Chapter 15

7K 291 6
                                    

Pagkalipas ng ilang araw sa hardin ng healing house.

Kahit gabi maliwanag pa rin ang hardin, napapalibutan ito ng globe light. Globe light ay gawa sa salamin, isa ito sa mga mahalagang invention ng mga mages sa Quoria. Naglalabas ito ng puting ilaw, ang nakakagawa nito ay ang mga firemage lamang, umiilaw ito sa dilim. Tahimik ang lahat na pinakinggan ang mga sinabi ni Brynna.

"Alam ko na mahirap para sa inyo na maniwala sa aking kakayahan bilang isang healer. Ako po si Brynna Whitethistle, taga Palan." May nararamdamang pagtutol si Brennon ng marinig ang sinabi ng anak, pero pinigilan nito ang sarili. "Kakatapos ko lang po bilang isang novice healer sa Academy of HealerMage."

"Novice healer? Kung ganun, hindi ka pa nakapagtapos?" taong ng isa sa mga healer. Matagal bago nakasagot si Brynna. Nagdadalawang isip kung ano ang isasagot, nang makauwi galing sa academy ay walang sinabi ang kanyang mama Sola kaya wala ring hakbang na ginawa si Brynna. Anyway, marunong naman siyang maggamot at sapat na sa kanya iyon.

"Hindi ko alam kung ikokonsedera na nakapagtapos ako."

"Alam mo ba na kailangan mong mag-apprenticeship ng atleast apat na taon para makagraduate?" tanong ng isa sa mga healer doon, may halong pang-uuyam ang boses nito.

Matagal bago nakasagot si Brynna, halatang nagdadalawang-isip ito kung paano ipaliwanag ang sarili. Ilang saglit pa muli itong nagsalita. "Ah—matagal na po akong naging isang apprentice po."

Sabay na nagtawanan ang mga healers.

"Ha! Ang sabi kakatapos mo lang bilang novice healer, tama ba ako?" tumango si Brynna bilang sagot.

"Kung ganun, bakit sinabi mong hindi moa lam kong ikokonsedera na nakapagtapos ka? Obviously, hindi diba?"

"Dahil...d-dahil matagal na po akong naging isang apprentice sa mama ko."

Napunong muli ng halakhak ang hardin.

"Mama mo? Ah! May sariling healing house ang mama mo? Saan? Ano ang pangalan?" usisa pa rin ng healer,halatang gusto nitong mapahiya si Brynna.

"Wala. Hindi kami nagmamay-ari ng healing house. Isang preserver ang mama ko."

"A-ano?" gulat na tanong ng healer na bahagyang umatras. "O my elements! Isang preserver ang mama mo? At sa kanya ka nag apprenticeship? Ha!" sabay baling nito kay Master Selena. "Master Selena, niloloko mo ba kami? Sa isang preserver siya ang apprenticeship, kaya isa siyang rin siyang preserver! At gusto mong makinig kami sa isang apprentice preserver? Nababaliw ka!" galit na sigaw nito.

"Isang preserver nga ang kanyang master, ngunit... bago ka magtatalak na parang manok, bakit hindi mo tanungin ang pangalan ng kanyang master?" Hamon ni Master Selena.

Natigilan ang lahat. Ang iba ay malaki ang tiwala kay Master Selena kaya hindi malaking isyu sa kanila ang pagiging preserver ni Brynna, ngunit lahat sang-ayon dito.

Tumango si Master Selena kay Brynna kaya muling nagsalita si Brynna.

"Ang pangalan ng aking Master ay si Master Sola Whitethistle." Mahinang sabi ni Brynna pero sa mga naroroong healers ay parang kasing lakas iyon ng kulog!

Natahimik ang lahat. Nakita ni Brynna ang gulat at pagkamangha sa mga mata ng mga taong naroroon.

Kilala ng mga ito si Sola. At sinong hindi nakakilala kay Sola Whitethistle? Ilang taon din itong naging isang HeadHealer sa Mer Healing House at Aqua Temple!At higit sa lahat, ito ay isang HighMage! Sinong hindi nakakakilala kay HighLady Sola? Iilan lang ba ang HigMage sa buong Elvedom? Mabibilang lang sa daliri ng dalawang kamay! Ganyan ka hirap maging isang HighMage! Kaya sa buong kaharian ng Brun maituturing na alamat si HighLady Sola Whitethistle.

Elemental Mage Book I (Brynna)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon