Simula

57 5 0
                                    

Pov ni Babae

Para sa iba, isa akong ordinaryo na babae.....

Nag-aaral sa normal na paaralan at hindi masyado mayaman o mahirap....

Ngunit ikaw ang nagparamdam sa akin na pwede rin pala ako maging espesyal sa isang tao...

Sino ba naman mag-aakala na isang lalakeng tulad mo na sikat, mayaman, habulin ng babae, mabait at gwapo ang magmamahal sa babaeng tulad ko na di naman mahalaga....

Pero bakit ganito?

Patuloy parin akong umaasa at nasasaktan?

Ano nga bang ang gusto mong sabihin dun?

Sa pagbalik ko sa nakaraan, naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala.....

Nagkabanggaan tayo sa mall....

Nagkita ulit sa eskwelahan ng hindi inaasahan at naging magkaibigan pa.....

Sobra tayo naging malapit sa iaa'tt isa....

Naikwento ko sa'yo na palagi akong napag-iiwanan....

Kung paano ako mawalan ng kaibigan araw-araw at kung paano ako kamuhian ng aking pamilya sa bawat kakulangan ko....

Pero nanatili ka sa tabi ko at ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nanatiling matatag...

Dumating ang isang araw na niyaya mo akong pumunta sa park kung saan tahimik lang kapag alas onse ng umaga....

At doon nagkaaminan tayo ng ating nararamdaman....

Na mahal mo pala ako at mahal na pala kita....

Pinatunayan mo sakin na pwede palang magkatotoo ang dati kong pinapangarap at iniisip...

Kinabukasan pag-uwi ko sa bahay, nakita kita....

Hindi na ako nagulat dahil madalas ka namang tumatambay dito...

Pero nagulat ako sa sinabi ni ma....

Nagpaalam ka na daw manligaw?

Sabagay tatlong taon na simula nung nagkakilala tayo at isang taon nalang makakapagtrabaho na tayo.....

Siguro nga nakamit ko na ang kalayaan na matagal kong pinapangarap...

Limang buwan ka nanligaw sakin at pagtungtong ng pang-anim na buwan, sinagot na kita dahil gurado na ako sa'yo at muntik na akong sumabog sa kilig dahil sa mga efforts na pinakita mo sakin....

Sana di ka magbago.....

At hindi mo nga ako binigo...

Noong naging legal na tayo sa buong pamilya nanatili ka paring sweet at buong puso magbigay ng efforts at hindi parin nawala ang turing natin na parang magkabarkada dahil minsan, nakokornihan na tayo sa isa't isa...

Lumipas ang pitong buwan, naging okay naman tayo.....

Minsan nagkakaaway pero agad din naman tayo nagbabati....

Pero laking gulat ko ng biglang naging malamig ang pagtungo mo sa'kin....

Halos hindi na tayo nagkakasama at nagkakausap dahil ang lagi mong dinadahilan ay busy ka sa iyong pag-aaral dahil pinagsasabay mo pa ito sa pagiging varsity mo...

Pero tuwing nasusulyapan kita kapag tanghali sa canteen, hindi ka naman mukhang pagod.....

Tumatawa ka nga kasama ang babaeng 'yon eh.....

Tinanong ko ang barkada mo tungkol sakanya, sabi naman nila ex mo daw siya...

Di ko muna pinairal ang inis ko kasi kinausap mo ako....

Ang tipid mo ngang sumagot eh....

Sinigurado mo naman sa'kin na hindi na kayo babalik sa dati ng babaeng 'yon at magkaibigan lang kayo.....

Pero dahil para sakin, bida ako sa buhay mo....

Nakabuntot ako palagi sa'yo....

Nainis ka nga sa'kin at pinagtaasan mo pa ako ng boses....

Ngunit humingi ka naman ng tawad at ako, pinatawad naman kita agad....

Isang araw, tinawagan mo ako at sinabing magkita tayo sa park na tinatambayan natin kaso, hindi ko nasabi sa'yo na nasa airport na kami at hinihintay na lamang na dumating si Kuya at si Papa...

Limang taon na din kasi silang hinsi nakakauwi eh....

Noong gabi, habang nagseselebrasyon pa ang pamilya sa pagdating nila Papa, napag-isipan kong lumibot sa subdivision namin...
At pagliko ko sa kanto, nakita kita kasama ng ex mo na nag-uusap....

Ang tanging lumalabas lang sa isip ko ay 'kontrabida na naman ba ang ex pati sa buhay ko?'....

Akala ko yun ang huling beses na makikita ko kayong nag-uusap sa pribadong lugar pero nagkamali ako.....

Nasundan ng pagkikita niyo ng maraming beses....

Parehong lugar at parehong oras na 10:11 pm...

Nakakatawa ngang isipin na ang oras na 'yon ay pinagsamang birthday natin.....

Diba dapat ako yung kasama mo?

Nahuli mo din ako na nakatingin sa akin....

Pero imbis na lumayo at umiwas....

Lumapit ka pa sakin, niyakap at sinabing 'mahal kita '.....

Pero bigla ka nalang umalis....

Bakit hindi mo ako binati?

Dahil inisip ko na baka nagkukunwari kang hindi mo alam kung ano ang espesyal ngayon araw na ito....

Sinundan kita....

Pero dapat pala di na kita sinundan dahil nakita kita na binigyan mo ng bulaklak ang babaeng 'yon....

Hindi ba dapat ako ang kasama mo ngayon?

At pagtingin mo sa gawi ko, tanging ngiti mo lang ang sinalubong mo sakin.....

Bakit hindi mo naalala?

Bakit hindi mo naalala na anniversary natin ngayon?

Bakit sa ngiti mong iyon, nasasaktan ako?

Ibig bang sabihin ng ngiti mo ay binibitawan mo ako o pinapaasa mo ulit ako???

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng ngiti mong iyon na kung i-eenglish ay smile ????

SMILE (Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon