naman ugali nun diba? Hindi ka ba nakikinig sakin! Nagpadala ka dyan sa init n ulo mo! Ano ba?! Ganito nalang tayo palagi?"

"Sorry Julie, sorry. Kita mo naman diba siya yung nauna diba. Nadala lang ako ng init ng ulo dahil sa mga pinagsasabi niya binabastos at pinapahiya niya ako sa harap mo at sa harap ng ibang tao Julie hindi ko yun hahayaan nakakabastos na siya." Sabi ko habang hinahawakan ang balikat niya

"Ganyan ba talaga Jhake yun ba talaga ha? Sabihin mo na lahat please?"

"Julie Ex mo siya! Natatakot ako natatakot ako Julie kasi may nakaraan kayo wala akong laban sakanya Julie napakiramdam ko everytime namagkasama kayo pwede ka mawala sakin ng isang iglap ng dahil sakanya! Di ko na alam gagawin ko!" Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Wala akong pakialam kong ano sabihin ng makakita samin, gusto ko lang malabas lahat.

"Hindi ako babalik sakanya, ikaw ang meron ko ngayon di ko hahayaan na masira lang ito ng nakaraan."

"I love you Jhake, I really do" sabi niya habang hinahawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi kita minahal para lang balikan ang taong naging dahilan ng pagiyak ko. Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan Jhake."

"Sorry Julie kung nahihirapan ka na sakin. I love you. And thank you kahit ganito ako di mo padin ako iniwan para sakanya."

"Past will always remain as past Jhake, it will only depends on the person if she/he want the past to enter his/her life again. The past just make us stronger."

"I love you Jhake" hinalikan niya ako hanggang sa maramdaman ko na may tumutulo na luha sa kanyang mata.

"I Love you too Julie"

-End

Note:

HOPIAAAAAAA Hahaha. Lutang. Dahil sa Holding hands ng #DarVin sa BuenaFamilia hahaha JhaLie FTW.
And sorry kung di ko na malalabas yung ibang OS lalo na yun Where do broken Hearts Go? ,Crazy and yung Enemy. Nabura siya sa drafts. So ito nalang fresh pa. Hahaha. Okay bye. Holding hands mga Chong! Haha Xoxo

The ErstwhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon