One.

10 1 0
                                    

Two months after...

"Aria!" Tinawag ako ni kuya Dave mula sa veranda. Lumingon ako at ngumiti sa kanya. Agad-agad naman siyang nawala at pagraan ng ilang oras, nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin. "Where are you going?"

"Sa garden. Maglalakad-lakad lang." Sabi ko, at tsaka ko itinaas ang saklay ko. Inalalayan niya naman ako at sinamahan sa garden.

"Kailangan mong magpahinga, Aria. Ayaw mo na bang bumalik sa school? Ang dami mo ng namimiss."

"Ang sabi ng theraphist ko, kailangan ko daw magpractice na maglakad ulit." Tinignan ko siya, at mukhang wala na siyang magawa.

Isang bwan at kalahati na mula ng magising ako sa ospital. Hindi ko alam kung sino ako, o kung ano ang nakaraan ko. Dahil hindi ako ang taong ito.

O kaya siguro, isang mahabang panaginip ang mga nasa isip ko, kagaya ng sinabi ng doktor.

Pero bakit sobrang linaw nito? Mas malinaw pa ito kesa sa mga nakaraan na ikinukwento ni kuya Dave at August.

Kahit ako, naguguluhan minsan. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Ang alam ko, iba ang pangalan ko, kung saan ako nakatira, ang mga magulang ko, kung saan ako nag-aaral. At si Hale... Ang sabi nila si Hale ay isang kaklase lang. Pero bakit pangalan niya ang lagi kong tinatawag sa mga panaginip ko? Bakit mukha niya at hindi ni August?

"Okay, fine, but at least you should sit after some minute, okay?"

"Okay," napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya. Ngumiti siyang muli at sinamahan ako sa paglalakad.

Nilanghap ko ang sariwang hangin habang iniisip ang mga bagay-bagay na kakaiba simula ng nagising ako. Pero nang sumakit ang ulo ko, hinyaan ko muna ang mga magugulong pangyayari na yon.

Pagkatapos ay bumalik din kami agad sa loob ng bahay. Pagkadating ko sa living area, nakita ko si August na nakangiti. Lagi siyang nandito at may mga dalang kung anu-ano. Minsan mga gamit niya na ibinigay ko raw, minsan mga photobooks na sabay daw naming pinagawa. At kung anu-ano pa.

Gustuhin ko mang maniwala sa lahat ng ipinapakita niya, wala pa rin kasi akong maalala. Minsan hindi ko na alam ang mararamdaman ko, kung kikiligin ba ako o maiinis dahil walng maalala ni isa ang bwisit na utak na to.

Pero ang sabi ng doktor, huwag ko raw pilitin.

Kaya ayun ang ginagawa ko.

Ngayon, may dala siyang laptop. Umupo ako sa tabi niya at binuksan niya ang laptop na iyon.

"In here," simula niya, "I saved all our videos together. I know hindi mo maalala, pero baka makatulong."

"Okay." Yun lang ang sinabi ko. Nagplay siya ng isang video.

Nakita ko si Aria... ang sarili ko, na masayang-masaya habang hawak ang kamay ni August. Alam kong siya yun dahil sa boses niya, kahit wala ang mukha niya sa harap ng camera. Tumatakbo sila sa dalampasigan ng isang isla, at nakatutok lang ang camera kay Aria. Tinatangay ng hangin ang kanyang buhok, at tumatawa siya kapag humaharap siya sa camera.

Buhay na buhay ang mga mata niya sa video na to. Ibang-iba na siguro sa mga mata kong halatang naguguluhan pa sa lahat ng nangyayari.

Pagkatapos noon ay nagplay pa si August ng isa pang video, at isa pa, at isa pa hanggang sa tawagin kami ni mommy para kumain ng dinner. Nagtataka akong tumayo. Ibang tao ang naiisip kong kasama habang pinapanood ko ang mga video na yun.

Tahimik akong kumain at pagkatapos ay nagpaalam na si August. Ihinatid ko siya sa labas kahit na nakasupport pa ako.

"It's okay, love, if you still can't remember. I understand. Just please, if you can't still treat me as a boyfriend... A friend will do. Okay?" Tumingin siya sa akin ng parang nagmamakaawa. Hindi ko siya magawang tignan dahil sobrang naaawa na ako sa kanya. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik dito at nagbabakasakaling maalala ko siya.

Pero may magagawa ba ako? Ni hindi ko nga maalalang ito ang dati kong buhay. Kahit anong pilit ko, alam kong iba ako dati.

Pero ayaw kong aminin ang totoo kong nararamdaman ssa kanya, kaya naman tumango na lang ako. At pagkatapos hinalikan niya ako sa noo.

Pumikit ako. Lalo akong nakaramdam ng gulo sa utak ko.

Bakit hindi pamilyar ang mga halik niya? Bakit hindi siya pamilyar sakin? Kung bago pa ako maaksidente e boyfriend ko na siya, bakit wala akong maramdaman?

Niyakap niya ako. At pagkatapos umalis na niya.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

If He Could See Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon