Gaano ba kadaling lumimot?
Sa mga pighati at poot,
Mga sakit na iyong naranasan,
Di ganun kadaling kalimutan.
Maraming beses na silang nagsabi,
Pero di ko magawang sayo isisi,
Ang aking pagkabigo at pagkasawi,
Dahil ako rin may pagkakamali.
Kaya ngayonpinipilit kong lumimot,
Sa mga alaala nating masasaya't malungkot,
Alam kung di ganun kadali,
Pero ito ang gamot sa aking pusong sawi.
Paglimot ay kay hirap tanggapin,
Ito ang siyang aking dapat gawin,
Di na magbabago kahit kailan,
Tayong dalawa ay alaala sa aking isipan.
