Two.

15 1 0
                                    

"Hello? Aria?" Isang boses ang narinig ko pagkatapos kong sagutin ang cellphone na matagal ng nakalapag sa study table ko. Hindi ko matandaan ang boses na to.

"Hello?" Tahimik kong sagot. Pero biglang tumili yung kausap ko.

"Kyaaaaaah! You're alive! Akala namin ni Denise you're dead na talaga. Oh my God Aria! We missed you!"

"S-sino... to?" Muli kong tanong. Nagbuntong-hininga siya.

"So it's true. Wala ka ngang maalala. Pero sana kahit wala, you know, tinignan mo man lang yung caller ID!" Sinunod ko ang sinabi niya. Frances ang nakapanglan sa caller ID. Muli kong ibinalik ang phone sa tenga ko. "You know my name na? You want us to visit you?"

"Okay..."

Pagkaraan ng ilang oras ay may dumating na dalawang babae. Nakikipag-usap sila kay mommy na parang matagal na silang magkakilala.

"Oh, Aria, nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni mommy. "Sit."

Umupo ako sa pagitan niya at ng isang babae. Maganda siya at makinis ang balat. Ganoon din ang isa, pero medyo morena nga lang. Parehas na mahaba ang buhok nila. Yung mas maputi, kulot at yung isa naman diretso ang buhok. Tinignan ko silang maigi habang ipinapakilala nila ang sarili nila.

"I'm Frances, Aria." Sabi nung morena.

"And I'm Denise." Sabi naman nung maputi. "You know, we're best friends since high school. Me, you and Frances... Can you remember anything?"

"No." Umiling ako at muling tumingin sa kanya. Mukha silang nalungkot kaya huminga ako ng malalim. "I'm sorry guys."

"Well," biglang nagsalita si mommy, "if Aria can't really remember the past, we can make another memories pa naman. What's important is, she's here to be with us in those new memories, right?" Pagkatapos nun ay inexcuse niya muna ang sarili niya.

"Tita's right, isn't she?" Sabi ni Denise at tsaka ngumiti. "I mean, we should go malling or something when Aria's okay na, right?"

"Agreed!" Ngumisi si Frances. "Kaya Aria, magpagaling ka na okay?" Tumango na lang ako bilang sagot.

**

Pagkaraan ng ilang linggo ay nakalakad na rin ako. Hindi ko na kailangan ng support. Nagsimula na rin akong pumasok sa school.

Gaya ng sabi ni Frances, sa unang araw ng pagbabalik ko sa school ay nag-shopping kami. Hindi naman ako talaga mahilig sa damit pero...

"Aria, wala ka pang nabibili kahit isa." Sabi ni Denise habang nakatigin sa invisible shopping bags ko. Nagbuntong-hininga lang ako.

"Parang ayaw ko kasi muna ng mga bagong damit..."

"Aria, you're not actually good at window shopping. Dati, kung may nakita kang maganda, binibili mo agad."

"Uhm... hindi ko alam kung anong maganda..." Nakita kong nagkatinginan si Denise at Frances at tsaka huminga ng malalim.

"It's like we need to help you."

Hinila nila ako papunta sa isang botique. Lahat ng magaganda at mamahaling damit ay dinala nila habang naglalakad, at pagkatapos ibinigay nila ito lahat sa akin para sukatin.

Nang lumabas kami ng botique ay mayroon akong limang bagong damit. At 6,735.55 ang nawala sa credit card ni Aria.

Sobra. Sobrang gastadora ng mga kaibigan ni Aria.

Inikot namin ang isang building ng buong mall at noong mapagod kami, tumambay muna kami sa pinakmalapit na cafe.

"Dark Mocha Frappe for our Comeback Girl." Nakangiting sabi ni Frances. Napatingin ako sa hawak niyang kape.

Frappe?

"Allergic ako sa whipped cream." Saad ko. Pero natawa lang silang dalawa.

"Aria, really. Sabi mo nga yan lang ang binibili mo sa Starbucks since kaya mo naman magblend ng coffee sa bahay niyo. And we've seen you several times savoring whipped cream first!" Madramang sabi ni Denise. Tumingin lang ako sa kanya.

"Talaga? Sinabi ko yun?"

"Yeah, like ages ago." Sagot niya. Tumango si Frances.

"Kapag nagkapantal ka, malapit lang naman ang Medical City." Nagwink si Frances bago niya sinipsip ang kape niya.

Huminga ako ng malalim at sinubukan kong kunin ang whipped cream at pagkatapos ay unti-unti kong kainin ito. Hinintay kong sumakit ang lalamunan ko... pero nakakatatlo na akong ulit, hindi pa rin ito nangyayari.

"See?" Nakangiting sabi ni Frances. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nila ako kailangang dalhin sa ospital.

Pero bakit ko nasabing may allergy ako sa whipped cream? Ang alam ko lang matagal na itong nasa utak ko...

"Aria? What's our next stop? Bags?"

"Uhm." Tumango ako habang sinisipsip ang frappe ko.

Pagkatapos naming magshopping, nagpagdesisyunan na naming umuwi. Masayang nag-uusap sila Denise at Frances pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang whipped cream na kinain ko kanina.

Tumingin-tingin ako sa paligid para mahanap ang sasakyan ni Denise. Pero sa halip na sasakyan niya, iba ang nakita ko.

Si Hale...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If He Could See Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon