Kabanata 1

88 6 0
                                    

Kabanata 1: Holy Shit

Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I still don't want to get up. Masakit pa ang ulo ko because of too much tequila last night.

Habang kinokondisyon ko pa ang aking mata ay bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

I punch a goddess-like face and stepped on his foot. Okay sana kung di ko 'yon sinasadya but... obviously sinadya ko talaga 'yon.

Napahilamos ako sa aking mukha. What have I done? Mabuti na lang at hindi kami magkakilala. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya kapag nagkataon.

Oo, ayokong magkaroon ng skin contact sa mga taong nasa bar except from my friends.  Tsaka hindi natin alam kung saan-saan napadapo iyon..especially yung kamay. Inaamin ko na na-attract ako sa kaguwapuhan ng lalakeng iyon kaya nga nang inulit niya ang pagpulupot ng kamay niya sa beywang ko ay matagal pa bago ako nakapag-react.

Pinilig ko ang aking ulo upang maisantabi na ang mga pangyayari kagabi.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. I did my morning rituals. Pagkatapos ko ay nagbihis na ako at dumiretso sa dining area. Agad ko namang nakita si mama na kakalapag lang ng ulam namin sa ibabaw ng mesa. Si papa naman ay nakaupo roon sa dining chair habang nagbabasa ng news paper. Si kuya, hayun... kaaga-aga ng bayan phone yung hinahawakan. Alam kong si ate Jewel na naman yung katext niya.

"Good morning everyone!"

Agad naman nila akong nilingon.

"Good morning rin anak. How's your sleep?" tanong ni mama.

"Just fine ma." nikiss ko siya sa cheeks, ganoon rin kay papa at kay kuya.

Pagkatapos naming mag almusal ay hinatid ako ni kuya Ammer sa school. Siya palagi ang naghahatid sa akin, kung nagmamadali siya ay sumasabay ako kina mama at papa. Kapag nagkataong pareho silang nagmamadali o di kaya'y mahuhuli ako ng gising ay nag-ta-taxi ako.

"Pakabait ka diyan princess."

"Duhh kuya! Huwag mo nga akong tawaging princess! Hindi na po ako bata."

"Eto naman.. ang harsh. Naglalambing lang si kuya eh. O siya, see you later."

Pumasok na ako sa loob ng campus. Well, ganoon pa rin naman ang atmosphere dito even though this is our first day of our second semester. I'm a 3rd year BS Architecture student.

Palinga-linga ako habang naglalakad sa koridor, nagbabakasakaling makita ko si Jane ngunit hanggang sa marating ko na ang room namin ay wala talaga ni kahit anino niya ang nagpakita. I bet, na hang-over 'yon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sasabay na naman ako nito sa iba. Pumasok na ako sa loob ng room namin at umupo sa may gitnang parte. To be specific, 3rd column from right then nasa 3rd row rin. Ito kasi ang paborito kong puwesto kasi makakafocus ka talaga sa itinuturo ng teacher.

"Precious!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"O Trina, how are you?"

"Heto, ayos lang," she answered. "Did you hear the rumor?" tanong niya.

Napakunot noo ako. Ano naman kaya ang rumor na pinagsasabi niya? Wala naman akong may nasagap. Actually, I'm not really into gossips.

"What rumor?"

Ngunit bago niya ako binigyan ng sagot ay parang may hinahanap pa siya sa tabi ko o sa likod ko.

"Wait, where's Jane?"

"She's in her unit. Hindi siguro papasok. You know, hang-over." tsaka nagkibit-balikat ako. Well, 'yon lang naman ang dapat kong isagot. I don't have the right to tell anyone what's really going on in her private life.

Can't Fight This FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon