Una kitang nakita,
Sa isang sulok sa plaza,
Sa ilalim ng sinag ng buwan,
Ikaw ay aking nasilayan.
Napansin ko ang kalungkutan sa iyong mga mata,
Kaya ako sayp'y lumapit sinta,
pinagaan ko ang kalooban mo,
AT ito ang simula ng ating kwento.
Masaya tayo sa simula,
Pero gumuho ang ating pagsasama,
Nawala ka na parang bula,
At ako'y iniwan mo sa ilalim ng buwan na nakatulala.
Ngayon ako'y nalulungkot sa iyong paglisan,
Pero iniisip kita magpakailanman,
Sumusulpot,nawawala at nagbibigay liwanag sa dilim,
Ikaw ay parang buwan sa aking paningin.