Kabanata 4

50 6 0
                                    

Kabanata 4: Nakabakat

"Prex," narinig kong tawag ni Jane. Nandito kami sa kanyang unit ngayon dahil ayoko munang umuwi sa bahay.

Isang linggo na nga pala akong nag s-stay dito sa kanya, I asked permission naman kina mama at papa at okay lang naman daw basta huwag lang kami gumawa ng mga kabulastugan. Parang mababaliw lang kasi ako sa bahay kapag doon lang ako. I need someone to talk to about what happened.

"Hm?" sabay tungga ko ng baso ng tubig.

"Para kang tanga, alam mo 'yon?" nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Why?"

"Eh kasi, almost two weeks na kaya ang nakalipas when you lost your first kiss. Duh! Hindi ka pa ba nakakamove-on? Parang mas lala pa iyang nangyari sa'yo kesa sa akin." tsaka inirapan niya ako.

"Jane, alam mo namang mahalaga sa'kin iyon. Jusko! God knows na grabe 'yong pangangalaga ko doon then.. ugh! Kukunin lang ng katulad niya?!"

"Oh my gosh Precious, do you even hear yourself? Ni "lang" mo lang ang isang katulad niya?"

"Oh my gosh Jane, do you even hear yourself," ginaya ko ang pagkasabi niya at inirapan siya, "Are you even my bestfriend? Obviously, you are on his side!" bulyaw ko sa kanya. Umiinit na talaga ang dugo ko. Big deal talaga sa akin iyon, of course, because that was my first kiss and that was supposed to be given to my one and only!

Umiling ako, "Magbihis tayo. Let's unwind!"

Pagkatapos naming mag-ayos ay pumunta kami sa club. Sumabay ako sa sasakyan ni Jane kasi I don't have my own car. Well, we have three cars at home but papa won't let me drive for now. Hindi ko naman alam kung bakit, he taught me naman how to drive two years ago.

Pagpasok na pagpasok namin ay sumalubong kaagad sa amin ang dumadagundong na electronic music. The wild roars of the people and the smell of the alcohol.

I walk my way to the bar counter at umupo sa isang high chair, "One shot of champaigne, please." sabi ko sa bartender.

Kumuha siya roon at isinalin iyon sa maliit na baso then inilapag sa harap ko.

"Hey! Prex! Hinay-hinay lang sa pag-inom niyan. You should dance--" I cut her off.

"Alam mo nang hindi ko gusto ang mga-" hindi ko na rin naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya rin ako.

"You know, you should stop that attitude, Prex. You couldn't enjoy your life kung ganyan lang ang nasa isipan mo palagi." aniya.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Well, in my point of view I can still enjoy my life kapag hindi ko magagawa ang ganoon...that kamay thingy. Err.

Nagkibit balikat din siya at ininom iyong champaigne na dapat ay sa akin. Ghad! This girl. "Hey!" suway ko sa kanya.

"One champaigne for her please," aniya sa bartender, "I'll pay for that shot." tsaka kinindatan niya ang lalake. She turned to my direction at sumenyas papuntang dance floor. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsagot.

I am just watching her walking her way towards the crowd. Alright, maybe I should enjoy myself here... with this drink.

Nang magtagal na nang magtagal ay naparami-rami na rin ako nang nainom. Medyo hilo na nga ako but I can still manage.

"You...you ass-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil napasinok ako ngunit nawala rin naman kaagad.

Tiningnan ko ang kopitang nasa harap ko and I poke it, "You asshole," sambit ko. Naisip ko na naman kasi na wala man lang ni kahit katiting na romansa yung naganap sa pagkuha ng first ko at isa pa napunta iyon sa hindi ko man lang ka close! Hindi iyon karapat dapat sa kanya! "Asshole!" sabay hampas ko sa table ng bar counter kaya napabaling sa akin ang bartender, but I think, hindi lang siya. Pati na rin ang ibang tao na narito malapit sa pwesto ko.

Can't Fight This FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon