"ULAN"

10 0 0
                                    

Maraming ibig sabihin ang ulan,

Pwedeng malungkot at masaya ang kahulugan,

Pero para sa akin di ko ito gusto,

Ito'y nagpapa-alala sa akin na ika'y naglaho.


Nangako tayo sa isa't-isa,

Na tayo lamang wala ng iba,

Pero nasaan ka ngayon sinta,

Ako'y iniwan mong luhaan at sugatan pa.


Ang ulan ay parang aking mga luha,

Di tumitigil sa pagpatak sa lupa,

Napakalamig at walang tigil sa pagbuhos,

Ito'y nagbibigay sa atin ng unos.

Ang ulan ay parang aking damdamin,

walang sabi-sab at bumuhos rin,

Ang ulan ay parang mga luha,

Di tumitigil sa pagtila.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon